Chapter 35: Fight for love

16.5K 595 134
                                    

Trey's POV

Kalat na sa buong unibersidad ang tungkol sa aming dalawa ni Ash. Kahit sa facebook at twitter ay kalat na rin ito. I don't know kung paano kumalat ito at kung sino ang nasa likod nito.

Parang ayaw ko ng pumasok dahil sa takot na nararamdaman ko. Although, handa na kaming ipaglaban ang relasyon naming dalawa, hindi pa rin maialis sa akin ang matakot at mangamba.

I trust Ash. Naniniwala akong kakayanin naming harapin 'to. Basta wala lang may bibitiw, wala lang may susuko.

Parang ayaw kong pumasok nang makarating kami ni Ash sa school. It's the second day of our Intramurals. Hindi ko alam kung anong mukha ang maiiharap ko sa kanila.

Ganyan naman 'yyong tao. Nagtatapang-tapangan lang pero kung nasa harap na, nababahag na ang buntot.

But this is me, si Trey. Kayang-kaya ko 'to. I love Ash. I will do my best to ignore those people who will insult and mock us. Kung kinaya nga ni Mikael, makakaya ko rin.

Like who cares, right? Wala naman silang naitulong sa relasyon namin ni Ash tapos maninira lang sila diba? Bahala na sila kung ano man ang sabihin at isipin nila. Problema na nila 'yon. Nagsasayang lang sila ng oras nila. Promise 'yan.

Makapasok na nga. Kaya mo 'to Trey. Ikaw pa. Fighting!

"Do you trust me?" Napatingin ako sa katabi ko. Alam kong may takot din siyang nararamdaman. Halata iyon sa mga mata niya at sa nanlalamig niyang kamay. Pero makikita mo rin sa mga ito ang katapangan at handang ipaglaban ang relasyon naming dalawa.

Pinilit ko ang ngumiti at tumango sa kanya. "Y-Yes, I trust you."

"Hawakan mo lang ang kamay ko. Don't mind them. Palagi mong isipin na mahal kita. We can do this, okay." Dagdag pa niya.

Sinabi ni Ash na sabay kaming papasok ngayon. Nakapag-usap na rin kami kagabi kung paano namin haharapin ang problemang ito. I don't know if it's the right term to use.  Well, problema naman talaga kasi pinoproblema nga namin ito.

Okay, ang gulo ko na.

Pero hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa lahat ng kanyang sinabi kagabi. Siya pa mismo ang nagsabi sa akin na huwag akong magpapaapekto kung ano man ang negatibo o nakakainsultong salita na maaring ibato sa akin ng mga tao. Huwag daw akong mag-alala dahil handa siyang ipagtanggol ako.

Iisa lang ang ibig sabihin ng klase ng tinging ipinupukol sa amin ni Ash ng mga nakakakasalubong namin pagpasok sa school.

Gano'n ba ako kaganda tapos kagwapo si Ash kaya ganyan sila makatitig?

Hahaha. Biro lang.

Alam ko kung anong ibig sabihin ng mga titig na iyan. Hinuhusgahan nila kami.

Well, what would I expect?

Ang iba sa kanila ay nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Ang iba'y nanggigil na parang gusto akong sugurin, sabunutan at hilahin palayo kay Ash--- sila 'yong mga babaeng patay na patay sa abo ko. May titingin ng masama at pagkuway iirap, tinataasan ng kilay, pandidiri at kung anu-ano pa.

May iba naman na walang pakialam. Marahil walang alam sa nangyari o wala talagang pakialam. Hindi porket kasi sikat si abo sa school, mayroon pa ring mga estudyante na walang pakialam at hindi nakakakilala sa kanya.

Pero kahit gano'n, labis ko pa ring ikinatutuwa 'yong mga klase ng tingin na sumusuporta at sumasang-ayon sa relasyon namin ni Ash. Sila 'yong mga katulad naming kabilang sa Third sex.

Alam ko sa sarili ko na nahihiya at natatakot ako pero pinapanatili ko pa rin na parang wala lang sa akin ang issue. Kung magpapaapekto ako, edi binibigyan ko lang sila ng rason na mas laitin pa ako.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon