Chapter 25 : Gnomes' Battle

12.5K 468 6
                                    

-YURI'S POV-

" teka bat ansaya nyong tatlo?" Tanong ko sa tatlong nagtatalon-talon sa hawlang kinalalagyan nila.



" Noona ! Ngayon lang namin masasaksihan ang gnome's battle. Dati naririnig lang namin yun sa mga nakakalaro namin sa palasyo. Open daw ito sa lahat." Excited na sabi ni Daehan sa amin

" we want to witness it ! Kung pwedeng sumali ay sasali kami kaso ang alam namin ay sa edad 17 pataas ang pwedeng lumahok." Nakangusong sabi ni Minguk

" But it's okay. Basta mapanuod namin ito ay masaya na kami." Manse sabay palakpak pa..

Ahh kaya pala mga walang ginawa kanina kundi ang ngumiti dahil pala sa gusto nilang makapanuod ng Gnome's battle.

" kung open for all naman pala ang gnome's battle e di alam mo pala ang tungkol dito Gab?" Alex



" oo naman." Bored na sagot niya

" eh bat hindi mo sinabi? Kanina pa kami nalilito ni Yuri kung ano ba talaga yang gnome's battle na yan." Iritang sabi ni Alex


" what? Hindi naman kayo nagtanong aa !" Depensa niya

Hahyyss... Napailing na lang ako dahil heto nanaman sila sa pagbabangayan nila. Naku baka mamaya magkatuluyan tung dalwang to.

" tumigil na nga kayo jan. Ipaliwanag mo na lang sa amin kung ano ba talaga ang Gnome's Battle na yan." Awat ko kaya agad silang tumigil at sabay pang humarap sa akin

" ang Gnome's Battle ay nagaganap minsan sa isang taon. Marami ang may gustong manuod at lalo na ang makalahok rito pero anim na pares lang talaga ang makikipagkompetesyon. Kung kasali na tayo at si Shuklee sa Gnome's Battle, ibig sabihin ay 4 na pares na lang ang mapipili sa mga gustong sumali na taga ibang kingdom" Panimula niya

" ano bang klaseng laro o laban ba meron ito?" Tanong ko

" ang mga gnome's ay mahilig sa paunahan kaya lahat ng laro ay paunahan o karera. Sa unang karera ay gagamit tayo ng hayop na sila ang magpoprovide. Kaya sa mismong battle na natin malalaman kung anong hayop ba ito.Pangalawa ay gamit ang isang malaking dahon na paliliparin gamit ang gnome's dust. At ang huli ay gamit naman ang iba't ibang bagay na ibibigay nila at tayo na mismo ang gagawa ng sarili nating sasakyan gamit ang ability." Tuloy nya

Madali lang naman siguro ito? Puros karera lang naman ee.

" one more thing, mananalo ka lang sa bawat laro kapag sabay kayo ng partner mo na makatapos nito o makaabot sa finish line. At ang mas maraming panalo ay siyang hihiranging kampyon." Gab



" ahhhh. Kung ganun ay tayong dalwa ang sasali?" Ako

Hindi naman kasi pwedeng sila Daehan dahil mga bata pa. Si Alex naman ay hindi rin pwede. Malamang sa malamang e ipapakuha siya ni Shuklee dito hahahaha !
Si Kyle? Naku wag niyo ng asahan ang bampirang yun. Siguradong natutulog na siya sa kung saan-saan diyan.

" bat pa ba tayo sasali? Eh pwede naman nating ipakasal na lang to kay Shuklee at nang makaalis na tayo." Gab

" HOY ! Ikaw,sumusobra ka na ha!! E kung ikaw kaya magpakasal sa kanya total ang alam naman ni Shuklee ay girlfriend ko si Yuri." Sabat ni Alex at kung pwede lang na may lumabas na kidlat sa mata nilang dalawa ay kanina pa sila tustang dalawa.

Nakita kong natutulog na yung tatlo sa hawlan kinalalagyan nila. Oh bilis naman makatulog nitong mga to.

Tinignan ko yung dalawa at patuloy pa rin sa pagbabangayan. Mabuti pa't matulog na lang din ako para may sapat na lakas ako mamaya.




The Adventures of Yuri and The magical TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon