Part 4

620 11 3
                                    


 


"Ate chel.... Totoo? Ngdinner date kayo kagabi ni coach Shun?" biglang tabi sa kin ni kim.

"Ayii... Ang bilis naman kumalat... Tumpak ka dyan!" kilig parin ako sa tuwing maaalala ko ang date namin kagabi.

"Ows... Teka... Alam na ba yan ni Jovs?" taka nito.

"Oo... " sagot ng babae sa likuran namin. Takte si Jovs pala. "Okey lang... I'm happy for you chel..." at umupo ito sa tabi ni Kim at inayos ang knee pads nya.

Napangiti naman ako. "Sabi ko naman sayo... Okey na kami ni Jovs..."

"So okey lang kahit ligawan ni Coach si ate chel?" baling nito ke Jovs.

"Ano ba? Kulit mo rin ano! Kung saan masaya si Chel, masaya narin ako."

Napalingon nalang din ako sa kanya. Pinalaya na nga ba nya ako?

"Ayyy...." nagsisigaw si Mika na lumapit sa min.

"Bru, nu ngyari sayo?" tanong ni Kim ng nasa harapan na namin ito.

"Inaaya ako ni coach mg lunch mamya!" kilig na kilig ito.

"Hindi nga!" bara ko. Parang me mali ata.

"Totoo.... Kinausap nya ko sa locker room!"

"Teka..... " biglang sulpot ni Ces. "Shocks.... Inaya ka rin? E.... Haist! E kanina lang ako kasama nya sa breakfast!"

"Ano???" sabay pa kami ni Mika.

"Ahahaha!" lakas ng tawa ni Jovs.

"Hahaha!" tumawa rin si Kim at nag-apir pa ang dalawa. "Kala nyo ha! Type kayo ni coach!....Ahahaha...."

"Ayayay! Hahahaha..." tawang tawa parin si Jovs. "Naiisip mo ba, naiisip ko?"

"Ahahaha... " tawang nakakaloko ni Kim.... "Oo... Hahaha!"

"Teka...." tumigil si Jovs. "Ikaw na ang susunod! Ahahaha!" sobrang lakas ng tawa ni Jovs kaya nahampas nalang sya ni Kim.

"Hindi ah!" alma ni kim na natatawa parin.

"Sus... Kala ko me sumthing na kami kanina ni Coach!" hinayang ni Ces.

"Hahaha!!!" tumawa ulit ang dalawang mokong.

"Ito... Kung makatawa... Wagas!" duro ni Mika kina Jovs at Kim.

"Kim... Dapat pala nagskorts ka! Ahahaha..." loko loko talaga tong si Jovs at tawang tawa.

"Hoy Jovs! Tumigil ka na nga!" naimbyerna na ako.

"Tama nga ate... " gatong ni Mika.

"Teka nga... Bakit sa min kayo nagagalit? Ahahaha..." di parin mapigilan ang tawa nito.

"Oo nga... E nakakatawa mga itsura nyo eh... Ahaha!" segundo ni Kim.

Naimbyerna talaga ako. "Ikaw Jovs ha!" napatayo na ko at humarap sa kanya. "Pag sa kin ngkagusto si Coach... Wag na wag kang iiyak iyak ha... Pag sinagot ko sya!"

"Wooowww..."

Tumayo rin ito at ngiting ngiti. "Baby naman... Di ba sabi ko, kung san ka masaya... Masaya na rin ako..."

"Wooozzz... Totoo ba yan?" loko ni Kim. "Ahahaha!"

"Tssss! Ewan ko sa inyo!"


 

Just a dream (Book 8)Where stories live. Discover now