Chapter 20

1.5K 19 7
                                    

Just wait Xander and I'll love you with all of me. I just need to pick all the pieces of me and make it whole again. You just wait. And I kissed him good night.

Sa mga sumunod na mga araw ay naging busy ako sa trabaho ko. Nag enjoy ako sa mga ginagawa ko. Namiss ko rin ang magtrabaho. Focus ako sa pinapatayong shop ni Nins. Dahil madalas na wala si Nins para isupervise ang pinapagawa nyang shop ay ako lahat ang umako ng dapat nyang gawin. It is self fulfilling. Nakakatuwa na may naaccomplish ako. Na may ginagawa ako kesa nakatengga lang ako sa bahay ni Xander.

I can't help but to smile whenever I remember him. I know I promise to myself that I would fix myself for him. And I'm starting it with his help. Sobrang swerte ko na mahal nya ako. He's the man a woman could ever ask for. Hindi pa ganon kalalim ang nararamdaman ko pero I know I'm starting to feel something for him. He's the sweetest. Naappreciate ko lahat ng ginagawa nya para sa akin ng inopen ko ang sarili ko na mahalin sya. Dati kasi gusto ko lang pagbigyan ang gusto nya kaya hirap ako na maramdam sya pero ngayon pinagbibigyan ko rin ang sarili ko na maging masaya. And I am happy. Nakakamiss ding maging masaya. He makes me happy and I love how I'm feeling whenever I'm with him.

"Love, I'll be gone for a week," sabi ni Xander isang gabi. Napatingin ako sa kanya habang nag-aayos para matulog. We started to share a room. Parang ganon lang din naman kasi ang set up namin. He always slept in my room so para mas convenient we decided to have a room for ourselves.

"Why? Work?" I asked.

"Yeah. Business conference. I want to bring you but I know you're enjoying yourself working with Nins' business which is by the way parang ikaw na ang may ari." He smilingly said.

"It's okay. I'm enjoying it. Namiss ko rin kasi magtrabaho. Gusto ko nga rin na magkaroon ng business na katulad ng kay Nins. Parang ayoko maging employee parang gusto ko rin maging boss. Haha."

Yeah I've think about it. Kakayanin ko rin naman sigurong magtayo ng business.

Lumapit si Xander sa akin at niyakap ako.

"But you're my boss," malambing nyang sabi. Kinilig naman ako sa sinabi nya. It's kinda funny kapag kinikilig ako sa mga banat nya. Para akong teenager.

"Don't spoil me too much. Baka masanay ako." I said.

"It's okay. I'm not planning to stop it, love. Papakiligin kita araw-araw." And he gave me a peck on the lips.

"Masyado ka ng cheesy." Nakangiti kong sabi. "Kailan ba ang alis mo? Ilang araw na lang naman matatapos na ang shop ni Nins."

"The day after tomorrow. Nagpaalam lang ako sayo agad para magawan natin ng paraan para hindi kita mamiss." Pilyo nyang sabi. Tinaas baba pa nya ang kilay nya. He always wants to make love to me. Kung pwede nga lang na araw-araw ay gagwin naming pero may pagkakataon kasi na sobrang pagod ako na hindi ko sya napagbibigyan. Ok lang naman sa kanya. He understands.

"You're so naughty!" sabay hampas sa kanya. Hinuli nya ang kamay ko.

"I'm so addicted to you." Sabi nya. "You're like a drug na lagi kong hinahanap. Na ayaw ko ng tigilan.

Natigilan ako. May nagsabi na nito sa akin. And I don't want to go any further sa pinag-iiisip ko.

"Are you okay, love?" hinawakan nya ang pisngi ko. "Bakit hindi ka na nakaimik? May nasabi ba akong masama?" nag-aalala nyang sabi. I composed myself and smiled at him. Ayaw kong isipin nya na may naiisip akong iba.

"Of course I'm okay. Hindi lang ako makapaniwala na adik ka sakin. Haha. But I can't blame you dyosa kasi ako." I joked para hindi na sya mag alala. I pulled his face towards me and kissed him. He kissed me back.

I need to focus all my attention to Xander. Walang dapat makasingit na alaala naming dalawa. I'm starting anew. I'm starting to build my self with Xander. I don't need some extra baggage to carry. Si Xander pa lang sapat na.

Our kiss deepened and his hands were starting to roam around my body. I can feel the desire in him at nahahawa ako. Tama ganyan dapat Cara. Si Xander lang dapat. Kay Xander ka masaya. Kay Xander.

I woke up feeling sore all over my body. Minulat ko ang mata ko at wala na si Xander sa tabi ko. Tiningnan ko ang alarm clock sa bed side table and it says "10:43 AM" napabalikwas ako ng bangon. Late na ako sa trabaho ko. Kaya siguro wala na rin si Xander sa tabi ko ay pumasok na ito. Anong oras naman na nya kasi ako pinatulog papasikat na rin ang araw. Haayyss lalaki nga naman. I don't want to think any further kasi may kakilala din akong ganon.

Akma akong tatayo sa kama ng bumukas ang pinto at niluwa nito si Xander.

"Love, gising ka na. I cook us breakfast." Pinakita pa nya sa akin ang niluto nya. "Breakfast in bed for a very lovely lady like you." At pinatong nya ito sa ibabaw ng kama.

"Hindi ka ba papasok?" tanong ko habang tinitingnan ang prinipare nyang breakfast. Hotdog, egg, ham, pancake and coffee. The usual.

"I take a leave today. One week akong mawawala kaya kelangan na magkasama tayo bago ako umalis. Sobrang mamimiss kasi kita." He gave me a peck on the lips. Habbit nya yun. Ang halikan ako ng smack lang sa labi whenever he wants to.

"But I have work." Nag-aalangan kong sabi.

"Pinagpaalam na kita kay Nins. Sabi ko sya na muna ang bahala sa pinapatayo nya at wag tayong istorbohin at may date tayo buong araw."paliwanag nya.

Hindi na naming kasama si Nins sa bahay. Bumalik na ito sa condo nito simula ng malaman nya na may relasyon na kami ni Xander. Binibigyan nya daw kami ng privacy. Ok lang naman kahit andito sya kasi lagi lang din naman sya sa loob ng kwarto nya.

"Paalam bay un? E inutusan mo sya." Sabi ko ng nangingiti. Alam naman ni Nins ang progress ng shop nya. Pero parang hindi naman sya ganoon kaexcited na matapos ito kaya nagtataka ako kung bakit pa sya nagbusiness. Haha. Pero it's her life kahit pa medyo close na kami e hindi naman ibig sabihin noon na dapat ko ng pakialamanan ang buhay nya.

"Okay na yun. Pumayag naman sya. Let's eat na. Kelangan natin ng energy we have a whole day for ourselves to waste." Kumindat pa sya sa akin.

"And what are you planning to do mister the whole day?" nanlalaki ang mata ko. Tinakpan ko pa ang dalawang dibdib ko ng kamay ko.

Humagalpak lang sya ng tawa pagkakita nya sa akin.

"Love, I'm not superman. I don't have the strength to make love to you for a whole day. Whole night pwede pa pero ang 24 hours hindi ko kaya." At tumawa naman sya.

Nahiya naman ako sa iniisip ko. Yan ang napapala ng sobrang pag-aasume.

"Let's just eat, love. This day is special." He said. Parang may gusting ipahiwatig.

A Mistress Cry [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon