"Zandra.." tawag ko ulit at niyugyog siya ng mahina.

"M-Mamaya na o-oo mamaya na ko babangon Kiesha" sabi niya habang nakapikit ang mata.

Wtf? Ano ba tong babaeng to? Akala ko naman kung anong nangyare sakanya nakatulog lang naman pala! Bwiset! Sakit sa ulo!

"Pasalamat ka kailangan kong gawin to dahil may konsensya ako" pabulong kong sabi sakanya baka magising pa e tss.

"Growl"

Agad akong napalingon kay Sky na tinititigan ako ng taimtim.

"Wag kang sasama mahirap na baka may magtaka kung bakit may lobo dito" ako.

Tumakbo naman ito pabalik ng lumang bahay bakit ba ang talino ng lobong iyon? Saan ba yun galing?

Napailing nalamang ako at gumawa ng portal, mas mabilis na to nakakatamad kasi maglakad tas may bitbit pa ko tsk.

Pagpasok ko sa portal bumungad sakin ang isang kwarto na mahahalata mo agad na pambabae, ito na siguro ang kwarto niya dahil nandito si ano--

"OH MY GASH! Z-ZHYRON? IKAW BA YAN? SI ZANDRA NAKITA MO BA? GABI NA E HINDI PA DIN NABALIK SABI GAGALA LANG DAW--" hindi ko naman matakpan ang tenga ko bwiset na yan ang lakas ng boses ng babaeng ito! Halatang alalang alala siya kay Zandra, napatigil naman siya sa pagsasalita nung makita niyang buhat ko ito.

"H-Hala! Anong nangyare sakanya?" sigaw niya naman.

"Saan kama neto?" tinuro niya naman ang hinahanap ko at sumunod lang siya nung nilapag ko si Zandra sa kama niya.

"Nakatulog ata habang naglalakad buti nakita ko" sabi ko pagkatapos kong ilapag si Zandra.

"Huh? Hindi nga?" nagtataka ang mukha niya.

"Yes, I'll go now take care of her" ako.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at lumabas nako ng dorm nila bigla naman akong may naalala shit! Bawal pala kami sa dorm ng mga babae agad agad akong naglakad ng mabilis mahirap na baka may makakita sakin--

"S-Si.. Si Zhyron ba yon? Anong ginagawa non dito?"

"Oh my gash!!!" tili nung isa.

Mas binilisan ko ang takbo ko kakasabi ko lang may nasalubong na agad akong dalawang babae tss.

Nakadaan na ko sa hagdanan finally nakaalis na din ako doon.

Sinarado ko ang pinto ng dorm ko at hindi na nagulat na may tao doon.

"Saan ka galing hoy?" Tyron habang nilalaro yung unan ko.

"You have missed the meeting dude saan ka ba nanggaling?" Bleeze habang nakain ng prutas kaya nauubos stock ko dito e may nakain na mga patay gutom tss.

Nilagpasan ko naman sila at nagpuntang kusina para uminom ng tubig at bumalik agad.

"So? What's the meeting all about?" Ako.

Kiesha

Tinignan ko ang nagpapahingang si Zandra hindi ko maiwasang magtaka kung bakit masyadong pinapabantayan siya sa amin at kung bakit napakalapit niya sa mga disgrasya.

And hello? HAHAHA nakatulog habang naglalakad? Alien talaga tong si Zandra e.

Agad kasi akong nagpunta sa office ni Head ng hindi nakakapagpaalam sakanya kanina nung may nagsalita sa ulo ko na pumunta daw akong office ni Head ang creepy nga eh pero sinunod ko pa din.

May pinagmeetingan kami tungkol doon sa insidenteng nangyari sa cafeteria.

I-Imbestigahan namin ito kami mismo ang maghahanap nung may kasalanan ng aksidenteng iyon.

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now