“Forget it. Wala ako dapat na ipag-alala dahil lock naman ng pinto at isa pa ay marami secured ang school.”pabulong ko sabi sa sarili.

“Hey want some?”pag-alok sakin ni Aya ng kinakain niya na cookies.

Salamat.”  kumuha ako ng ilang piraso ng cookies.

Ano ba nangyari sayo kanina? May sakit ka ba or something? Bigla ka nalang nasigaw at madalas, na parang may nakikita ka na hindi namin nakikita.” nabigla ako sa sinabi ni Aya. Nahalata din pala nila ang nangyayari sakin.

Maniwala ka kaya kung sabihin ko?”  tanong ko sa kanya.

"Hmm try me. Bakit ba? Ano ba kasi meron? Nag-aalala na ako sayo minsan ate Penelope. Don't tell me,'' she paused. Nakakakita ka ng multo?” she continued.

'“No paano ko ba sasabihin? Nagsimula ito nung 18th birthday ko. May mga bagay ako nakikita, naririnig at minsan ay napapaniginipan. Like earlier kay lola, may binulong siya sakin,” kwento ko.

Binulong? Ano ?”  lumapit pa sakin si Aya na tila interesado sa isasagot ko.

“Hindi ako sigurado kung tama ako ng narinig, she mentioned about a prophecy na ako ang magiging daan patungo sa kadiliman. At.. kailangan ko ihanda ang sarili ko. Hindi ko maintindihan.'' patuloy ko pa'ng kwento.

“Hahaha! Si lola talaga! Pati pala sayo kung anu-anong sinasabi!'' natatawa na reaksyon ni Aya.

Bakit?” nagtataka ko'ng tanong.

''Kung anu-ano rin kasi ang sinasabi niya sakin nitong mga nakaraang araw, nakakalungkot daw at mawawala ka na eh di ba favorite ka ni lola kaya siguro ganun. Nalulungkot siguro dahil sa paglipat natin,'' pahayag ni Aya.

Aah siguro nga.” 

Hindi ko alam pero masama talaga ang kutob ko sa maari mangyari.Idagdag pa ang misteryoso lalaki kanina.

“So sino yung tinutukoy mo na lalaki?” tanong niya muli sakin.

“Huh? Yung lalaki , bago umalis ang sinasakyan natin ..nagtagpo ang mga mata namin at malinaw ko naintindihan ang sinabi niya, he will get me.” natatakot ko na sabi. Sino ba hindi matatakot lalo na kapag naaalala ko nag pagngisi niya.

“Wait ano itsura ng lalaki na yan?”

Sinimulan ko i-describe kay Aya ang misteryoso'ng lalaki na nakita ko.

“OMG! I saw him! Oo siya din yung nakita ko na nakamasid sa'yo last time!” hayag ni Aya na kinatindig ng balahibo ko.

Totoo ba sa sinasabi mo?” kinakabahan ko na tanong kay Aya na bigla nalang tumahimik.

Seryoso ito na humarap sakin, kinabahan naman ako sa makabuluhan na titig niya sakin.

Just kidding!” sabay tawa pa ng malakas ni Aya.  Sapakin ko kaya ito?

“Ha.ha nakakatawa. Seryoso ako dito!” sabay hampas ko sa kanya ng pillow.

Aray! Ikaw ha! Itong sa'yo.” hinampas din ako nito ng hawak na pillow.

Aray!” gumanti naman ako.

Naghabulan na kami at nagbatuhan ng unan na tila mga bata. Naaalala ko tuloy nung bata pa kami, madalas namin ito gawin bago matulog.

“Ayoko na ate Penelope! Ang lakas mo humampas! Tao ka ba talaga?!” biro sakin ni Aya.

Ano satingin mo? Bampira?” tugon ko.

Pwede din hahaha!”

Tawa nalang kami ng tawa hanggang sa marinig namin ang pagkatok sa pintuan ng dorm namin. Pareho kami tumigil ni Aya at nagkatinginan.

❅✦❅

Captive By The Six Prince Of VampiresTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang