Chapter 21: Insulted

15.9K 587 95
                                    

Trey's POV
   
"Isa kang makasalanang nilalang Mikael. Maghunos-dili ka! Isang malaking paglabag ang nararamdaman mong iyan." Gulat na wika ko kay Mikael nang aminin niya na may gusto nga siya sa professor namin na si Sir Alegrea.

"Trey naman eh. Hinaan mo nga ang boses mo baka may makarinig sayo. Huminahon ka please."

"Paano ako hihinahon sa kalagayan mo, aber?" Malakas pa rin ang boses ko.

Wala namang makakarinig sa pinag-uusapan namin dahil sa pinakadulong bahagi kami ng bench dito sa open field ng school namin nakaupo. Isa pa, kaunti lang naman ang mga nakikita naming estudyante dahil karamihan ay may pasok. Vacant kasi namin ng one hour kaya kami nandito.

"Ang oa mo naman Trey. G-Gusto ko lang naman si sir Andrew eh. Hindi naman siguro counted 'yon sa batas ng university dahil hindi namin kami magboyfriend." Paliwanag niya.

"Kahit na. Mali pa rin 'yon nu. Dapat si Izzy lang ang maaring magustuhan mo."

Napakunot ang noo ni Mikael sa sinabi ko. "Bakit naman nasali ang lalaking 'yon?"

"Because you are meant for him."

"Ewan ko sayo Trey. Anong meant to be ako sa kanya. Wala akong pakialam sa Izzy na 'yon. Bakit mo kasi ako pinagtutulakan sa kanya?" He look annoyed.

"Ah basta! Kay Izzy ka lang pwede, hindi ka dapat magkagusto kay Sir Alegrea. Period." Nag-akto pa ako na gumuhit ng tuldok sa hangin.

Mikael was about to say something nang biglang may sumulpot sa harapan namin.

Nang tingnan ko ito, nakakunot ang noo nito habang nakatingin kay Mikael.

"Anong may gusto ka kay sir Alegrea, ha Mikael?" Maangas nitong tanong.

"Izzy." Tawag ko sa kanya. Grabe ang lalaking 'to. May lahi talagang kabote.

"Hi Trey." Bati niya na hindi tumitingin sa akin. Kay Mikael pa rin siya nakatitig na ngayon ay nakabalot ang takot sa mukha.

"Ah eh..." Nauutal na sabi ni Mikael.

"Haven't I told you that you should not like any other man except me?"

Hindi nakapagsalita si Mikael. Ako naman amuse na nanood sa kanilang dalawa at the same time kinikilig din.

"Y-You don't care."

"Yes, I care."

"You are mine kaya bawal kang magkagusto sa ibang lalaki." Bumaling na ng tingin sa akin si Izzy. "Ah Trey pwede bang mahiram itong si Mikael? May pag-uusapan lang kami."

"Sure. Basta inga---" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil hinila na lang ni Izzy si Mikael. Nagpaalam pa talaga eh nu.

Nakangiti na lang ako habang tinitingnan silang lumalayo.

Nang mawala na sila sa paningin ko, doon ko lang naalala na hindi pala pwede na mag-isa ako. Patay ako nito kay Summer.

Tinakasan ko siya gamit si Mikael. Pagkatapos kasi ng klase ni Sir Alegrea at nakalabas ito, bigla ko na lang hinila si Mikael at nagmamadaling lumabas ng room. Nagtaka pa ang ilang kaklase namin dahil sa ginawa ko.

Nanatili lang ako rito sa bench dahil mukhang safe naman dito. Atleast, if ever na makita ako ni Summer at bigla na lang akong sugurin, marami ang makakasaksi. Pero kahit na ligtas, kinakabahan pa rin ako. Alam ko kasing babawi iyon sa akin lalo na't pinagbantaan niya ako kanina.

Maya-maya, nakaramdam ako ng gutom. Medyo kinaya ko pa dahil nga takot akong pumunta ng canteen baka kasi bigla na lang sumulpot si Summer at baka iyon na ang magiging katapusan ko.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon