----

Hawak hawak ko ang kamay niya habang nasa cab kami. We were going to get Bree at ibalita sa kanila ang plano namin ni Youmie. Nakahiga siya sa balikat ko habang ako naman ay di matapos ang titig na ginagawa sa kaniya.

''Thank you.'' Bulong ko sa kaniya.

Umungot siya at ginawan ako nang maliit na halik.

''I love you.'' Bulong niya din pabalik.

Ngumiti ako at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

''Hihintayin ko ang sagot mo Iba.'' She's very sincere, alam ko iyon.

Una siyang lumabas nang marating namin sina manang at Bree.

''Bree, nagpa ulan ka. Alam mo bang magkaiba ang klima dito at sa atin?''

Kinuha ni Youmie ang binili naming coat at sinout iyon kay Bree. Ngumiti lang din si Bree at yinakap si Youmie.

Ella, i love you so much but i know you will like her. She's the one i'd like to marry.

Hinubad ni Bree ang coat at nagpaulan pa.

''Hay, naku Youmie, kanina ko pa pinagsasabihan ang batang yan.''

Sinubukan kong tawagin si Bree dahil kumakapal na ang hamog sa paligid. Babalik na sana si Bree but the next thing happen was so fast.

''Bree!''

''Youmie!!''

Isang malakas na ugong ng sasakyan ang tumunog sa harap namin. Mabilis na nahila ni Youmie ang kamay ni Bree papunta sa amin. At hindi ko na maipaliwanag ang sumunod na nangyari.

Nawalan ng malay si Bree nang bumangga siya sa pavement. Agad siyang dinaluhan ni manang at nang balikan ko nang tanaw si Youmie ay puro dugo at sugat na ang kaniyang mukha.

Nangilabot ako. Nanlamig ang boung pagkatao ko. Halos liparin ko ang distansya namin at agad na lumuhod sa harap nya. Kinanlong ko siya at niyogyug nang mahina. Nakapikit ang mata niya at puno nang sugat ang mukha.

''Youmie! God..''

Maingay ang paligid at may rescue ambulance ang kumuha sa kanila.

Halos mabaliw ako habang nasa loob kami nang ambulance car. Di ko na rin mapigilan ang luhang kusang tumulo na sa aking pisngi. Nasa harap ko ang nakahigang katawan ni Bree.

''The girl is okay now.'' Sigaw noong babae sa akin.

Binaling ko agad ang atensyon kay Youmie. Hindi pa rin maawat ang paglabas nang dugo sa ulo niya.

''Wake up, Youmie! Shit! --- not again please! Youmie! God! ---- where's the doctor?! Damn it! ''

Yun ang unang sabi ko nang tinutulak namin ang stretcher. I am hysterical now.

Tinawagan ko si Lorvin at pati na rin si Glenda. Nasa labas lang ako nang operating room nag aabang sa ibabalita nang doctor.

Ilang oras din akong nakatayo lang doon nang lumapit sa akin si Bree. Puno nang luha ang mukha niya at may bandage ang gilid nang kaniyang kilay.

''Daddy, i'm so sorry. It's all because of me. I am so sorry, hindi ko sinasadya. Ang bilis kasi nung sasakyan. -- daddy.''

Halos hindi na siya makahinga dahil sa iyak niya. Niyakap ko siya at hinalikan sa ulo.

''Ssshhh.. stop crying. Youmie saved you at kahit sino ang nasa sitwasyon ay gagawin iyon.''

Inupo ko siya sa may upuan sa gilid.

''She will be alright, di ba daddy?''

Tumango ako at kahit may bagabag at lungkot sa dibdib ko ay hindi ko iyon ipinakita sa kaniya.

Naagaw ang atensyon ko kay Lorvin na paparating.

''Nasa wrong way ang sasakyan. Hindi pa malaman kung ano dahilan ng driver bakit ganoon ang takbo nang sasakyan. But some of the witnesses say's it is intentionally —''

Balita niya sa akin. Hindi ko naman alam kung paano nangyari iyon pero kung intentional bakit naman niya gagawin iyon? Nasa Hong Kong kami at alam kong miminasan lang may nakakakilala sa akin.

Nagitla kami nang lumabas ang doctor at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. So i did. Pinabalik ko na rin muna si Bree sa kwarto niya.

''Mr. Lambert, there's some blood clot in the part of her occipital lobe, it tells it will affect her visions but i hope surgeries can help. We will wait until she wake. I'm sorry.''

Agad na sabi nang doctor.

Nanginig ako sa nalaman. He was trying to say na maaring mawalan nang paningin si Youmie? Surgeon ako. Pero bakit parati akong walang silbi pagdating doon?

''She was on ICU Mr. Lambert. The patient is not yet able for a visit in a day or two. Hope you understand.''

Di ako sumagot. Nang makalabas naman ako nang opisina niya ay napasuntok ako sa pader.

Why is it happening to me?! Alam kong malubha ang kalagayan ni Youmie. Gusto kong magsisi, sana pala di na kami lumabas.

Ang sakit sa dibdib, nakapanghihina. Iniyak ko lahat nang yun sa harap nang Poong nazareno. Bakit kailangang maghirap nang taong napapalapit sa akin?

I don't wanna lose her. Not again. Sana ako nalang nasagasaan. Sana ako nalang ang nagdusa sa mga sugat na yun.

Ang sakit. Nandoon ulit yung sakit.

---

Abangan:

''Nasaan ako? Bakit napakadilim?''

''Youmie...''

''Nasaan ako! Nasaan si lola?! P*tang ina niyo! Buksan niyo ang ilaw at bubutasan ko ang gilid niyo! --- Baste! --- b - bakit may umiyak?''

''Oh god, why did you this to me..''

''Sino kang mayaman kang magaling mag inglis! Tang ina, isusumbong kayo kay Baste! --- huwag mo kong hawakan! Bakit ba madilim!?!''

''Babe, it's me, Shiba.''

''Ang bantot nang panglan mo, kamo! Lola! Nasaan ako? ----- bakit ang lungkot ko?! Bakit?! Nasaan si Baste?!''

''Mommy, don't cry. It is me, Thiago. We will be right here. --- i live you so much, mom.''
 

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Where stories live. Discover now