Chapter Twenty-Seven

13.8K 368 16
                                    

Chapter Twenty-Seven

Maraming nakakatawa sa sitwasyon ni Savannah ngayon at isa na dun ang pag-upo niya sa harap ng mahabang dining table kung saan kasalo niya ang ilang miyembro ng Belial para sa hapunan.

Para namang makakakain talaga siya. Ni hindi nga niya kayang sikmurain kahit tubig.

Sa kanyang kamay ay pinaglalaruan niya ang kutsilyong hawak. Parang mas gusto niyang itarak 'yon sa puso ng mga ito kaysa ipanghiwa sa steak na nasa harap niya.
Mapait ang ngiting umiling siya. Baka bago pa niya magawa ang iniisip ay mauna pa siyang humandusay dito. Kahit na gaano pa siya kagaling ay alam pa rin ni Savannah na hindi niya kakayanin ang mga ito. She was outnumbered.

Sa ngayon, ang kailangan niya ay maging kalmado. Walang maitutulong sa kanya, at kay Joseph, kung paiiralin niya ang galit. Nandito siya bilang si Lupin, hindi bilang Savannah at lalong hindi bilang Samantha.
Nakaya nga niyang maghintay ng labing limang taon, gasino na lang ang ilang oras o araw? Kaya niyang ngumiti at makipag-plastikan sa mga ito, basta't sa huli ay sisiguraduhin niyang makukuha niya ang hustisya para sa magulang.

"Bakit hindi ka kumakain, Lupin? Is the food not to your liking?"

Nakataas ang kilay na tiningnan niya si Apollyon, nakaupo ito sa kabilang-dulo ng hapag-kainan at nakatingin sa kanya gamit ang mga matang katulad ng kay Marco.
Muling kumirot ang puso niya. Hindi niya yata kayang saktan at patayin ang lalaking ito ng hindi sumasagi sa isip niya ang mukha ng dating kasintahan. Paano niya haharapin si Marco kung nasa kamay niya ang dugo ng ama nito.

Ikinuyom niya ang kamao at muling ipinaskil ang peke niyang ngiti.

"The food is great. Wala lang akong ganang kumain." Nakangiting aniya.

Saglit niyang pinag-aralan ang mukha nito, naghahanap ng kahit anong magsasabi sa kanya na nakilala siya nito bilang si Savannah. Hindi ba't kailan lang ay magkasalo rin silang kumain ng tanghalian kasama ang buong pamilya nito at si Henry noong araw ng auction? Bakit parang patay-malisya lang ito?

Ni hindi nga niya makita sa mata ni Joe kung alam ba nito ang totoong pagkatao niya; na siya si Samantha. There wasn't a spark of recognition in his eyes. Nothing. Hindi katulad ni Marcus na kaagad siyang nakilala nang magkita sila.

Interesting.

Tumango ito at binitawan ang sariling kubyertos.

"Then maybe we should get down to business, yes? Afterall, that's the only reason why you're here."

Finally.

Lumawak ang ngiti niya sa narinig. Kagat-kagat na ng mga ito ang pain na inihagis nila. Ang kailangan na lang ay hilahin niya ang hawak na fishing rod para mahuli ang mga ito.

Binitawan niya ang hawak na kutsilyo at sinalubong ang tingin nito. Nanatili siyang tahimik, hinihintay kung ano ang sasabihin ng lider ng Belial.

Sumenyas ito at sa isang iglap ay awtomatikong nagtayuan ang lahat at agad na nagsilabas ng dining room. Naiwan silang dalawa, pero parang may nagsasabi kay Savannah na hindi siya dapat makampante dahil hindi lang sila ang tao sa loob.
Hindi na siya magtataka kung may sniper na nakatutok sa ulo niya sakaling may ikinilos siyang hindi maganda. Kailangan nila si Lupin, yes, pero mas mahalaga pa rin sa mga ito ang lalaking nakaupo sa harap niya.
Kaya naman, huminga siya nang malalim, nilunok ang galit at nagkunyaring interesado siya sa kung anumang sasabihun nito.

"The triangle were very much interested in you, Lupin. " Simula nito. "Maingay na ang pangalan mo hindi lang sa black market, kundi sa wanted list ng buong mundo. Let's just say that we could use your name and reputation to expand our... business."

Ha! Business her ass.

"What do you need me for?"

Ngumiti ito. "Kung saan ka magaling."

Tumango siya. 'Yon ang inaasahan niyang marinig. "Then what do you need me to do?"

Malakas na halakhak ang naging tugon nito. "I like you're straightforwardness.  And you're not even scared. You really remind me of someone I know." Anito.

Pakiramdam niya ay pumalya ang ngiting nakapaskil sa labi niya. Alam niya kung sino ang taong iniisip nito ngayon. Ang Daddy Lucas niya. Dahil once upon a time ay naging magkaibigan ang mga ito.

"To be honest, you're not the one I expected to see, Miss Collins. Who would have thought that SEC's heiress is the famous Lupin."

Gumuhit muli ang ngiti sa labi niya.Yun ang unang beses na ipinahiwatig nito na namukhaan siya nito bilang si Savannah, tagapagmana ng SEC Hotel. Kanina niya pa hinihintay na banggitin nito ang pangalan niya.

"Does your Dad know about this? That you're living a double-life? A good daughter by day and a notorius thief by night?"
Muling pumalya ang ngiti niya. Ilang segundong tumigil ang tibok ng puso niya. Nung una, akala ni Savannah ay ang Daddy Lucas niya ang tinutukoy nito, pero nang marinig niya ang iba pang sinabi nito,
"Or is he a part of it? Maybe his hotel business is only a front for Lupin?"
Dun lang rumehistro sa utak niya na si Henry ang pinag-uusapan nila.

Nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya alam kung bakit ba kinakabahan siya na malaman nito ang totoo tungkol sa totoong pagkatao niya. Siguro dahil hindi pa siya handang malaman kung may kinalaman din ito sa nangyari sa pamilya niya fifteen years ago.
Dahil kung meron nga, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya.

"And do you know what's more interesting about you, Miss Collins?" Itinuon nito ang buong atensyon sa mukha niya. "You resemble a certain someone that I know. Oh and that reminds me... I saw the way my son look at you." Ngumisi ito. "Mukhang interesado sayo ang anak ko. Gusto mo ba siyang makilala? It's about time he forgets about that girl. I could introduce you to him. Baka sakaling matuwa siya at maalis ang galit niya sakin." Tumawa ito. Isang malakas na tawa na nagpakulo sa dugo niya.

Dangerous KissWhere stories live. Discover now