Chapter 1: Princess meets the Princes

1.1K 31 17
                                    

Chapter 1

Itinigil ko ang aking karwahe sa tapat ng isang napakalaking tarangkahan.napangiti ako. tanaw na tanaw ko na ang kastilyo. matagal na ng huli akong dumalaw dito ngunit halos wala itong pinagbago.  ganun pa rin ang nagtataasan tore nito. halos magkatulad lang din ang palasyo namin ang pinagkaiba nga lang ay mayroon itong harding labirito sa kanan at isang napakalaking hardin naman sa kaliwa. hilig talaga ng reyna ang mga bulaklak.

kinatok ng aking alalay ang tarangkahan,... “Narito ang mahal na prinsesa”....sabi nito. bumukas ang tarangkahan. naroon ang ilang mga kawal na naginspeksyon sa amin,pinapasok na rin kami pagkatapos.

Bago kami makarating sa tapat mismo ng palasyo ay pinatigil ko na ang karwahe at ipinaalis na ito. Hindi ko kailangan ng mga alalay at baka makasira lang sila sa plano ko. mag-isa kong tinunton ang pintuan ng palasyo.

Isang matabang babae ang sumalubong sa akin..”.ikinagagalak ko ang iyong pagdating mahal na prinsesa”...saka ito yumukod...

”Nasaan ang mahal na reyna”...tanong ko dito. Nais ko sanang pasalamatan ito.

“May biglaang inasikaso ang reyna kaninang umaga, humihingi daw siya ng tawad dahil hindi ka niya masasalubong”. Paliwanag nito. sayang naman, medyo nagtatampo pa naman ako dahil hindi magarbo ang pagsalubong sa akin.

“Ganun ba?”. malamig kong sagot dito...

“Opo, kung inyo pong mamarapatin ihahatid ko na po kayo sa inyong silid.”.. tumawag pa ito ng dalawang katulong para buhatin ang mga bagahe ko.

Nasa ikalawang palapag ang aking silid sa bandang kanan ng palasyo. Namangha ako sa dinaanan namin kanina sa unang palapag na siyang pinagdadausan ng mga kasiyahan. Sino ba namang hindi, napapalamutian lang naman ito ng iba't ibang bulaklak. hindi katulad ng sa amin na simple,hindi naman ako mahilig sa mga bulalak. Pati mga chandelier ay tila hugis bulaklak din.

Pinaalis ko na din ang mga katulong ng makarating na kami sa aking silid. buti na lamang at walang gaanong disenyo ng bulaklak dito. Napansin ko din na may balkonahe sa aking kuwarto. Hindi ko muna ito pinansin kailangan ko munang magpahinga.

Lagpas na tanghali ng magising ako. Sobrang pagod ko dahil sa isang linggong byahe ko. ang una kong naisip pagkabangon ko ay ang hanapin ang prinsipe. ano pa ba? kaya sinuot ko ang isa sa pinakamaganda kong damit na kulay asul. Inayos ko na rin ang aking buhok at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha.

Kanina ko pa hinahanap ang prinsipe,nagtanong tanong na rin ako sa mga katulong ngunit ang bobo lang nila dahil wala daw silang alam kung nasan ito. Ngali ngali ko silang sigawan ngunit hindi pwede at baka masira ang imahe ko sa prinsipe.

Hahanapin ko na lang siyang mag-isa. Baka makita ko din siyang nagiisa tapos tatanungin niya ako kung bakit ako naroon at sasabihin kong naliligaw lang ako, sasabihin naman niyang samahan ko muna siya at doon na magsisimula ang lahat. Ayieeeee.

Ang lahat ng iyon ay nanatili na lang sa imahinasyon ko sapagkat narating ko na ang pinakalabas at likurang bahagi ng palasyo at isang mataas na pader na ang sumalubong sa akin. Diring diri na rin ako sa sarili ko dahil pawis na pawis na ako.

Asan na kaya ang aking mahak. aalis na sana ako ng.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon