CNTLP 2

6.8K 162 4
                                    

Elizabeth's PoV....


Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on sa nakasalubong ko kanina kaya kinwento ko ito kay Aling Theresa kung ano ang mga nangyari sa akin nung araw na iyon.


"Aling Theresa ang gwapo talaga ni Prince John at ang bait nya sayang at hindi si Crown Prince Edward ang nakita ko" Kwento ko kay Aling Theresa habang hinampas ng mahina ang kanyang brask sa di maipaliwanag na kilig.




"Hay pinaaalahan lang kita na alamin mo kung saan ka lulugar, huwag mong kakalimutan na rumespeto sa kanila." Paliwanag ni Aling Theresa na parang naguguluhan din sa kanyang sinasabi.



"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ko sa kanya dahil di ko maintindihan ang mga pinagsasasabi nya.


"Wala! wag mo ako ng pansinin mga sinabi ko nahawa na ata ako sa mga  pelikulang pinapanood ko." Magulong imik ni Aling Theresa sabay naglakad palabas ng pinto pero tumigil sya at humarap muli sa akin.


"Bilisan mo na dyan para di ka mahuli sa pagpasok!" Saway ni Aling Theresa sabay sarado ng pinto ng kwarto ko.


Pumasok ako ng banyo at naligo pagkatapos non ay nag toothbrush.  Bumaba ako sa kwarto ko at umalis ng hindi nag bebreakfast dahil sa cafeteria ako kakain para makapag review din ako kung sakaling may mga surprise quizes na magaganap ngayong araw.



3rd Person's PoV....


" Can I come in? pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ng Reyna ng pumasok ito sa silid aklatang ng Hari.



"Okay ka lang ba?" Tanong ng hari sa reyna ng makita ang bakas ng kalungkutan sa kanyang mga mata.



"Kelan ba natin makikita ang dati nating katulong para makita na natin sya. Kailangan ko ng makita ng unang Prinsesa." Hindi na napigilan ng reyna ang pagtaas ng boses nya lalo na ng maalala na halos 9 na taon na nyang di nakakasama ang una nyang anak na babae na napahiwalay sa kanila.



"Wag kang mag alala hindi pa naman ito ang panahon para magpakasal sya at humalili sa iyong korona. Bakit ba hindi na lang ang pangalawang prinsesa ang ipakasal mo? O ang magmana ng iyong korona?" Suwestyon ng hari para pagaanin ang loob ng reyna kahit na nag-dadalawang isip din sya sa mga tinuran nya.



"Nababaliw ka na ba? sa tingin mo papayag ako ha! ayokong sirain ang pagkakaibigan nila ng dahil sa kasal! Bukas na lang tayo mag usap, hindi rin naman tayo magkakaintindihan kung ganito ako ngayon." Sambit ng reyna habang pinupunasan ang mga luhang hindi na nya maiwasang hindi tumulo. Sa halos ilang taon nyang nasa trono ay hindi nya kailanman pinakita sa mga nasasakuoan nya ang kaniyang kahinaan at ito ay ang kaniyang ---- pamilya.



Elizabeth's PoV...



Nandidito ako ngayon sa Cafeteria nagrereview para mamaya. Inantok naman ako biglakaya sinub-sob ko ang ulo ko sa lamesa, pero may napansin akong taong umupo sa harap ko pero hindi ko muna pinansin dahil siguro dala ng kaantukan ko pero maya-maya  ay nagbuntong hininga sya bago nagsalita.


"Eliza, I'm sorry about last night I was just busy for the preparation for John's birthday."  Sambit nito na parang nagpapaliwanag. Hindi ko man lagi naririnig ang boses na ito pero alam kong sya to.

Kaya napagdisisyonan ko na iangat ang ulo ko para sagutin sya at sabihin na nagkamali sya ng taong kinausap.



"I'm sorry your highness, I'm not Princess Eliza excuse me." Sambit ko sabay bow at inayos ang mga gamit ko saka tumayo pero pag minamalas ka nga naman! Makakailang bunggo ba ako kada araw!


Campus Nerd Is The Lost Princess [Preview Only]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon