"Alam mo, cous, maaaring tama ka. Napag aaralan naman ang kilos at galaw ni Tristan eh. At may connection at pera ang Ashley na iyon. Kayang kaya niyang magbayad ng tao para magpanggap na si Tristan. Maaaring naipaplastic surgery niya ang kung sinuman para maging epektibo ang pagpapanggap nito."

"Tama, cous. Matagal nang patay si Tristan at sigurado ako doon." Sabi pa ni Leo.

"Hmmm. Matalino talaga ang babaeng iyon. Maaaring narinig niya ang usapan natin noong nakaraan kaya siya nakapaghanda. Naalala mo ba iyong bidding next week, cous? Iyong 300 billion pesos project ng mga European investors?" Tanong ko kay Leo.

"Yes, cous. What about it? Alalahanin mo wala na tayong position sa kompanya ngayon dahil sa ginawa ng pekeng Tristan Lorenzana na iyon. Kung nanatili ka sanang vice president at nakuha natin ang deal na iyon maaari mo pa sanang mapalitan si Tristan o si Ashley bilang presidente ng kompanya. Sobrang laking deal niyon, cous."

"Alam kong makakaya pa rin nating mapasok muli ang L-Holdings, cous. Ang isipin mo ay kung paano natin makukuha ang deal na iyon. Kailangang makagawa tayo ng mas magandang project proposal para sa twin 80 storey 6 star hotel na itatayo ng mga Europian investor dito sa Pilipinas. Nakakalula ang gara niyon, cous. Ang sinumang makakakuha ng project na iyon ay tiyak na tiyak ang bilyones. We have to win that project, cous."

"Hmmm. Ikaw pa ba, cous? Kung iisipin, for the past 5 years, si Ashley ang namahala sa lahat ng projects ng kompanya pero umaasa lang siya madalas sa mga ipinapasang project proposal ng team. Remember, the last biggest bidding na napanalunan natin was because of your proposal. Hmmm. Wala naman pala tayong dapat gawin, cous. Maipagkakanulo lang din niyong impostor na Tristan ang sarili niya. Ang tunay na Tristan ang isa sa pinakamagaling na tagagawa ng project proposals. Lahat kasi ng parti ng proposal niya ay kahanga-hanga. Bukod kasi sa state of the art nitong mga plano, its of accurate or nearly accurate estimates as well. Kung siya ang totoong Tristan mahihirapan tayo, cous. Pero since naniniwala akong hindi, just do your best proposal, sit back and relax after you're done. Hihintayin nalang nating dumating ang investors at susulutin ang mga ito. Magbibilang lang din tayo ng bilyones after that, cous."

Napangiti ako sa sinabi ni Leo. May point siya. And i'll make sure na next week na rin magaganap ang pagbagsak ng L-Holdings sa mga kamay ko.

"Enjoy your last week, Ashley and Tristan the impostor."

[Miguel]

"Mommy! Daddy! We're late." Sigaw ni Blue mula sa labas ng pintuan ng kwarto namin.

"Just a second, Blue. Mommy's not done yet." Ganting sigaw ni Ash.

"Hmmm. Bakit kasi kailangan mo pang magpaganda, wifey? You are pretty without those make up on." Sabi ko sabay backhug dito.

Napapiksi naman siya sa ginawa ko. Napangiti nalang ako sa reaction ng katawan niya kapag nahahawakan ko.

"Kung bakit kasi hindi pa kita maalala, wifey." Gusto kong sabihin sa kanya pero mas pinili ko na lamang itago ito sa sarili ko hangga't hindi ako nakakasigurado.

May naaalala na ako. Pero hindi pa lahat. At wala pa akong natatandaang Ashley sa buhay ko.

*Flashback*

"Ah, Ash? Magccr lang muna ako ha? Sobra kasi akong kinakabahan. Mauna ka na sa loob."

Tumango naman ito at naglakad papasok ng building.

Hindi naman talaga totoong naiihi ako kundi sobrang sumakit ang ulo ko.

I felt nostalgic. Kung ano-anong scenario ang pumapasok sa utak ko.

Agad kong tinungo ang CR sa gilid ng building. This felt familiar, too. Hindi na ako nahirapang hanapin ang CR kahit first time ko lang pumunta dito. First time nga ba?

Parang Deja vu ang lahat. Parang familiar ang pagpasok ko sa L-Holdings. Pati ang pagpapark ng kotse. Ang pagtingala sa mataas na building bago pumasok sa opisina. Parang dati ko nang ginagawa ang lahat ng ito.

"Ahh!" Nasapo ko ang ulo ko ng sobrang sumakit ito.

Flashes of memory came back to me.

Ang kabataan ko.

Ang pagkamatay ng nanay ko noong 9 years old ako.

Ang pag ampon ng mga Lorenzana sa akin.

"Hindi ka na si Miguel Perez ngayon. Ikaw na si Tristan Lorenzana. Anak ka na namin mula ngayon." Naalala kong sabi ng babae.

"Mommy." Nasabi ko sa hangin.

Ilang eksina rin ang pumasok sa isipan ko kagaya ng mga struggles na pinagdaanan ko para maipatayo ang L-Holdings.

Lalo na ang paghingi ko ng tulong kay Daddy noon para maitayo ang business ko pero tumanggi ito.

"Nagsimula rin ako from scratch, Tristan. Gusto ko ikaw rin. Mas masarap ang tagumpay kapag alam mong pinaghirapan mo ang daan patungo sa rurok ng tagumpay." Naalala kong sabi nito.

Ang huling eksina bago umayos ang pakiramdam ko ay ang pagkamatay ng mga magulang ko noong 21 years old ako.

"Ako nga talaga si Tristan Lorenzana." Nasabi ko sa reflection ko sa salamin.

Ako rin si Miguel Perez pero iyon ay bago ako inampon ng mga Lorenzana. Kaya pala ang natatandaan ko ay ang kabataan ko sa nayon sa kabundukan. Dahil iyon naman talaga ang totoo kong pinagmulan. Pinalad lamang na inampon, binihisan at pinag aral ng mga Lorenzana. Pero kasabay din nito ang pagpapalit ng pangalan ko mula sa Miguel Perez sa Tristan Lorenzana, ang anak na lalaki ng namayapang Business Tycoon na si Renaldo Lorenzana na siya ring nagturo sa akin kung paanong maging isang magaling na businessman.

"President. Bumalik ka!" Nagulat ako ng yakapin ako ng isang matanda paglabas ko ng CR.

"Nanay Loleng, 10 maxx nga." Nakangiti kong sabi dito.

"Kilala mo pa pala ako, President? Buhay ka nga."

Kitang kita ang tuwa sa mukha ng matanda pero ang hindi niya alam ay ako ang mas natuwa at narecognize ko siya.

Doon ko nasiguradong ako nga si Tristan Lorenzana. Ako nga ang CEO ng L-Holdings.

Palaisipan nalang ngayon ay kung sino si Ashley sa buhay ko. Kung totoong asawa ko nga ba siya.

*End of Flashback*

"Bolero ka!" Hinampas ako nito ng mahina sa balikat na nagpabalik sa gunita ko sa kasalukuyan.

"Bolero talaga? Hindi ba pwedeng mahal lang kita?" Nakangisi kong sabi dito sabay wink.

Nakita ko naman ang pamumula niya. Ang ganda niya lalo kapag nagbablush siya.

"Tara na nga. Kanina pa atat si Blue na umalis tayo." Sabi nito at nagpatiuna ng lumabas ng kwarto.

Hindi man kita maalala, Ash. Alam ko at ramdam ng puso ko na mahalaga ka sa akin, na mahal kita. Doon ako sigurado.

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now