Special Chapter : EREN

7.9K 291 27
                                    

EREN

*pout*

Nakakaselos naman. Gusto ko din ikiss si Master kaso hindi pwede. Kiniss na siya ni Alex. Sarap hampasin ng buntot ang Alex na yun. Hmmft !

Huhuhu. Pero IN A RELATIONSHIP na sila. Paano na ako? Crush ko pa naman si Master. Oo crush ko siya at master na ang tawag. Nakakatampo kasi kaya master na ang itatawag ko. Bitter ako ngayon kaya wag kang ano diyan !

Naglalakad lakad ako kasi may hinahanap akong yelo.
Hirap ding hagilapin ang isang yun paano kasi masyadong mailap. Ayaw daw niya ng maingay kaya lagi niya akong tinataboy. Eh wala naman akong choice wala akong mapagsabihan ng hinanakit kundi sa kanya lang. At least kahit sa yelong nilalang na yun.

Napangiti ako ng makitang nasa may puno siya at nagbabasa ng libro. Ehe ! Maistorbo nga

" KYENAAAAA !" Sigaw ko pero hindi man lang niya ako pinansin.

Siya si Kyena, ang elemental spirit ni ALEX, pwe ! Angpait naman oh. Naipakilala na siya sa amin ni Alex nung natapos ang digmaan. Noon lang daw siya lumabas ng nanganib si Alex. Kyena is the legendary Ice dragon. Tapos yung counterpart niya I mean yung kambal niyang si Kino ay ang legendary Fire dragon ni Gab. Parehas silang cold. Katakot nga si Kino eh pero mas namamansin naman yun kesa sa kambal niya yelo na si Kyena.

" hoy Kyena~" sabay sundot sundot sa tagiliran niya pero biglang nagyelo ang daliri kong pinagsusundot sa kanya. Hinipan ko lang yun kaya parang dumi lang na nawala at saka nagpout.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at ngumawa.

" Wahh ! Huhu. Nakakatampo si Master. Porket may Alex, pwe na siya hindi na niya ako masyadong pinapansin. Kaselos siya huhuhu." Ngawa ko. Isinara ni Kyena ang librong binabasa niya at ipinukpok sa ulo ko.

" Aray naman Kyena, kita mo na ngang naiyak yung tao eh." Kunwaring nagtatampong sambit at humawak sa parteng pinukpok niya.

" tsk ! Tao ka? Ang ingay mong kitsune. Kung hindi ka naman kasi tanga, magkakagusto ka na nga lang sa master mo pa." Kyena

O_____O

" problema mo?" Kyena

" WAHHH KYENA ! For the first time nagsalita ka ng mahaba. 1,2,3... 19 words lahat yun. Ay hindi 21 pala" Saka ko siya inalog alog. Ginawa niyang yelo ang buong ulo ko pero umiling iling lang ako para matanggal. Di nagana sa akin yan hahaha

" ang ingay mo para kang bakla." Saka siya nagbasa ulit. Napasimangot naman ako. Di ako bakla noh. Halikan kita diyan eh. Pero syempre sa isip ko lang sinabi yan. Mahirap na, at masyadong marahas ang dragon na 'to. Hahaha

" Kyena." Tawag ko ulit sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na nakataas kilay.

" Ikaw na lang kaya?"

*pok*

" Aray ! Biro lang naman. Battered Kitsune na talaga ako huhuhu. Makaalis na nga at ng makakain na ko. Hmft !" Saka ako tumayo at naglakad palayo. Kita ko pang umiling iling siya. Angsama talaga ni Kyena huhuhu.
Binibiro ko lang naman siya eh. E kung ikaw na lang kaya ang mahalin ko? Oo ikaw na nagbabasa. Pwede ba?




" EREN !" Rinig kong tawag sa akin. Napalingon naman ako at si master pala,Hmft. Mag-isa lang siya ngayon kasi sinamahan nila Gab at Alex sila Daehan sa palasyo.
Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ng counter para umorder. Pagkatapos ay umupo ako sa isang tAble medyo malapit sa kanya. Medyo lang.
Habang kumakain ako ay nakita kong tumayo siya at umalis.
Napasimangot naman ako dahil dun. Hindi man lang niya ako sinuyo. I hetchu !

Napatigil sa ere ang kamay kong may hawak ng tinidor na may pasta na isusubo ko na sana ng makita kong umupo siya sa upuang kaharap ko lang.
Nakangiti siya sa akin.
Ini'snob ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Bahala ka diyan.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

" Anong nakakatawa?" Pagsusungit ko. Itinuro naman niya ako

" Ikaw."

" Ang sama mo master. Tinatawanan mo ako. Katampo ka eh. Ganyan ka naman eh, pinagtatawanan mo lang ako." Saka ako sumimangot at medyo naluluha. Ayan makonsensya ka.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at lumipat ng upo dito sa tabi ko. Tinalikuran ko naman siya. Nagtatampo ako eh, bakit ba?
Nanigas ako ng maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

Hingang malalim Eren !

" Nagseselos ang Kitsune ko oh." Sabi niya

" H-hindi noh. Bakit naman ako m-magseselos?" Tanggi ko kaya natawa siya

" Ikaw na ang nagsabi sa akin noon na konektado tayo sa isa't isa kaya nararamdaman ko din kung ano nararAmdaman mo." Panimula niya. Humarap ako sa kanya at nagpout.

" Kasi naman, di mo na ako masyadong pinapansin. Ayaw mo na akong katabi sa pagtulog. Lagi mo akong sinisipa. Masakit kaya sa pwet kapag nahulog ka sa kama. Ayaw mo na talaga sa akin" Pagrereklamo ko. Hinawakan niya ako sa ulo kaya medyo napayuko ako.

" Hindi naman sa ayaw na kita Eren. May mga bagay lang talaga na kailangan may limitasyon. Dahil hindi na tayo mga bata. Hindi lahat pwede nating gawin na parang wala lang. Naiintindihan mo ba yun?" Yuri

Tumango naman ako. Oo na, mali na ako. *pout*

" Mahalaga ka sa akin Eren. Para na tayong magkapatid kahit na mas matanda ka sa akin. Isip bata ka kaya pakiramdam ko ako ang mas matanda..." Aray, truth hurts


" ...pero kahit ganyan ka,mahal pa rin kita noh. Kayo nila Daehan, Minguk at Manse. Mahal ko kayong lahat kaya wag ka na magselos ha?" Nakangiting sambit niya kaya ngumiti na rin ako. Nakakahawa eh.

" Sorry na Yuri, promise ko sayo lilimitahan ko na ang paggawa ng nakasanayan ko kasi hindi naaangkop sa edad ko." Saka ko itinaas ang kaliwang kamay. Ay kanan pala dapat.

Pero.... Ang hirap naman nun. Siguro kunti lang. Kunti lang talaga. Hihihihi

Ginulo niya ang buhok ko tsaka kinuha ang juice ko at uminom dun. Tingnan niyo to, kakasabi niya lang na HINDI LAHAT PWEDENG GAWIN NA PARANG WALA LANG, pero kung makainom ng juice na hindi kanya. Psh !

" Naririnig ko yang pinagsasabi mo sa isip mo Eren." Sabi niya kaya ngumiti ako ng alanganin.

Akmang kukuha siya ng paborito kong biscuit ng tapikin ko ang kamay niya.

" Not my biscuit !" Sigaw ko at tumayo habang nakasubo pa ang isang biscuit sa bunganga ko. Agad akong nagsummon ng katana. Ganun din ang ginawa niya using her element. Malamang ako kaya sandata niya kaya element ang ginagawa niyang sandata ngayon. Ganito kami, laging naglalaban kahit na sa maliit na bagy hahahaha ! O di'ba lakas mangaral kanina e siya rin naman.

" Ang damot mong kitsune !" Sigaw niya pabalik at sumugod. Parang wala lang sa mga estudyante ang nangyayari dahil siguro sanay na. Araw araw ba naman kaming ganito hindi kaya sila masanay?
Nasa may gilid silang lahat at doon ipinagpatuloy ang pagkain.

Nagkalat ang mga pagkaing naiwan ng iba at sirasira ang mga upuan at lamesa.

*blag*

" YURI, EREN ! Sinira niyo nanamang dalawa ang loob ng cafeteria !"

Napatigil kami sa pag-aaway at nalunok ko na lang ang biscuit na nasa bunganga ko.
Uh-oh... Si Headmaster Sian kasama si Ms. Sara with the cat.

Inilislis ni HM ang manggas niya at tumakbo sa kinaroroonan namin. Napayakap naman kaming dalawa ni yuri sa isa't isa sabay sigaw.

" AHHHH SORRY NA PO !"

The Adventures of Yuri and The magical TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon