Panimula

60 10 0
                                    


Agad akong napaatras nang malakas na naagsihampasan ang mga pinto ng mga lumang cabinet. 

Shuta kayo! Gusto ko pa po mabuhay! Wala namang takutan ng ganito!

Patuloy parin sa pagbukas-sara ang mga cabinet. Samantala ang mga kahon naman sa gilid ay nagsisibagsakan. 

"H-hoy! Sinasabi ko sa'yo kung sino ka man, malilintikan ka saakin pagnakita kita." sigaw ko.

Mas lumakas naman ang hampas ng mga kabinet kaya mas napaurong ako.

Hindi kaya sa sobrang luma na nitong bodega nagka-multo na? Hindi ko maiwasan na tanungin ang sarili ko sa pangyayari.

"Wala namang takutan. Maglilinis lang naman ako." Ani ko na may kasamang nginig.

Isang napakalakas na pagbagsak ang aking narinig na nagpatalon ang puso ko. Paatras akong naglakad papuntang pinto upang makatakbo. Ngunit sa sobrang takot ay hindi ko namalayan na may nakaharang palang mga kahon kaya't napaupo ako sa maruming sahig.

Bago pa man ako makatayo ay mga paang nakalutang ang tumambad sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko at pinilit na tumayo.

Ngunit bago pa ko makatayo at matawag ang nanay ko ay tuluyan na akong nawalan ng malay.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Got By ErosWhere stories live. Discover now