Part 20

770 17 6
                                    


 


"Ate tina...." tawag ko ng makapasok kami sa Army Gym. Kasama ko si Jen at gustong dalawin si Yuki.

"O... Aga mo naman... Mamya pa training natin... Uy Jen..." bati nito.

"Ate tina... Baka pwedeng makita si Yuki... Nag-aalala lang ako... Sasampahan nyo ba sya ng kaso?" pakiusap ni Jen.

"Okey naman si Yuki.. Yan ang hindi ko masasagot kung pwede kayong bumisita... Under investigation parin kasi... Hindi parin namin pwedeng sampahan si Yuki...dahil...si Jovs... Gusto ng iatras to."

"Ano? Panong iatras?" taka ko.

"Err... Uhm... " napailing nalang ito. "Kasi hindi naniniwala si Jovs na si Yuki ang me pakana nito..."

"So ibig sabihin, makakalabas na dito si Yuki?" sabat ni Jen.

"Well... Hindi pa ngayon... Mukha kasing me alam din si Yuki sa ngyayari... Kaso di pa sya umaamin.."

"Pero buti nalang naniniwala si Jovs na wala syang kasalanan.. Nakakaawa na sya... Parang nadagdagan pa problema nya..."saad ni Jen.

"Bakit me problema pa ba syang iba?" tanong ni ate tina.

"Natrauma yan noon... Sa ngyari sa kanila ng brother nya... Nakwento nya lang minsan sa kin..."

"Me kapatid pala sya... Ano naman ngyari?" tanong ko.

"Nagkalamat yung magandang samahan nilang mgkapatid... Simula noong umamin syang lesbiana sya.. Tinakwil sya ng pamilya nya... Tapos yung brother nya ang kumopkop sa kanya... Okey na sana...kaso...yung asawa ng kapatid nya...nagkarelasyon sila ni Yuki..."

"Yung asawa ng brother nya at si Yuki?" sabat ko.

"Oo... Pero di naman nagtagal din relasyon nila kasi umalis nalang si Yuki sa bahay ng brother nya para di nga malaman...Nalaman nalang ng brother nya... Nung manganganak na yung asawa nya... Galit na galit daw sa kanila... Parang ang ngyari nga...hinintay lang makapanganak ...."

"Tapos..."

"Namatay nalang ito... Hindi naman namatay sa panganganak... Maayos pa ngang naisilang yung bata... After 2 days makapangak nung asawa... Bigla nalang namatay sa hospital bed... Ni hindi nga malaman ang dahilan..."

"Pero teka... Yung bata naman...anak naman ng brother nya diba... Hindi ni Yuki?" natawa nalang ako sa tanong ko.

"Oo naman!" natawa rin si jen."Alangan naman ke Yuki!...kaso parang di tangap yung bata ng brother nya kaya yung mama nila ang nag-aalaga."

"Saklap naman... Eh anak parin naman nya yon!" sabi ni ate tina."Ilang taon na yung bata?"

"Five or six years old... Boy nga at gwapo daw... "

"So matagal narin pala ngyari... Hindi parin ba sya nakakamove on?" tanong ko.

"Bumabalik na naman daw kasi galit ng brother nya sa kanya... "

"Eh... Wala naman dito kapatid nya eh... Nasa Japan... " sabi ni ate tina.

 "Yun nga rin... Pero kasi minsan parang takot na takot sya... Kasi...parang binabawian sya nung brother nya...na kahit anong gawin nito...dapat gawin din nya utos nun... Parang ganon...ayy... Ano ba yung sabi nya? Haha... Hirap din kasing intindihin english ni Yuki!"

"Haha... Sinabi mo pa... Kaya kumuha nga kami ng translator nya.." tawa ni ate tina.

"Teka.... " biglang napaisip si ate tina. "Yung binangga nya si Jovs... Sya talaga bumangga eh... So ibig sabihin... Pwedeng hindi naman nya sinadya at siguro magulo lang isip nya dahil sa problema nyang yan... Pero that was six years ago! ...nakakaloka lang kasi inamin nya na sinadya nya.... Pero nung tinanong namin kung bakit nya gustong saktan si Jovs... Wala naman syang masabi?"

Just a dream (Book 8)Where stories live. Discover now