CH23: The final set

226 12 35
                                    

Some scenes from this chapter are inspired from the movie "saw" ^_^
______________________________________

Gem's POV:

Lumuhod ako at nagsimulang umiyak. Pakonti ng pakonti na kami. Nawalan nanaman kami ng tatlo.

Iyak ng iyak lamang ako. Naririnig ko na papalapit ang mga kaibigan ko saakin.

"Ate gem! Ok ka lang?! Ate gem wag ka na umiyak!" Pagtatahan saakin ni Jaz.

"H-HINDI HINDI! BITAWAN NIYO KO! AYOKO NA AYOKO NA! PAGOD NA P-PAGOD NA AKO! AYOKO NA!" hagulgol ko habang nagpupumiglas sa mga bisig nila.

Hindi ko na realized at first na nagkakaroon na ako ng emotional breakdown. Bakit ba kailangan mangyari ito?

"Gem please wag na." Naiiyak na sabi saakin ni Julyanne.

"H-hindi pwede ito mangyari! S-sana sinabi ko na ang mga masasamang kutob ko nung una palang para walang masama na mangyari! K-KASALANAN KO ITO! PINAHAMAK KO LANG KAYONG LAHAT!" Hagulgol kong sinabi sa kanila.

"Sshh. Tama na Gem. Hindi mo ito kasalanan. It's nobody's fault. Be strong." Pagtatahan saakin ni Anthony habang yakap yakap niya ako.

Ayoko na talaga. Sawa na akong may mamatay saamin.

"Well done everyone. You guys are really strong. I can feel it. You passed the 2nd set." Ani magenta demon.

"Sige." Matapang na sambit ni Hero. "Ano na gagawin namin sa 3rd set? Ano ang sunod naming pupuntahan?" Sunod sunod niyang tanong, halata dito ang tapang sa boses niya.

"The 3rd set huh? Pumunta ka sa next room, katabi lang ng dance studio na ito. That's where you will start your 3rd set." Sabi ni Magenta Demon.

Nakita kong dere-deretso lang si Hero ng lakad palabas ng silid.

"Let's go guys. It's more important to keep going than to mourn. Be strong, all of you." Ani Lopez bago sumunod kay Hero.

Tinulungan na ako ni Eric na tumayo at kami ay lumabas sa dance studio room.

Pumunta kami sa isang kwarto. Mukhang may pagkalaki laki ang silid. Tanging isang rectangular steel box-like machine na naka stand ang nakalagay sa gitna ng silid.

May higit 4 na butas akong nakikita sa makina.

Nanlaki ang mga mata ko nang may makita kaming dalawang pamilyar na pigura sa likod ng makina.

"STELLA! AMBERER!" Sigaw ng iba saamin.

Nakita ko si Amberer at Stella. Nakatungtong sila sa tag-iisang upuan. Nakagapos ang mga kamay nila. May nakabalot na barbed wire sa leeg nila.

The Purge: A trip to hell (COMPLETE) (Editing)Where stories live. Discover now