Chapter 25: Naughty

16.9K 625 137
                                    

Trey's POV
    
"Beh sorry ha kung hindi na kita naiidate this past few weeks. Alam mo namang busy ako eh."

Pinanliitan ko siya ng mata. Kailan pa kaya naging vocal sa'kin ang kumag na'to.

Hindi ako nakapagsalita. "Galit ka na ba sa akin?"

"Hindi kaya bagay sayo ang magpakyut. Itigil mo nga 'yan!" Saway ko dahil nagpapakyut eh. Ang sagwa niyang tingnan. Siguro kung may babaeng makikita sa istura niyang 'yan, siguradong madidiscourage.

Pero siguro lang naman dahil alam kung hindi mangayayari iyon. Sa gwapo niyang 'yan.

"Hala si bunso, nagagalit kay kuya. Sorry na beh ah. Babawi talaga ako ngayon, promise 'yan. Mamatay man lahat ng gwapo sa mundo except sa'kin."

Inilagay ko ang kanang palad sa tenga ko na tila bang may tinatawagan. "Hello joke? Si kuya nagbibiro. Ano sa tingin mo? Nakakatawa ba o hindi?" Then I said sarcastically.

"Ay grabe siya oh. Hahaha." Reaksyon niya bago tumawa. "Halika nga rito." Sabi pa niya sabay hila sa akin at niyakap ako.

"Miss na miss na kita bunso. Sorry kung wala talagang oras ang kuya mo sayo ah." Hindi na ako nagsalita bagkus napangiti na lang.

I'm so happy that kuya is being like this. Minsan lang niya ito ginagawa kaya hindi na ako nagreklamo. And I'm not complaining if he's not doing his responsibility as my older brother. Hindi na katulad ng dati na palagi niya akong inaalagaan. Although namimiss ko na ang pagiging maalagang kuya niya subalit kailangan ko rin siyang isipin at intindihin.

He has his own personal life and not all the time he will give all of his attention to me. He deserves to be happy. And I'm glad that I'm seeing it now. He looks more lively and inspired. Si Ate Yura lang ang lahat ng rason kung ano man ang nagbabago sa kanya ngayon.

"I miss you too kuya. You don't need to say sorry. Okay lang ako and besides I'm old enough to handle myself."

Humiwalay siya ng yakap sa akin pero iniwan niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko. "Lumalaki na talaga ang kapatid ko. Dati rati ako pa ang nalilinis ng junior no'ng tinuli ka kasi ayaw mong si momm---"

"Waaaaah! Kuya naman eh!" Tili ko sa sinabi niya. I hate him. Sa dinami-dami ng pwedeng ipaalala, iyon pa talaga ang lumabas sa bibig niya. "I hate you!"

Napatawa lang ang mokong.

"Sorry okay." Ginulo niya ang buhok ko. "Tulad ka pa rin ng dati. By the way, where do you want to go?" He suddenly ask that makes me curious.

"Huh?"

"I said, where do you want to go. Ayaw mo bang idate kita?" Paglilinaw niya. Kuminang naman ang mata ko. Talaga, ididate niya ako?

"Babawi ako. Si Yura lang kasi parati ang dinidate ko. When will be last time that we had our date? Mhmmm. Mga one month na siguro bunso nu?"

"Sinabi mo pa. Dapat lang na bumawi ka kaya huwag kang magko-complain kung magdedemand ako."

Napasimangot siya. "Opo bunso. Kung hindi lang kita mahal..."

"I love you kuya."

"Psh! I love you too bunso."

"Let's go." Inaya ko na siya at naglakad na kami palabas ng school. Hindi pa kami nakakauwi ng bahay. After kasi ng huling klase ay sinundo ako ni kuya sa classroom ko.

Mabuti naman naalala niya na may kapatid pa siya.

"Wait!" Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Nagpaalam ka na ba kay Ate Yura?"

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon