“Teka, Suzette. Itong dalawang ito ‘yung mga bestfriends mo noon ha! Anong nangyari?” tanong ko kay Suzette na nasa gilid ko. Hindi siya sumagot at nakayuko pa rin doon.

“Senna...” lumapit sa akin ‘yung babaeng kung hindi ako nagkakamali ay Trisha ang pangalan. Hinawakan niya pa ako sa kamay, akala mo kung close kami. “...alam mo ba ang ginawa ni Suzette?”

Kumunot ang noo ko at hinintay ang sasabihin niya.

“Nilandi niya si Martin!” sabi naman nung isa na ang pangalan ay Jenny.

Huminga ako ng maluwag saka ko tinanggal ang kamay ni Trisha sa kamay ko. Bumalik ako sa tabi ni Suzette pero walang tigil sa katatalak si Trisha. “Sila na ngayon, Senna! Hindi ba’t ikaw ang gusto ni Martin? Hindi ba mali ito? Ilang taon nang nanliligaw si Martin sa iyo tapos maagaw lang ni Suzette dahil sa kalandian niya? Senna, hindi kami makakapayag.”

Wow naman. So itong mga babaeng ito ata ang grupo ng fans ni Martin dito sa campus. Lahat sila may gusto kay Martin, pero walang may kayang makakuha ng atensyon ni Martin dahil nga nasa akin ang atensyon niya mula pa noon. Pero tingin ko, ngayon ay nagbago na. Ito siguro ang ipinuputok ng butchi ng mga babaeng ito.

“Ano namang pakialam niyo?” tanong ko.

Nanlaki ang mata nina Trisha at Jenny.

“Ano ngayon kung sila na ni Martin? Wala na kayo doon, okay?” sabi ko sa kanila habang tinitingnan ko isa-isa ang mga pagmumukha nila. “At kung totoo man na nilandi ni Suzette si Martin, ay lalong wala kayong pakialam. Ang sabihin ninyo, naiinggit lang kayo dahil nagawa ni Suzette na makuha ang atensyon ni Martin. Which is, hindi ninyo kaya, whatever desperate action you do.”

Nakita ko kung paano manlisik ang mga mata nila sa akin.

“Walang hiya ka, Senna!” sigaw ni Jenny. “Wala kaming ibang gusto para kay Martin kundi ikaw! Noong una, hindi ka namin tanggap pero sinubukan pa rin naming tanggapin ‘yun dahil ikaw ang gusto ni Martin! Kung hindi kami ang makakatuluyan niya, sige ikaw nalang! Tanggap na namin ‘yun. Pero itong si Suzette?! Malandi siya at nilandi niya si Martin. Malamang ay inakit niya lang ‘yun! Kaya hindi kami makakapayag na mapunta lang siya sa malanding babaeng ‘yan.”

Napasipol ako. Grabe ang tama ng mga babaeng ito kay Martin. Grabe naman kasi ‘yung mukha ni Martin, ubod ng kaguwapuhan. Nasaan na ba ang kumag na ‘yun? Kung totoong sila na ni Suzette, dapat nandito siya ngayon para protektahan ang girlfriend niya.

“Alam niyo, mga ate...” Kalmado kong sabi. “Tanggapin niyo nalang. Kahit naman landiin ni Suzette si Martin or akitin ni Suzette si Martin kung ayaw talaga ni Martin sa kanya, hindi papatol si Martin sa kanya. Naiintindihan niyo? Malay natin, gusto naman talaga ni Martin si Suzette. Hindi lang natin alam.”

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon