"Bakit sobrang possessive mo, Clyde?"

"Dont ask why I am like this, baby, because this is my way of sealing my territory. This is me as a lover and I can be more possessive when you bear my child with you if you will accept me as your official man and hopefully as your husband."

"I will accept your possessiveness as a lover in the mean time, baby."

~¤💞¤~

Malapit na naman ang pagfile namin sa management kaya inaayos na muna namin ang mga documents na gagamitin para mabilis na lang ang proseso at hindi na kami malito.

"Nasaan na si Kim?"

"Hindi namin alam. Dalawang araw ng hindi pumapasok. Wala namang sinabi kung bakit at lagi pang nakapatay ang cellphone kapag tinatawagan ko."

Ano na kayang nangyari sa kanya? Hindi nito ugaling mag-absent lalo na at ganitong mga araw na sobrang busy ng team namin.

"May pumunta ba sa inyo sa bahay nila?"

"Wala pa. Akala kasi namin ay may pinuntahan lang kahapon pero kung magkasunod na araw na wala siya ay may kakaiba na."

"Gusto niyo pumunta tayo sa kanila? Tanungin lang natin kung bakit hindi siya pumasok."

Sumang-ayon ang lahat kaya bumalik na kami sa mga ginagawa at mamaya na lang namin iisipin si Kim.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nagtext. Dalawa ito. Mula kay Ren at Clyde. Inuna ko muna ang kay Ren at baka importante.

Good morning, Cassandra.
Nasaan ka ngayon?

Ren

Napakunot ang noo ko sa text niya. Bakit kaya niya tinatanong?

Nasa office ako ngayon. Workdays, remember?!

Hinintay ko ang reply niya. Baka may itanong ulit ito.

Sige. Have a nice day.

Ren

Tiningnan ko ang text ni Clyde. Napangiti ako sa nabasa ko.

I love you, baby.

Nagreply rin ako para patas lang kami.

I love you, too, baby.

Nilagay ko na sa table ang phone ko. Kinuha ko sa drawer ang mga files ng sales ng boutique. Nagtagal rin ako dahil tingnan ko kung magkakasunod ang months nito. May nagulo sa mga ito kaya tingnan ko ang bawat folder.

Bumalik na ako sa table ko ng magsalita si Laurel.

"Cass, kanina pa umiilaw ang cellphone mo. Baka marami ng text o tawag dyan si sir."

Binaba ko na ang mga dala ko. Muling umiilaw ito at nakita kong ang dami ng text ni Clyde. Lagot na naman ako nito.

Binuksan ko na ang mga ito.

Anong ginagawa mo ngayon?

Busy ka ba, baby?

Bakit hindi ka na nagreply?

Nakalipas pa ang tatlong minuto bago ulit ito magtext.

Baby,busy ka pa rin?

Cassandra!

Okay. I think you are busy. I will just go to your office when you have your break.

Nakahinga ako. Akala ko nagalit na naman siya. Dapat pala dinala ko ito para namonitor ko ang mga text niya.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now