Chapter 3

25K 850 31
                                    

* Yuri's POV*

Nandito ako ngayon sa sala ng condo ko at nanunuod ng movie habang nilalantakan ang inihanda kong popcorn kanina.
Nagtataka ba kayo kung nasan yung tatlo?
Ayun ! Pinalayas ko na. Hahaha joke. Nasa kwarto sila na katabi lang ng kwarto ko. Totoo ngang pagod ang mga ito dahil pagpasok pa lang naman ee tinanong ako kaagad kung saan daw sila matutulog.

-FLASHBACK-

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang elevator, nasa 5th floor pa kasi ang condo ko.
At yung tatlo naman ee, feel na feel rumampa ay este maglakad.
Si Daehan, nakabulsa ang isang kamay habang naglalakad. Si Minguk naman eh pakanta kanta at nagha-hop pa. Si Manse naman e panay tingin sa paligid. Kinikilatis siguro tung lugar ^____^

Nang bumukas ang elevator ay akmang papasok na ako ng biglang may humawak sa kamay ko na nakapagpatigil sa akin. Tinignan ko kung sino ang humawak sakin at nakitang si Daehan na mukang di mapakali. Tinignan ko naman ang dalawa at HAHAHAHA ! Ayun, si Minguk mukhang nashocked sa nakitang elevator at si Manse na nakatakip ang mga kamay sa kanyang dalwang tenga habang nakapikit. HAHA ! Mukhang takot sa elevator ang mga ito

Naku ! Lakas makasagot sakin nitong tatlong to takot pala sa elevator ^____^
Hinawakan ko na lang ang mga kamay nila Minguk at Manse. Samantalang si Daehan naman e pinakapit ko sa laylayan ng damit ko. Aba syempre, dalawa lang naman kamay ko noh ! Di ko na keri tatlo hahaha !

Nakapasok na kami sa loob ng elevator at ang tatlo ee todo kapit sa akin habang ang isang kamay nila e nakatakip sa mga mata nila. Napangiti na lang ako dahil sa nakikita ko. Mga bata talaga oh.

" noona, I'm scared. Jinjja mwoseowo (I'm really scared) .." Minguk

" Manse do ( me too)." Manse

Koreano ba mga to? Kanina pa sila nagsasalita ng hangeul eh. Well naiintindihan ko naman sila dahil half ako. Half cooked. Hahaha joke. I'm Half Korean and half Filipino. By the way my full name is Yuri Song. ^___^

" an mwoseowo manse-yah, minguk-i (It's not scary) . And don't worry,noona will hold your hands okay?" Ako

Tinignan ko naman si Daehan sa may likudan ko at tinanung.

" Daehan-i, gwaenchanha? ( are you okay?)" ako

" ne! ( yes!)" Daehan

Aba, makayes tong si Daehan e halos mapunit na tung damit ko kakahila niya HAHAHA !

* TING *

" oh eto na lalabas na tayo" ako

Pagkalabas namin sa elevator e nagsibitawan na rin sa akin ang tatlo at naglakad na parang walang nangyare kanina. Hanep din tong mga to eh .

Pagkabukas ko ng pinto ay agad na nagtanong si Daehan sa akin.

" noona, where's our room?" Daehan

Ay demanding siya oh.

" nasa may taas ang kwarto niyo. Tabi tabi na lang kayo sa kama tutal malaki naman yun eh. Yung unang kwarto sa kanan,yun yung kwarto niyo. Yung pangalawa naman eh sa akin." Ako

" okay." Sabay nilang sambit at nagsitakbuhan na sila papunta doon.

Hayyssh !
Ala tres na rin pala nang hapon. Hmmft movie marathon kaya kami? Wala naman akong gagawin ngayon ee. Tama !

Dumiretsu muna ako sa kusina para gumawa ng popcorn. Pagkaluto nito ay bumalik ako sa sala upang pumili ng panunuurin. Pagkatapos ko namang pumili eh napagpasyahan kong puntahan yung tatlo para sana yayain.

Kumatok muna ako bago pumasok.
Pagkapasok ko eh, nadatnan ko silang natutulog. Napagod na siguro ang mga to.

Angkyu-cute talaga ng tatlong to. Mukhang close na close din sila sa isa't isa. Literal na close hahaha ! Tignan mo naman oh,magkakadikit matulog at yakap yakap nila ang isa't isa. Awww, sino kaya mga magulang ng tatlong to? Ang-swerte naman nila at nagkaroon sila ng tatlong lalaking anak. At mga gwapo pa ha. Sigurado akong hinahanap na itong mga to ng mga magulang nila.

-END OF FLASHBACK-

Kaya heto ako at nagsosolo hahaha

* ding dong *

Oh?

Ala-sais na ng gabi ah. Sino kaya to?

*ding dong*
*ding dong*

Ay excited ? Di makahintay eh !

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang mukha ni Alex.

" BEH !!! I MISS YOU !!" Alex sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Oh geez !!

" ACK ! N-nasasakal ako !" Ako

" oh ! Hahaha. Sarry! Its just that, i really miss you beh ! Ilang taon din kaya tayong hindi nagkita noh !" Alex

*BOINK*

" ARAY ! Yah ! What was that for?" Alex

Tsk, binatukan ko nga ang- ingay ee.

" sabog ka ba ? E kahapon lang magkasama tayo sa school. Makasabi ka naman ng ilang taong di nagkita !" Ako

" panira ka talaga eh noh? Baklang to di na lang nakijoin! Hmph !!" Alex sabay pasok sa loob at umupo sa may sofa

Ayan si Alex Dela Vega, gwapo,mabait at mayaman. Eh yun nga lang, mejo tabingi HAHAHA ! And yes, yes and yes ! Feeling girl yan ^___^ pero hindi mo mashadong mapapansin kasi sa akin lang talaga niya pinapakita ang pagkamalandi niya hahaha ! Sa iba kasi, nagmamaldita yang isang yan paano naman kasi eh madaming nagkakagusto sakanyang mga babae hahaha kahit ganyan siya. He's my bestfriend.

" Ano ba ginagawa mo dito ng ganitong oras ha?" Ako

" Wala lang. Makikitulog lang ako haha ! Nabwebwesit kasi ako sa bahay ee." Alex

" bakit naman?" Ako

" eh ano pa nga ba? Syempre pinipilit nanaman nila akong magsyota ng babae. Like DUH ! Babae kaya ako,hello !!" Alex

" wala namang bago diyan beh hahaha !" Ako

" salamat sa supurta ha ? Nakatulong sobra. Hmph !" Alex

Tinawanan ko na lang siya. Ayan naman lagi niyang pinoproblema eh haha !
Actually, alam naman ng family niya na binabae siya eh yun nga lang .. talagang pinu-push nila magkaroon ito ng girlfriend.
Ewan ko ba. Siguro naniniwala silang magiging lalaki pa rin ito ^_____^
Feeling ko nga may pag-asa pa tong maging lalaki eh. Haha malay natin di ba?

" Beh ?" Alex

" oh?" Ako

" kapag ba mag-syosyota ako ng babae, okay lang sayo?" Alex

Ehhh?

" eh? Okay lang naman basta masaya ka sakanya. Why not?" Ako

" eh kung sabihin kong ikaw ang gus---" alex

" noona, baekopayo (I'm hungry)" Minguk sabay pout

O_________O

" OH...... MY....... GOSH !!" Alex

Oh- oh !!

This is trouble !

The Adventures of Yuri and The magical TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon