CH1: The reunion

1.2K 28 16
                                    

"T-tama na!"

Yan lang ang bukod tanging sinabi ko habang pinagsasaksak ng nakamaskarang tao yung kapatid ko sa mismong aking harapan.

Natapos na ng misteryosong tao ang pagsaksak sa kpatid ko nang biglang dahan dahan syang humahakbang papunta saakin.

Dahan dahan akong umatras ng hindi ko inaalis ang tingin ko sa taong nakamaskara.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso habang umaatras. Lalong bumilis ang aking paghinga, nagmumulat ang mga mata ko dahil sa matinding takot. Hindi ko na-imagine na ganito pala katindi ang takot ko.

Paatras ng paatras ako ng maramdaman ko ang pader sa likod ko.

Shit! Wala na akong matatakbuhan!

Pinikit ko nalang ang mata ko para hintayin na ibaon ng nakamaskarang tao ang kanyang kutsilyo saakin.

*wwhuuunngg!.....whuuuuunggg!....whuuunnggg!....whuuunnggg!.*

Dahan dahan kong binukas ang mga mata ko.

Nakatingin ang misteryosong tao sa kalangitan.

Ngayon ko lang namalayan na tumunog na pala ang purge siren...

Tapos na..... sa wakas..... tapos na...

Napansin kong binalik ng tao ang tingin nya saakin, na tiyak na nagpabalik ng pagtataka at pangamba ko.

Biglang...

Tinaas nya ang kanyang kutsilyo at ibinaon saakin.....

______________________________________

Gem's POV:

"AAAHHH! TULUNGAN NYO KO!"

Hindi ko namalayan na inaatake na pala ako ng bangungot sa tulog ko.

Nagwawala't nagpupumiglas ako sa aking higaan. Bahang baha ang aking sigaw sa buong tahimik na pamamahay na tinitirahan ko ngayon.

The Purge: A trip to hell (COMPLETE) (Editing)Where stories live. Discover now