Chapter 2

1.3K 41 0
                                    


[Ashley]

"Nice one, Ash!" Monique said as we both entered the backstage.

'You did great yourself, Monique." I smiled at her.

Monique is a close friend and also a co-model. Tulad ko, halos magkaparehas kami ng gusto kaya nga madali kaming nagclick sa isa't-isa. Iyon nga lang pagdating sa relationship magkaiba ang aming pananaw.

Agad napalis ang ngiti ko ng makitang halos hindi na makita ang mesa at upuan ko sa dressing room dahil sa dami ng kung ano-anong nakatambak dito.

"Wow! Wow! Wow! Mukhang mas dumami pa sila ngayon, Ash. Kailangan na ba naming lumipat ng kwarto?" Tukso pa ni Monique.

"Loka-loka! Nakakainis na nga rin minsan eh. Bakit kasi mas marami pa ang bulaklak?" Hinalungkat ko ang kung anu-anong nasa mesa.

"Bakit? Ano ang problema mo sa mga flowers? Eh ang gaganda naman nila. Lahat kasi ng nagbigay ng mga iyan ay gustong manligaw sa'yo." Takang tanong nito.

"Saglit lang Mo."

Lumabas ako saglit. Pagbalik ko ay kasama ko si Mang Johnny, isa sa mga janitors.

"Oh? Bakit kasama mo si Mang John? Hello Mang Johnny!" Bati nito sa matanda.

Halos kilala na namin ito kasi sa isang buwan may 5 or 6 times kaming may event sa building na ito. Siya palagi ang naglilinis sa lugar at nakakahiya man ay napagalitan pa ako nito ng unang beses ko rito. Sumuka kasi ako sa hallway kaya nakatanggap ako ng sermon mula sa kanya. Hindi siya nagalit ng dahil sa makakadagdag pa ako sa trabahong gagawin niya kundi hindi daw tama sa babae ang naglalasing.

Oh well, no comment na ako doon. Buhay ko na rin kasi ang pag-inom. Sabihin mang masama, sabihin mang hindi rin makakatulong sa paglimot pero kahit sandali, kahit kaunti makakapagpahinga sa pag-iisip at mamamanhid sa sakit na nararamdaman ng puso.

"Hello, Ma'am Monique. Ipapatapon yata ni Ma'am Ash ang mga bulaklak."

"Naku hindi po Mang Johnny. Pakidaan na lang po ang mga bulaklak sa simbahan kung maaari. Sayang naman po kung itatapon. At 'yong mga fruits and chocolates na andyan dalhin n'yo po sa pamilya ninyo."

"Naku! Ang bait din eh." Sabad ni Monique.

"Ma'am Ash, Salamat."

Nakita ko ang lapad ng ngiti ni Manong at panay ang pasasalamat nito.

Hindi naman kailangang magpasalamat talaga. Hindi ko naman kasi kailangan ang mga iyon. Masarap pa sa puso ang makatulong sa kapwa kahit na sa maliit na bagay lang.

"Ma'am Ash kanina pa po ako may napansin na lalaki pabalik-balik sa tapat ng dressing room ninyo." Sabi nito habang nililigpit ang mga bulaklak.

"Naku, Manong. Hindi ka pa ba sanay sa mga lalaking umaaligid diyan kay Ashley?"

"Naku! Wala pong kwestiyon kung bakit marami ang manliligaw niyang si Ma'am Ashley. Sadyang nagdududa lamang po ako sa intensyon ng lalaki. Namumukhaan ko po kasi. Siya din iyong nag-amok noong nakaraan kasi ayaw kausapin ni Ma'am."

"Naku! Ash. Si Dustin na naman yata 'yon. The guy seems really obssessed. Nakakakot na talaga siya."

Tama si Mo. Mula ng makipagbreak ako sa Dustin na iyon ay wala na siyang ginawa kundi sundan ako kahit saan. Naging stalker ko na talaga siya. Aaminin ko. Natatakot na rin ako sa kanya but I won't give in to him. Hinding-hindi ako makikipagbalikan sa kanya, ano man ang mangyari.

***
"Ash!" Bati ni Dustin.

Urgh! Andito na naman siya.

"Please let me buy you a drink, Ash."

The hell with this guy. Wala na yata siyang ibang alam gawin kundi ang bwisitin ako.

"Pwede ba, Dustin! Leave me alone, please! Naaalibadbaran na talaga ako sa totoo lang. Ayoko lang maging bastos kaya hinahayaan kita pero ngayon... please lang! Tama na Dustin! Lumayo ka na! Move on na!"

"I love you, Ash. Give me a second chance naman oh."

"Dustin! Dustin! Look at you. You are never the same you anymore. Nasaan na iyong sinasabi mong 'you never easily fall in love'? One week nga lang na naging tayo, nagkaganyan ka na. Hindi mo ba ako naiintindihan? Ayoko na sa'yo."

"Pero Ash. I really love you. Kahit one week lang ulit sapat na. Titigilan na kita after."

Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking ito. Nakakainit ng ulo.
Akmang sasagot ako ng mula sa kung saan ay may umakbay sa'kin na lalaki at humalik sa pisngi ko.

"Missed me babe? What's going on here?" Tiningala ko siya. Ako ba talaga ang kausap nito? Oo yata. Sa'kin nakaakbay eh.

Napangiti ako. By the sound of it, mukhang may tagapagligtas ako sa gabing ito.

A superman indeed. Ang gwapo niya. Deep-set eyes, perfectly matched with manly lashes and brows, pointed yet authoritative nose, a lips to die for... like I want to have a bite, a cute set of dimples as he smile and a cleft chin... something that a woman wanted to nibble on. He has this authoritative aura mixed with a boyish attitude, which I'm mysteriously attracted to at the first glance.

"Hi babe. Of course I do. Where have you been? I was looking for you all over the place." I said pouting. Ewan ko ba kung bakit ganito agad ang approach ko sa kanya. It's as if I do this normally and naturally with him.

He chuckled. "You're really pretty when you do that, Babe."

He held my chin and captured my lips for a kiss.

"Hmmmm." He really taste delicious just like his whole character.

It was suppose to be a short yet passionate kiss. But it's as if I don't want to end kissing him. I want more. His lips... It really feels familiar. I don't know why but it's as if I've longed and waited for his kiss all my life.

"His gone." He said as he ended kissing me.

"Thanks." Pabulong na halos na sabi ko as I look straight into his eyes while catching my breath.

Nakakapagtaka. I never caught breathless in a kiss. Ngayon lang talaga. Pati kasi ang puso ko parang ang bilis ng tibok niya kaya hindi ako makahinga.

"Its nothing. Sorry if I had to do the stint. Para kasing hirap na hirap kang ipagtabuyan siya. Kanina pa ako diyan sa likod n'yo. I'm Tristan Lorenzana. And you are?" Nakangiting inabot nito ang kamay niya sa akin.

"Ashley Salameda. And it's really nice meeting you. Thanks for the help. How can I thank you? Can I buy you a drink, Tristan?"

He laughed. "I don't let woman treat me out. Let me buy you a drink. I have something in my mind as payment." He grinned.

"And what could it possible be, Mr. Lorenzana?"

"Be my girlfriend."

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now