[20] Sorry Na

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayos lang talaga. Huwag niyo na akong intin----"

Pinutol ko ang sasabihin niya. Ang tigas ng ulo eh. "Nathan, 'di ka namin pwedeng pabayaan. Sabihin mo nalang sa amin kung anong oras ka magpapasundo."

Binuksan muna niya ang sliding door at lumabas na ng van bago niya ako sinagot. "Ayos lang talaga ako. Cocontact nalang ako sa inyo kapag kailangan ko ng tulong," tumingin siya kay Austin at sinaluduhan ito, "Ingat sa byahe, Austin."

Sasagot pa sana ako kaso bigla niyang sinarado ang sliding door. Hay, ano bang drama ng lalaking yun? Argh!

Mabilis na kaming nakarating sa airport dahil malapit-lapit naman ito mula sa palengke. Kaya ito kami ngayon ni Austin, magkahawak-kamay na akala mo ay sa ibang bansa siya pupunta. Pero ang totoo nyan ay sa Maynila lang naman at ilang araw nalang ay susunod na rin ako dun. Ang drama namin. XD

"Sa Sabado ako babalik sa Maynila. Magkita nalang tayo dun, honey," nakangiting sabi ko sa kanya.

He smiled back at me and pinched my cheek. "Wala naman akong dapat ikabahala diba, Kaye Anne?"

I pursed my lips and suppressed myself from pouting. Bakit ako ang nababahala sa sarili ko?

"Wala naman, Austin. Umiwas ka sa bar ha? Pag-aaral muna ang atupagin. I promise, I'll behave properly and so do you."

"I will," sabi pa niya at tinaas niya ang right hand niya as if taking an oath. "Bigyan mo dapat ako ng loyalty award pagbalik mo sa Maynila."

"Sira!" Hinampas ko siya sa braso niya at dahan-dahang akong kumalas sa pagkapit-kamay namin. "Bye, honey. Call, text or chat, okay?"

"Okay," he retorted and cupped my cheeks. Nagulat ako ng sabay niya itong pinisil. "I love you, Kaye."

"I love you too," sagot ko at binigyan siya ng mabilis na halik sa kaliwa niyang pisngi sabay tulak ko sa dibdib niya palayo sa akin. "Male-late ka na sa flight mo! Go!"

"Hahaha! Bye, hon!"

Habang pinapanuod ko siyang papasok na sa departure area, bakit parang nakahinga na ako ng maluwag? I shook my head on the thought. Naku naman, kung ano-ano itong naiisip ko.

"Ma'am, tara na po sa van," sabi ng buntot kong driver.

I breathed in and out first before facing him. Kanina pa ako hindi mapakali eh. "Kuya, balikan natin si Nathan sa palengke."

 

NATHAN'S POV

Langya! Ako na ang kawawa. Masaya sana kung may kasama ako sa pamamasyal dito sa bayan pero wala eh, ito ako ngayon, naglalakad mag-isa... Patingin-tingin sa mga madadaanan ko. Tss. Ayos lang naman. Mas ayos na rin ito kesa sa nag-iisa na nga tapos wala pang pera sa bulsa at patingin-tingin sa mga taong kumakain sabay lahad ng palad sa kanila. Mas masaklap yun! At least ako, may pangbili naman ng kahit ano.

"NATHAN?!"

Saglit na napahinto ako sa paglalakad. Hmm... May tumawag ba sa pangalan ko o mali lang ako nang pagkarinig?

"NATHAN! UY!!!"

Tuluyan na akong huminto sa paglakad. Sa katunayan, patawid na sana ako ng kalsada pero mas inuna ko munang nilingon ang kung sinumang tuma----

"Woah! Bakit kayo nandito?" Gulat na sambit ko pagkakita ko sa kanila. Shete! Sadya ba talagang maliit ang mundo para sa amin?

Tuluyan na silang lumapit sa akin at isa-isa nila akong pinaghahampas. Nyemas. Ganito ba talaga ang mga gangsters? Masyado sa pisikalan eh. Nakita ko lang naman sina Derrick, Jake, Alex, Arthur at si Kurt.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon