Chapter 34

775 23 0
                                    


[Ashley]

Nakangiti akong nangalumbaba sa may lamesa habang hinihintay maluto ang binabake kong cookies. Favorite kasi ni Tristan kaya sinubukan kong gumawa.

"I hope magustuhan niya." Nakangiti kong sabi sa sarili habang tinititigan ang cellphone ko.

Mukha kasi namin ang wallpaper ko. Obviously, inlove na nga ako kay Tristan. Kahit pa sabihing puro pagsubok nalang ang dinaanan namin... we are destined to be happy together. Magiging matamis rin ang buhay pag ibig namin kagaya ng cookies.

"A few minutes nalang nandito na siya." Sabi ko after I looked at the wall clock.

Umakyat ako sa kwarto matapos kong maiayos ang mga cookies and take a shower.

Nabitawan ko ang sabon ng hindi sinasadya pero nabaghan ako ng bigla akong makaramdam ng kaba. Agad na pumasok sa utak ko si Tristan.

Mabilis kong tinapos ang paliligo at nagbihis para abangan siya sa harapan ng bahay.

1...2...3...4 hours na akong pabalik-balik sa loob at labas ng bahay pero wala pa rin si Tristan.

Nagring ang cellphone ko. Si Grey, ang bestfriend ko, ang tumatawag.

"Hello, Ash. I have some good news." Masiglang bati nito sa kabilang linya.

"Ano iyon, Grey?" Medyo matamlay kong sagot habang nakatanaw sa papadilim na paligid sa gilid ng daan.

"Guess what? I'm flying back to the Philippines in a week's time. Surprised? We're going back to Manila for good. Diyan na ako magtatrabaho after 3 years of service here in San Diego. Diyan na ako magtatayo ng clinic. Hindi ba napag usapan n'yo na rin ni Tristan na babalik na rin kayo ng Manila? We can be neighbors again, best." Masayang sabi nito.

"Yes. I'm looking forward to it, Grey. Namiss ko na rin ang kakulitan mo." Sagot ko rito sa matamlay pa rin na boses.

"Teka nga soon-to-be Atty. Ashley Salameda-Lorenzana. Kanina ko pa napapansin na matamlay ka ah. May problema ka na naman ba kay Tristan? Doctor ako pero parang nagiging Love Guru ako pagdating sa'yo. Manghuhula pati kasi kapag tumatawag ako palagi kang problemado." Tumawa pa ito.

"Eh kasi kanina pa hindi umuuwi si Tristan. Sabi niya kanina nang tumawag siya, mga 1 hour nalang nandito na siya pero apat na oras na ang nakalipas wala pa rin siya."

"Naku. Inlove na talaga ang bestfriend ko. Alam mo naman iyang asawa mo. Businessman iyan. Baka may kinausap lang o ano. Baka may unexpected meeting lang at nakalimutan kang tawagan. Teka, nacontact mo na ba?"

"Eh, kaya nga ako mas nag aalala kasi nakapatay na ang cellphone niya."

"Oh, siya 'wag kang..."
Hindi ko na napakinggan ang sasabihin ni Grey ng dumating ang isang patrol car.

"Grey, sandali. May mga police. Kakausapin ko lang. Huwag mo munang ibababa ha? May pag uusapan pa tayo." Sabi ko rito habang hinihintay makalapit ang dalawang police sa kinaroroonan ko.

"Ma'am, ikaw po ba si Ashley Salameda? Kaano-ano niyo po si Mr. Tristan Lorenzana?" Bigla akong kinabahan sa tanong ng pulis.

"Ye...yes po. Bakit po? Asawa po ako ni Tristan Lorenzana. May kailangan kayo kay Tristan? Wala pa po siya eh. Kanina ko pa nga hinihintay."

"Ahh, Misis." Tumingin pa muna ito sa kasama niya bago ipinagpatuloy ang sasabihin niya.

"Huwag po sana kayong mabibigla. Patay na po ang asawa ninyo." Sabi nito.

Nakatitig lang ako sa kanya ng kung ilang minuto pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Po?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now