Part 21

755 14 2
                                    


 


"Hmmmnnn...." halik ni Jovs sa leeg ko.

"Jovs... Di pa ko nakakapagsapatos... Baka hinahanap na tayo at kelangan na natin pumunta ng moa.." sabi ko at nakadagan sa kin si Jovs sa me gilid ng kama.

"Pampabwenas lang babe..." at patuloy lang to sa paghalik sa pisngi ko. "Kung pinayagan mo nalang sana ako kagabi na tumabi sayo..."

"Sira ka ba!" sabi ko at tinulak sya para makaupo ako. "Hindi nga tayo pinagsama sa kwarto tapos gusto mo pang humirit!" at isinuot ko ng sapatos ko. Pumuwesto naman ito sa likuran ko at niyakap ako sa beywang.

"Babe..." halik nito sa balikat ko. "Miss kita eh..."

"Miss ka dyan... Manyak ka eh!" sabi ko sabay tayo ng maisintas ko ng sapatos ko.

"Chel..." agad tayo rin ito at hinalikan ako sa labi. "Hmmnnn... "

"Jovs... Ano ba!" pigil ko sa mukha nya. "Mamya... Wala naman tayong game bukas..."

"Last na..." at todo halik nito sa labi ko kaya napakapit nalang ako sa balikat nya.

Blag!

"Ate chel!" bungad ni mika. "Ooppsss..."

"Jovs!" tulak ko.

"Haist! Ikaw talaga!" sumbat ni Jovs ke mika.

"Sorry naman teh! E kanina pa kayo hinahanap at paalis na kaya tayo..." napamewang nalang to.

"Tingnan mo..." duro ko ke Jovs. "Tara na nga!" at kinuha ko ng bag ko sabay hatak sa kamay nya.

"To naman... Tagal pa kaya... 730 pa yung game... 530 palang... " maktol ni Jovs.

"Nabitin ka ba... Hahaha..." tawa ni mika. "Oy ate Chel, hinahanap ka kaya ni Coach shun..."

"At bakit ka naman hinahanap nun?" kunot noong tanong ni Jovs habang palabas na kami. "Hindi mo ba nasabi na tayo na ulet?"

"Ah... Eh... Nasabi ko na...." napahawak nalang ako sa noo ko. "Kaso ewan ko... Ayaw maniwala..." sabi ko nalang. Pero ang totoo... Hindi ko sinabi... Binilinan kasi ako ni ate tina na wag munang ipaalam na nagkabalikan na kami ni Jovs. Hindi man ako naniniwala sa paratang nila ke Coach shun na ito ang me pakana sa pananakit ke Jovs pero mas mabuti naring sumunod at para wala ng mangyari ulit. Hindi ko pa man naiintindihan ang buong naganap pero pinalaya narin nila si yuki para makapaglaro ngayon.

"Aba.... Gusto ata nyang ipakita ko pa sa kanya ano..." hirit ni Jovs.

"Wag na wag mong gagawin yan!" banta ko dito. Sinabi rin kasi ni Ate tina na pwedeng makahalata si coach shun dahil sobrang emosyonal na ni Jovs sa tindi ng selos nito kaya ayaw ng sumunod sa utos ni Coach kungfu.

"Eh bakit ba? Siguro pinagsasabay mo kami ano?" tumigil ito sa paglalakad.

"Jovs... Ano ba? Hindi... Nag-usap na tayo di ba... " sabi ko nalang at pinisil ang kamay nya. Kahit napipikon ako at mas matindi pa palang magselos si Jovs kesa sa kin, pero dapat mapakampante ko lang sya.  "Halika na... "

-------

Sa sobrang galing ng team rexona... Hindi man lang kami nanalo kahit isang set. Pero nakakatuwa at hindi kami nagpatalo agad at binigyan namin sila ng magandang laban.

"That's okey girls... You gave your best... And that's all that matters..." pahuling sabi ni Coach moro bago ito lumabas ng locker room.

Agad naman bumungad sa pintuan si Jovs... Karga karga si Baby pat at hawak naman sa kamay si Jaz.

"Ay mga babies ko!" tuwa ko at lumuhod para mayakap sila.

"Aba... Andito pala mga lucky charms natin..." tuwa ni ate tina at kinarga si Pat. "Bakit naman sad si Baby Pat?"

Just a dream (Book 8)Where stories live. Discover now