CH15: Chaos is following them

212 13 7
                                    

Hellooo~! Eto na yung 2nd update of the weekend. Anyway, kalimutan ko palang sabihin. Mr_iOusman! Thank you pala sa paggawa ng book cover na ito. You.are.so.cool! No pun intended ito xD ;)

______________________________________

Stacey's POV:

"Where are you fellas going?"

Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

"U-uhm. We're just gonna go outside and w-walk around the cornfield." Nauutal na sinabi ni Paisley.

"Oh you don't need to. It's dangerous outside." Nakakatakot na sinabi ng matandang lalake habang dahan-dahan soyang humahakbang papunta saamin.

"Uhm. M-mister. We just really need some f-fresh air. W-we're gonna return i-in just a f-few minutes." Utal na sinabi ni Paisley.

Binalewala lang ng matandang lalake ang sinabi ni Paisley at patuloy lang siyang naglakad papunta saamin.

His eyes were full of insanity and hunger.

Nakapa ko ang lampshade na nasa tabi ko, kaya kinuha ko ang pagkakataon na ipukpok ang lampshade sa matandang lalake.

"TARA NA!" sigaw ko bago hatakin sa kamay si Paisley.

Tumakbo kami pababa. I can feel the adrenaline rushing all over me.

"TODD! GET YOUR REDNECK ASS HERE! WE GOT FRESH MEAT HERE FOR TONIGHT!!" Narinig ko ang nangingibabaw na boses ng matandang lalake mula sa itaas.

Pumunta kami sa front door. Naririnig ko na ang mga mabibigat na yapak ng mga paa na nasa likuran namin.

Nakalabas rin kami sa wakas.

Nakita ko na napakalawak ng cornfield nila.

Hindi ko na iyon tinugunan pa ng pansin at sumunod kila Paisley at Zeus.

"WE AIN'T LETTING YOU WALK AROUND THE CORNFIELD WITHOUT A GUIDE!!" narinig ko ang pagsigaw ng matandang lalake mula sa likuran.

Lumingon ako, at para bang naramdaman ko na naubos ang kulay sa mukha ko.

Yung matandang lalake na si Todd ang pangalan ay hinahanda niya ang dala niyang chainsaw. Yung isa namang nangangalang Joey ay may bitbit na palakol. At yung matandang lalake naman ay may hawak-hawak na hunting rifle... AT NAKATUTOK PA ITO SA AKIN!

Binilisan ko nalang ang pagtakbo ko.

*BANG*

Para bang sasabog ang puso ko sa tunog na iyon. Otomatikong napayuko ako. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang matandang lalake na kinakasa ang kanyang rifle bago ito itutok saakin.

*BANG*

Umilag ako nang pinaputok niya ulit ang baril niya sa direksyon ko.

The Purge: A trip to hell (COMPLETE) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon