CH16: United we die

181 14 9
                                    

Oh dahil sa sinipag ako ng husto, nag triple UD ako hahahahahs xD

About sa mga typos, I will fix it pag ginanahan ako hahahaha xD also sa CH15 kung saan nag reunite ang magkaibigan, I made a mistake na isali si amberer sa reunion. Naalala ko tuloy na kasama pala niya sila Dark, alessa, nitro, Casper sa ibang lupalop hahahaha xD nakakalito kasi dahil paiba iba ang locations nila hahahaaha xD
No worries, naayos ko na yan ;)

Anyways, sorry sa mga magiging biktima ang kanilang character sa UD. Patawarin ako. Uwaahh!

Ok. Anyways, malapit na yata sa pagtapos ang story na ito. Ahuhuhu hindi ko tanggap! Ako na sa kabaong! Uwaahh!

Anyway. Enjoy the triple UD guys. Don't forget to vote and comment. Nagaganahan ako lalo pag nakikita ko ang mga comment ninyo :D ^_^

So yun lang. Rest rest muna si author ahuehue xD
______________________________________

Paisley's POV:

Hindi ako makagalaw. Para bang napako ako sa kinaroroonan ko.

Nakasabit ako sa isang meat hook. Nakabaon ito sa likuran ko.

Hindi ko maitanggal ang hook sa likod ko. Napakasakit.

Para bang nanigas ang mga paa ko sa sobrang sakit ng pagkabaon ng hook saakin.

Nakatiklop ang mga daliri sa paa ko dahil sa sakit.

Hindi ko alam kung nasaan ako. Nasa isang madilim na silid ako.

Tanging ang nakita ko ay isang malaking lamesa sa gitna ng silid na ito. Kinilabutan ako nang maaninag ko ang mga nakamamatay na mga patalim sa ibabaw ng lamesa. Sariwa pa ang mga dugo na nakabahid dito.

Kamusta na kaya silang lahat? Ok lang ba kaya sila?

Naalala ko tuloy ang mga masasayang bagay na nangyari saakin at sa mga kaibigan ko. Kahit may nakakaaway man ako sa kanila, mas lumamang parin ang pagmamahal at ang magandang pakikisama ko sa kanila.

Hindi ko na kaya pang lumaban. Ito na yata ang oras ko.

Sapilitan kong binuhat ang sarili para makawala sa hook. Medyo nahirapan ako pero nagawa ko rin.

Bumagsak ako sa sementong lapag. Buti hindi mataas ang binagsakan ko kaya hindi masakit.

Sapilitan akong gumapang sa lamesa at kinuha ang isang matalim na kutsilyo.

Kung mamamatay man ako, hindi pwede sa mga kamay ng demonyong pamilya na iyon. Dapat sa sariling kamay ko lamang. Ako lang...

The Purge: A trip to hell (COMPLETE) (Editing)Where stories live. Discover now