Chapter 2.

69.2K 1.3K 59
                                    

Lumabas siya sa bar na iyon at naglakad lakad sa pampang. She sat in the sand after a long walk. She felt the air coming from the sea as if embracing her body so tight.

Kiel!

May tumulong luha bigla sa mga mata niya.

Sorry namimiss pa rin talaga kita!

Napangiti siya at saka tinungga ang bote ng alak. Minsan talaga napapadalas ang pakikipagusap niya kay Kiel sa kawalan. Kung may makakarinig nga lang sa kaniya, iisipin sigurong nasisiraan na siya ng ulo.

Pagkababa niya ng alak, may nakita siyang tao na umaahon mula sa dagat. Pinaliit niya ang mga mata niya para maaninag ang bulto ng tao palapit ngayon sa kaniya.

Ugh! Si antipatiko! Ibang klase din maligo ang gagong to, nakapantalon talaga.

Yumuko si Shea dahil sinisira ng abs ng lalaking to ang pagmumuni muni niya sa buhay.

Dayne sat beside her. Bahagya pa siyang natalsikan ng tubig na nagmumula sa katawan nito. Inis na pinahid ni Shea ang tubig sa mukha niya. Umikot lang ang mata niya sabay tungga ng boteng dala niya. Wala siyang balak kausapin ang lalaking to ngayon. Paniguradong sisirain lang nito ang gabi niya.

Kinuha ni Dayne ang bote ni Shea na nakalapag sa buhangin at uminom siya dito.

Nanlaki ang mata ni Shea.

"Hindi ka ba makabili ng sarili mong alak at nakikisalo ka sa alak ko?" I glared at him.

"I'll pay for this if that's what you're worrying about!" sagot niya at uminom ulit sa bote.

Talaga namang nakakahigh blood ang isang to! I stood up, ayoko na magtagal na kausapin pa ang lalaking to. Pero hinila siya ni Dayne dahilan para bumagsak ulit siya ng upo sa tabi nito.

"What the--!" Sumakit tuloy ng kaunti ang pwet niya. "Ano bang problema mo?" nakakainis!

"Stay!" he ordered.

How dominant. Ugh!

"You have not finished your bottle!" he said.

"Do you still see me drinking? Hindi na di ba? Kinuha mo na!" i rolled my eyes.

He smirk. Tumungga ulit siya sa bote at binigay ito sa kaniya. Pero hindi iyon tinanggap ni Shea. Ano yun magpapasahan kami ng alak? Sa taong di ko kilala?

Napansin naman ni Dayne ang hindi pagtanggap ni Shea ng bote.

"Already saw everything in you lady...so stop being fussy!" he told her with his lips almost near her ear.

Napalingon si Shea sa sinabi nito not knowing that their faces are just inches apart. Nacurious siya bigla sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?" taka niya.

"The day you almost got yourself killed under the rain remember?" his lips curled.

Shit! Naaala ko na. She woke up in his house with his shirt but totally naked under it that morning. Napalunok si Shea at biglang umakyat lahat ng dugo niya sa mukha sa sobrang hiya.

Napatayo siya bigla. Hindi tuloy niya alam ang sasabihin sa lalaking to. Naiinis talaga siya sa kabastusan nito. But still she owes this man a lot for saving her life again that night.

"Thank you for saving me once again...pero nakita mo na ang lahat sakin for free so I guess quits na tayo!" I walked out of his face ng magsalita ulit siya.

"Tsk!" nailing siyang ngumisi at tumayo na hawak pa din ang bote sa kamay niya. "Your body is way out of my standards!" he smirk but he knows he lied.

Bad Romance (Dayne Williams Story)Where stories live. Discover now