Part 7

643 14 1
                                    


 


"O... Ako na nga magbibitbit nyan..." kinuha ni Jovs ang isa ko pang bag matapos kong mabitiwan ang sapatos ko. Nakisakay nalang din kasi ako sa kotse nya papuntang Arellano. "Naisama mo ba extra short mo para mahiram ko?"

"Yup... Dala ko..." sabi ko nalang ng makapasok kami sa gym.

"Mamya... Ako ng maghahatid sayo ha... Bago ako pumunta ng kampo."

"Jovs... Wag na... Si Miko malapit lang dito... Sya na susundo sa kin."

"Nooooooo!!!!" sigaw ni Jen ng makita kami. Kalokang babae to! "Please... Don't tell me... Magkasabay kayong pumunta dito?... OMG!... Hindi pwede..."

"Shet! Ate chel... Ate Jovs!" sabat ni Jaja. "Pwede bang ipostpone nyo muna.... Next week nalang!!"

"Haist! Tantanan nyo na nga kami! Pag untugin ko kayo eh!" inis agad ni Jovs.

"So hinde? Hahay!" tuwa ni Jen. "Hindi naman sa ayaw namin kayong magkabalikan... Pero pwede patagalin nyo ng konti... Yung patapos na training." sunod nito sa min.

"Hindi ate... Dapat nextweek... Nextweek!" singit ni Jaja.

"Kaloka kayo!" lapag ni Jovs ng gamit namin sa bench. "Pare pareho pa pinusta nyo! Wala man lang ba pumusta sa inyo na hindi na nga kami!"

"Ate Jovs... Walang thrill pag ganon! Tyaka talo agad kami pag yun ang pinusta namin... Pero ate Jovs... Nextweek na ha... Wag ngayon... Kasi si Kim ang mananalo!"

"Hoy! Tumigil na nga kayo!" naasar narin ako. "Jovs eto na pala." abot ko sa shorts.

"Ayiii... Okey lang na sweet lang kayo ngayon ha..." kilig na kilig si Jen. "Pero... Sabay nga kayong dumating?"

"Oppsss...opss... Ano ng update? Panalo na ko?" lapit ni Kim na kararating lang din.

"Hay kayo!" sabi ni Jovs na napaupo at napahawak sa ulo nya. "Arghhh..."

"Jovs... Okey ka lang?" pansin ko dito. Sumasakit ata ulo nya.

"Tantanan nyo nga muna kami... Sakit talaga ulo ko!" sabi nito at hinagilap gamot nya sa bag.

"Ikaw kasi eh..." sisi ni Jaja ke Kim.

"Hoy! Kararating ko lang!"

"Tama na nga yan!" saad ni Jen. "Okey ka lang ba Jovs?" nilapitan na ito.

"Tssss.... Yung gamot ko... Naiwan ko ata..."

"Teka... " at kinuha ko ang bag ko. "Baka me naitabi pa akong gamot mo rito."

"Sobrang sakit ba?" tanong ni Jen. "Gusto mo hot pack?"

"Eto ng gamot..." nakita ko rin kaya tinabihan ko na si Jovs at inabot ito at bottled water. "Inumin mo na.."

Nakakunot ang noo nito. "Biglang sumakit lang..." at ininom na ang gamot.

Hinaplos ko ng dahan dahan ang ulo nya. "Nagpacheck up ka na ba? Di ka na naman siguro pumunta ano... Tigas talaga ng ulo mo.."

"Ugh..uhg..."napaubo si Kim kaya napatingin ako. Aysus! Ngiting ngiti ang tatlo!

"Pwede ba... Magsilayas na nga muna kayo." taboy ko sa kanila habang minamasahe ko narin ang batok ni Jovs ng yumuko na ito.

"Ang cute nyong tingnan ano?" ngiting ngiti si Kim. "Nalalasap ko na talaga ang pagkapanalo ko!"

"Tumigil ka na nga!" saway ni Jen. "Dun na muna kayo!" at pinagtulakan ang dalawa.

Lumuhod si Jen sa harapan ni Jovs at sinipat ang noo nito. "Medyo mainit nga noo mo.."

"Saglit lang to.... Mawawala lang din ito..." sabi ni Jovs.

Just a dream (Book 8)Where stories live. Discover now