Chapter 44

785 21 1
                                    

[Ashley]

Ewan ko ba at pagkatapos ng nangyari sa L-Holdings ay may nararamdaman akong kakaiba kay Miguel.

Parang hindi na siya si Miguel. I mean, parang may iba sa ikinikilos niya. Hindi kagaya noong bago palang kami magkakilala. Iyong image niyang badboy, na hindi lang naman sa mukha at pananamit nakikita kundi pati sa mga titig niya at kilos ay parang biglang nawala.

Para na siyang si Tristan. Iyong makatingin ay agad akong kinakabahan ng hindi ko mawari. Iyong parang ang seryoso ng aura niya pero puno ng pagmamahal at paggalang. Tapos napapangiti ka nalang sa simple gestures niya. At iyong naninindig ang balahibo ko everytime he touch me. Ganoon na ganoon ang epekto ng paghawak ni Tristan noon sa akin na ngayon ay nararamdaman ko na rin kay Migs.

Kaya ako lalong naguguluhan eh.

"Hay! Ashley! Hindi nga kasi siya si Tristan. Patay na si Tristan. Itatak mo sa isip at puso mo na si Miguel siya. Ang lalaking nagsisimula nang magpatibok sa matagal mong naisaradong puso." Saway ko sa sarili.

"Hey! Wifey? Ang lalim yata ng iniisip mo? Tara na. Kanina pa nagtatakbo si Blue papasok ng school." Sabi nito sabay tanggal ng seatbelt ko.

Napatulala yata ako ng hindi ko namamalayan.

"Ah? Ha? May iniisip lang ako." Sagot ko naman dito sabay baba ng sasakyan.

"Sus! If I know ako lang iyong iniisip mo." Nakangisi nitong sabi.

"Hindi no. Assuming ka masyado, hubby. Iyong bidding with the European investors next week ang iniisip ko." Pagdadahilan ko pa.

"Hmmm. Don't worry about it. Ako na ang bahala doon. Magbibrainstorming nalang tayo para mas maisaayos ang gagawin nating proposal."

Ha? As in seriously? How come? Eh ilang araw palang niyang natututunan ang mga gawain dati ni Tristan ah.

"Ang ibig kong sabihin may nabasa akong mga dating proposal ni Tristan. Doon nalang tayo magbibase ng gagawin nating proposal. Magtutulungan naman tayong dalawa 'di ba?"

"Ah. Oo naman." Sagot ko nalang. Parang may mali eh. May tinatago ba si Miguel sa akin?

"Hey! Tara na nga. Kanina pa naghihintay si Blue."

Agad ako nitong inakbayan papasok ng eskwelahan.

"Mommy! Daddy!" Sigaw ni Blue sabay lapit sa amin.

"Lyka, this is my Mom and Dad. Isn't it obvious? We wear the same shirt." Family day kasi kaya terno kami ng t-shirt. Nakasky blue shirt kami printed with family picture.

"Mom, Dad, this is my girlfriend. Meet Lyka. Isn't she pretty?"

Napalunok ako. Sinabi ba ni Blue na girlfriend niya ang kasama niya batang babae? No! No! No! Hindi pwede.

Kumaway naman ang bata. Maganda siya. Maputi at medyo bilugan ang hugis ng mukha. Curly ang nakaclip nitong buhok. Palangiti rin.

"Blue, did you..."

Inakbayan ako ni Migs.

"Nice catch, kiddo. Ang galing mo namang pumili ng girlfriend, Blue. She's pretty." Sabi nito.

"Hello, Lyka. Please to meet you."
Nakipagshake hands pa ito sa bata.

"Yeah, Dad. I'm gonna meet her parents later. I'll ask them if I can marry Lyka when we graduate. By the way? Is it okay if I marry Lyka, Daddy?"

I heard Migs laugh. "Sure, kiddo. You have my blessings."

"Really, Dad? Pinky swear?"

"Of course, Blue."

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now