Chapter 29 :

10.9K 482 11
                                    



-YURI'S POV-


" Ano !? Hindi maaari ! Kitang kita niyo na ako ang nauna !" Galit na turan ni Shuklee sa tagapagsalita.



Nakatunganga lang ako rito habang nakikinig sa kanila maging ako ay hindi rin alam kung paanong kami ang nanalo.



" Gab, paano tayo nanalo?" Siko ko kay Gab pero nagkibit balikat lang siya at nakinig sa diskusyon nila Shuklee.

Hindi kaya dahil sa gumamit sila ng ability nila? Pero kasi wala namang sinabing bawal ang gumamit eh.





" tama ka nga pinunong Shuklee." Tagapagsalita





" kung ganun, paanong sila ang ideniklarang kampyon?" Nanggigigil na sabi ni Shuklee habang turo-turo kami. Aba ! Huwag mo kong tinuturo-turo Shuklee, huh!





" oo nauna ka ngang makarating dito pero wala ka bang napapansin?" Tanong ng tagapagsalita na nakapagpakunot ng mga noo namin at pati na rin ng mga ibang manunuod.





" wala ! Ano bang tinutukoy mo ?!" Shuklee, napailing ang tagapagsalita



" ito ang pinakamahalagang rule na sinabi sa palarong ito ngunit kinalimutan mo. Malinaw ang sinabi ko kanina " kailangang magkasama ang magkapareha sa pagtapos ng karerang ito upang tanghaling kampyon" . Ngayon, nasaan na ang kapareha mo?" Tagapagsalita

" s-si G-Gnomeo? GNOMEOOO !" Sigaw ni Shuklee na ngayon ay pulang pula na,kasing pula ng mahapit na suot niya

Si Gnomeo? Tama ! Nasaan na siya? Ang alam ko ay magkasama sila ni Shuklee kanina nung nasa karera p kami.





" nandito ako."





Napalingon kami sa nagsalita at nakita namin siya sa parte kung saan ang finish line. Nakatayo siya roon ngunit hindi pa nakalagpas sa linya.



" a-anong ibig sabihin nito!?" Shuklee

Naglakad si Gnomeo palapit sa stage kung saan kami naroon ngayon at tumapat kay Shuklee


" sa tingin ko ay oras na." Panimula niya




" Buong buhay ko ay alila mo ko. Lahat ng inuutos mo ginagawa ko kahit labag ito sa kalooban ko. Bakit? Dahil ikaw ang nagsilbing ka-tulong ng Ama ko noong panahong hindi niya kayang pamunuan ang tribo dahil sa sakit niya at inirerespeto ko yun. Ipinangako mo na ibabalik mo ang katungkulan sa tunay na nagmamay-ari ng trono kapag ito'y tumungtong sa tamang edad pero hindi mo ginawa." Sabi ni Gnomeo na nakapagpasinghap sa mga manunuod at nagsimulang magbulong-bulungan. Kita at rinig ito ni Shuklee kaya lalo siyang nagalit


" Sinungaling ! Hindi totoo ang mga sinasabi mo ! Isa kang taksil ! " sigaw niya at akmang sasampalin niya si Gnomeo ngunit agad akong nakapagpalabas ng isang puting liwanag at nagform ito ng isang whip na agad na pumulupot sa braso ni Shuklee.

O_____O




Shit paano ko nagawa yun?



Gulat man ako pati na rin ang iba sa nangyari ay hindi ko muna ito pinansin.

Huwag ka papahalatang nabigla ka din Yuri. Panindigan mo yan ㅠㅠ huhu anggaling, nailabas ko ang ability ko sa ganitong sitwasyon ! HAHAHAHA






" wala kang karapatang sampalin siya Shuklee at alam mo yan." I smirked

Huh ! Kala ng Shukleeng to !


The Adventures of Yuri and The magical TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon