Trigger 14 - Just the two of them

Start from the beginning
                                    

Pero minsan, nagiging estranghero si Belle para sa akin.


***


Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng university premises, as usual kaming dalawa na naman ni Selene ang nag-uusap habang nasa tabi ko si Belle at parang malalim ang nasa isip nito. What is she thinking that she's really serious about it? I'm curious.

Everything about her seems so mysterious that I am getting more and more curious to know more about her.

Selene: "Uy! Silent type ka dyan?"

Ambia: "Ah, wala lang ito. Ano bang sinasabi mo?"

Selene: "Ang sabi ko sasama ka ba sa 'kin bukas? Mag-shopping ako."

Ambia: "Shopping? Hoy day, baka nakakalimutan mo may report tayo sa monday at sa kasamaang palad ka-grupo kita. Ano? Tatakasan mo iyong report natin?"

Selene: "Siyempre hindi ko gagawin iyon! Ang init agad ng ulo ah. At tsaka ang usapan naman sa umaga natin gagawin iyong report tapos sigurado naman by afternoon tapos na tayo kaya magsh-shopping ako noon. Oh, anong masama?"

Ambia: "Oo na! Sorry naman. Kailangan ko kasing galingan ang report na ito para magkaroon naman ako ng dos ngayong midterm."

Selene: "Ok, ok na-gets ko na. Uy ang sipag niya ngayon."

Ambia: "Ngayon lang ba ako masipag?"

Selene: "Oo."

Ambia: "Wow. Hindi ka man lang nag dalawang-isip ah? Galing. Ang bait ng friend ko." (Sarcastic)

Selene: "Why, thank you!"

Ambia: "Cheh! Sumbong talaga kita kay Tita, inaaway mo ang bunso. 'Di ba, Belle?"

Belle: "....."

Ambia: "Kdot."

Belle: "..what?"

Selene,Ambia: "Nothing."

Sabay rin kaming napahinga ng malalim. Ang lalim talaga ng iniisip niya huh? Sa sobrang lalim hindi ko na makita ang end part. Sabagay kailan ko ba nakita ang umpisa? 

Noong nasa labas na kami ng gate ay saktong dumating na ang sasakyan na susundo sa amin ni Selene. Sa amin kasi matutulog si Selene dahil nga sa group report na gagawin namin tomorrow together with other two girls na groupmates namin. Si Belle naman sa ibang grupo napunta.

Belle: "Oh, nandyan na iyong mga sundo ninyo." 

Ambia: "Sige, Belle sa monday nalang! Bye!"

Selene: "Ba-bye, sayonara, adios, Belle!"

Belle: "Psh."


End of PoV

Joseph's PoV :

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay dito ako dumiretso sa tambayan ko. Nagmamadali na kasing umuwi iyong dalawa tapos si Pete hindi naman pumunta dito, may meeting ata sa kumpanya nila. Kapag sinasabi niya lang na busy siya sa company na pinapatakbo niya naiisip ko na ibang-iba na nga siya sa amin. Kami nag-aaral pa nila Xander at Renz samantalang nagpapatakbo na ng kumpanya si Pete. Nakakahanga lang talaga.

Napalakad ako palapit sa mini-cabinet na nandito sa kubo at tiningnan ko ang laman noon. Hindi ko na kasi maalala iyong laman. Ano nga bang nilagay ko dito? When I open the mini-cabinet, I saw some clothes, mga damit na pinaglumaan ko na. I even saw my elementary and high school uniforms and nostalgia hit me.

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Where stories live. Discover now