Chapter 39: Better

15.3K 657 115
                                    

Trey's POV
   
"Babe can we talk?"

Matapos ang nangyari nakuha pa talaga niyang makipag-usap sa akin? Well sa pakapalan naman talaga ng mukha nangunguna ang pangalang Ash.

I can tell dahil ilang beses na rin niya akong sinaktan.

Nanatiling nakatitig lang ako sa kanya. Patuloy pa rin sa pagluha ang aking mga mata.

Ano pa ba ang kaibahan? Palagi na lang ako umiiyak ng dahil sa kanya.

I don't know if I saw it right. Is he hurting? Iyon kasi ang bumabakas sa kanyang mukha.

Tama na nga 'yan Trey. Huwag ka ng umasa. Isa ka talagang dakilang tanga.

"I-I'm sorry." Basag ang kanyang boses.

I smile bitterly. Sorry lang naman din ang kaya niyang sabihin. Tapos ano? Kapag pinatawad mo na, sasaktan ka na naman niya ulit?

Nanatiling tahimik lang ako. Hinihintay ko ang paliwanag niya kahit hindi pa ako handang pakinggan. Maybe it will help me para itigil na ang mahalin siya.

Humakbang siya papalapit sa akin, "Please don't cry," at pinahiran ang pisngi ko gamit ang hinlalaking daliri niya.

Pinabayaan ko lang siya kahit na niyakap niya ako. Ginantihan ko rin siya ng yakap. It might be the last time na mahahagkan ko siya ng ganito.

"I'm sorry, I'm sorry." Paulit-ulit lang na sabi niya habang nakayakap sa akin. Pagkuway ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang pagprotesta.

Kailangan kong humiwalay kahit pa na gusto kong manatili sa bisig niya dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Mahuhulog na naman ako sa kanyang patibong.

"I know you up to something. Bibigyan kita ng pagkakataon para magsalita." Last chance for him to talk. I want to end everything na walang dinadalang bigat sa loob. Mali kung tatapusin ko ang lahat sa amin na hindi pinapakinggan ang paliwanag niya.

"A-Alam kung nasaktan kita." Panimula niya. Buti alam niya. Much better kung iriphrase sana niya ng ganito. "Alam kong paulit-ulit kitang sinasaktan." Iyon dapat ang sinabi niya.

"Hindi ko ginusto ang nangyari."

Sa tingin niya ginusto ko rin ang nangyari. May tumulong likido sa kanyang mukha.

Umiiyak siya. Nagulat ako. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong umiyak si Ash.

"Nabigla lang ako nang masigawan kita. Importante kasi sa akin si Julia."

Bakit? Hindi ba rin ako naging  importante sa kanya?

"She's been a good friend of mine. Halos kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Nang makita ko na nawalan siya ng malay ay hindi ko alam gagawin nang mga oras na 'yon kaya hindi ko inasahan na masigawan ka ng ganoon."

Naiintindihan ko pa na nagalit siya sa akin nang makita niyang walang malay si Julia. Pero ang hindi niya pamamansin sa akin, 'yon na ang hindi ko maintindihan. Parang wala lang ako sa kanya ng isang buwan. Hindi ko nga alam kung paano niya nagawang magpakita sa akin ngayon matapos nang ginawa niya. Siya nga ata ang pinakamakapal ang mukha sa buong mundo. I hate to say that to him but I think he deserved those words. Wala naman akong ginawang mali kundi lang mahalin siya.

"And I was a jerk for not talking with you for a long time. Nagalit lang kasi ako sa sarili ko. Ako ang puno't-dulo ng lahat nang nangyari. Kung hindi dahil sa akin hindi kayo mag-aaway ni Julia. But why Trey? Bakit mo tinulak si Julia. Kahit hindi ko nakikita alam kung nagiging rude siya sayo. But why did you do such thing? Kung nagalit ka sa kanya sana hindi mo iyon ginawa. She told me everything. I love you pero hindi tamang gawin mo iyon sa kanya." Pagpapatuloy niya.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon