Prologue

3.2K 57 1
                                    


[Ashley]

"My goodness, Ash! What had gotten into you?" Dad exclaimed. Hindi ko siya pinansin. Bagkus ay ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga damit ko at ang pagsilid ng mga ito sa isang maleta.

"I have plans for you, Anak. You're taking up the bar exam in a few months." Nakapameywang nitong sabi habang palakad-lakad sa loob ng kwarto ko.

"I'm leaving, Dad. Kukuha naman ako ng bar exam eventually pero hindi pa ngayon." Mahina kong sagot habang patuloy sa ginagawa.

"Kukuha naman? But when? Why not now?"

"When everything is settled, Dad. I have other plans for myself. Paulo promised me... papakasalan niya ako."

"Paulo? That son of a bitch! All this time... I thought mapagkakatiwalaan siya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi kita hinayaang makipagrelasyon sa kanya." Namumula na ito sa galit habang nakatunghay sa akin.

And mom? Sitting on the edge of my bed crying silently.

"I trust Paulo, Dad. Mahal niya ako. Alam kong makakaya naming mabuhay ng maayos kahit wala ang tulong mula sa inyo. I'm standing by my decision, Dad."

"Mapapakain ka ba niyang pagmamahal ng Paulo na iyan, Anak? Umaasa lang din siya sa business ng pamilya niya. Wala ngang sariling trabaho iyan. Huwag niyang sasabihin na ikaw pa ang bubuhay sa kanya? Paano ang nakasanayan mong buhay? Maibibigay ba niya?"

Binilisan ko na ang pagliligpit. Makailang beses akong nagpaalam ng maayos para sumama kay Paulo pero hindi siya nadaan sa mabuting usapan kaya sapilitan na lang akong aalis.

"I'm going, Dad."

"Ash! Ash! Please compose yourself. Lalaki lang iyan. Makakahanap ka ng mas mabuti pang lalaki kaysa sa kanya. Unahin mo ang priorities mo."

Priorities ko o plans niya para sa 'kin? Ayokong makipagtalo kung kaya't mas pipiliin ko na lamang na tumalikod without saying a word.

"Bye, Mom. Bye, Dad." Mabigat ang loob na hinila ko ang maleta ko palabas ng kwarto.

""Babalik ka rin, Ash. Maling-mali ang decision mo. Maling-mali. Babalik ka rin."

Babalik? Maybe someday. Kapag napatunayan ko nang kaya kong tumayo sa sarili kong paa without his help at kapag napatunayan kong tama ang naging decision ko sa pagsama kay Paulo.

"Anak. Umuwi ka kung hindi mo na kaya ha? Bukas ang bahay. Tatanggapin ka namin ng buong puso. Huwag kang mag-aalinlangang bumalik." Mahinang sabi ni Mom. Halata sa boses nito ang pag-iyak at kalungkutan.

Nag-umpisang pumatak ang luha sa mga mata ko pero hindi ko na sila nilingon pa. Hindi na ako sumagot pa.

Pinahid ko ang luha ko. Desisyon ko ito. Kailangan kong pangatawanan 'to.

"Ready love?" Nakangiting mukha ni Paulo ang nabungaran ko ng buksan ko ang gate ng bahay namin.

Huminga ako ng malalim bago tumango at inabot ang kamay sa kanya. I planted a smile on my face.

I have nothing to worry about. Alam kong Paulo will be with me in every step of the way. I feel secure when I'm with him. Alam kong tutuparin niya ang pinangako niyang kasal sa akin. Liligaya ako sa piling ni Paulo at sigurado ako doon.

***

"Ash! Hey!" Nakapangalumbaba ako habang tinitingnan ang mga barkada kong nagsasayaw sa dance floor ng lapitan ako ni Monique, one of my friends.

"Hi." I looked at my watch. Kanina pa kasi ako naghihintay na sunduin ni Paulo pero mag 3 am na wala pa siya.

"Wala pa ba ang jowa mo? Kanina ka pa yata atat umuwi ah." Tanong nito nang tumabi sa akin at uminom ng juice.

"Oo nga eh. Alam naman niyang tapos na ang fashion show ng 2 a.m. He promised me na nandito na siya ng mga 1:30."

"Kaso alas 3 na wala pa rin siya." Nagkibit-balikat na lamang ako.

These past days palaging nalalate ng pagsundo si Paulo pero dumarating naman siya. He will apologize and tell na nakakatulog siya o whatever reasons. Nagtatrabaho rin naman kasi siya sa araw kaya naiintindihan ko siya and I trust him kaya pinapaniwalaan ko siya.

"Gusto mong sumabay? On the way naman ang bahay niyo eh. Idrop by na lang kita."

"Eh baka magkasalisi kami ni Paulo."

"Call him or send him a message para hindi na siya mag-abala pang pumunta dito para sunduin ka."

"Hmmm. Sige. Kawawa rin naman kasi at may pasok pa siya mamaya sa office. Kaysa sunduin ako itutulog na lang niya. Sige i'll text him. Tara na."

***

"Ang dilim naman ng bahay." Nakatulog marahil si Paulo kung kaya't hindi ako nasundo. Nasa garahe pa kasi ang kotse niya. Good decision pala na sumabay na ako kay Monique.

"Hmmm. Kawawa naman ang boyfriend ko. Sobrang napagod yata sa trabaho niya kaya nakalimutan na akong sunduin."

Nakangiti kong binuksan ang ilaw. Sa pagbukas nga lang ng ilaw ay iba ang tumambad sa akin. Liwanag pala ng katotohanan ang bubungad ng hindi ko inaasahan.

Si Paulo hubot-hubad sa ibabaw ng isang babae.

Naulos na lamang ako sa kinatatayuan ko. Parang wala akong magawang sabihin. Hindi ko siyang magawang sumbatan. Hindi ko siya magawang sigawan.

Ang mukha nina Mommy at Daddy ang nagflash sa utak ko. Nasabi ko na lamang sa sarili ko... Tama sila.

Naluluha na lamang ako at napaupo sa couch habang nakatitig sa kanila.

Agad na pinulot ng babae ang mga damit niya at nagbihis. Ganoon na rin ang ginawa ni Paulo.

Mas lalong sumama ang tingin ko ng humalik pa ang babae sa pisngi ni Paulo bago ito lumabas ng kwarto namin. Ang kapal!

"I told you to wait for me, hindi ba? Bakit basta ka na lang umuwi?" Pagalit nitong singhal sa akin.

Aba siya pa ang galit. Ang galing din.

"Kaya pala palagi kang late sa pagsundo sa akin. Ito pala ang dahilan. Dito ka pala abala."

"Shut up, Ash!"

Natawa ako ng pagak. "Wow! Ang ganda ng sagot mo sa 'kin, Pau. Imbis na magsorry ka. Shut up? Wow! Just wow! Ito lang pala ang magiging result ng pagsuway ko sa parents ko. I gave up everything for you, Pau!"

"Bakit? Hiniling ko ba? Ikaw itong konting promise ko lang bumigay ka na. Sumama ka kaagad."

"Ikaw ba talaga iyan, Pau? Ikaw ba talaga iyong lalaking minahal ko at ipinaglalaban ko? Am I not enough? Ibinigay ko na pati ang sarili ko sa'yo."

"I thought you are. Almost perfect ka na. Ang ganda mo. Ang sexy mo. Ang tali-talino mo. Pero ang boring mo pala, lalo na sa kama."

Ako boring? Boring pala na mahalin siya ng totoo? Boring pala na mahalin siya ng seryoso?

"I gave up my life, Pau. Iyong kaginhawahan ng buhay na meron ako sa piling nina Dad iginive up ko para sa iyo. Ang mga plans ni Dad para sa akin sinuway ko just to be with you tapos hindi pa nga tayo matagal na nagsasama, almost 6 months pa lang, ganito ka na."

"Sino ba kasi ang nagsabi sa'yo na seryosohin mo ako? Gusto ko lang makipaglaro. I thought masasabayan mo ako. Hindi pala. Boring ka! Bumigay ka kaagad konting bola lang. You are nothing but a toy to me, Ash. At dahil nalaman mo naman na ang totoo... it is a goodbye. Wala na akong planong makipaglaro pa sa boring na kagaya mo! Umuwi ka na sa tatay mo!"

Boring...

Toy...

Game...

Those words. Iyon ang nakatatak sa puso't isipan ko bago ako lumayo. I promised myself na kapag naibangon ko na ang sarili ko hindi na mauulit pa ang pangyayaring iyon.

Sila na ang iikot sa mga palad ko!
Sila na ang susunod sa rules ko!
At ako? Ako na ang maglalaro sa feelings nila!
Ako na ang manloloko!
Ako na ang mananakit!
Ako ang kokontrol sa takbo ng buhay ko!

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now