Part 18

621 16 2
                                    


 


"Tita... Buti kasama nyo na yung dalawa... Wag po kayong mag-alala tita... Matatapos narin po ito ngayon..." pinatay ko ng cellphone ko at nilagay ito sa bulsa ko.

Kung si superman... Me superpowers... At si panday me espada... Ako... Hmnnn... Wala... Pero isa lang ang alam kong meron ako... Karisma...

Dirediretso lang akong nglakad patungo sa kinatatayuan nila chel at coach shun. Hindi ako dapat kabahan... Wala ng atrasan to....

At biglang napatingin sa kin si Chel habang palapit ako. Parang nanumbalik sa isipan ko nung una ko syang nasilayan... Nung una... hindi ko pinangarap na maging kami... Pero heto ako... Ipaglalaban sa huling pagkakataon ang pag-iibigan namin....
Ilang hakbang nalang..... Maisasakatuparan ko na... Ang maging .....isang bayani....

Bayani????!!! E lahat ng bayani patay na!!!#@dg@##!??!

"Jovs...." tingin nito sa kin ng nasa harapan na nila ako. Itutuloy ko pa ba?

"Babe!" ngiti ko at agad ko syang hinalikan sa labi.

"Hmmmppp..." gulat nito at napakapit nalang sa kin. Napapikit nalang ako ng tumugon din ito sa halik ko. At parang ito ang unang pagkakataon na mahalikan ko sya. Para akong kandilang unti unting natutunaw sa init ng halik nya.

Napako ang mga mata namin sa isa't isa ng maghiwalay ang mga labi namin.

"Rachel... I thought you two..."  sabat ni coach.

"Babe... Naiwan mo pala... " titig na titig parin ako sa kanya at inabot ko ang isang tupperware. "Don't forget to take your vitamins okey... I can't join you today... " baling ko ke coach. "Need to attend President Duterte presscon at Army Camp."

Halata parin sa kanila ang pagkabigla kaya ngumiti nalang ako at nglakad palayo...

"Wooow!" sigaw ni Kim na madaan ako sa kinatatayuan nila.

"Jovs.... Pinanalo mo na talaga ako..." kilig na kilig si Jen at niyakap ako. "Totoong kayo na nga..."

"Wala akong masabi!" at nakipag apir naman si Mika.

Masarap pala ang feeling na purihin ka ng mga kaibigan mo. Kahit wala silang kamalay malay kung ano pwedeng mgyari pagkatapos nito....

"Sibat na muna ako ha...Army duties..." paalam ko at tuluyan na akong lumabas ng gym..

Ilang saglit lang, nasa labas na ako..

Kinuha ko ang phone ko.
"Ate tina... Okey na... Dito na ko sa labas... Jan ka ba nakapark sa labas?.... Okey ready na ako... Punta ako dyan...."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.... Minsan kasi kelangan mong isugal na ang lahat lalo na kung mautak ang matsing, pakainin mo ng saging...

Krreeeeeeekkkkkk.... Blaggg!!!!...... Vrrooommm...


---------

Chel's pov...

Teka.... Si Jovs?... Palapit rito? Parang me pakay na hindi ko maintindihan?

"Jovs...." tingin ko sa kanya ng nasa harapan na namin ito. Bakit parang kakaiba lang?

"Babe!" biglang ngiti nito at agad akong  hinalikan sa labi.

"Hmmmppp..." gulat ko at napakapit ako sa braso nya. Namiss ko to!!!! kaya tumugon ako sa halik nya... Parang kelan lang...

Napako ang mga mata namin sa isa't isa ng maghiwalay ang mga labi namin.

"Rachel... I thought you two..." nakakunot noong sabat ni coach.

"Babe... Naiwan mo pala... " sabi ni Jovs at inabot ang isang tupperware. Kaloka! Kaya napakagat labi nalang ako. "Don't forget to take your vitamins okey... Uhmm coach... I can't join you today... " baling nito ke coach. "Need to attend President Duterte presscon at Army Camp."

Pareho kaming hindi nakaimik ni coach shun... Kaya ngumiti nalang ito at nglakad palayo... Kaloka! Natawa nalang din ako.

"Wooow" rinig kong kantyaw nila kim, mika at jen ke Jovs ng dumaan ito sa kanila.

"What's this?" tanong ni coach shun. "I don't understand!"

Napatingin nalang ako sa kanya. Ano nga ba talaga ang ginawa ni Jovs? Parang medyo torrid pa ang halikan namin kanina..  "Shun.... Err... " napakamot nalang ako sa ulo ko.

Halatang inis ito sabay walk out.

"Ate chel!" sigaw ng tatlo at nagsilapitan sa kin. Natawa nalang ako sa mga asta nito na tila ngdidiwang.

"Sabi ko naman... Kahit sinong manalo sa min... Magkakabalikan parin kayo.." tuwang tuwa si Kim.

"Ano ba! Wala yun... Nagulat nga lang din ako sa inasta ni Jovs... Di pa nga kami nagkakausap mula nung isang araw..."

"Sus... Ate naman... Deny to death ka pa..." biro ni mika.

"Rachel... Wag ka... Panalo na ako! Wala ng bawian!" sabat ni Jen.

"Teka... Ibig sabihin.... " natigilan si kim at napatingin sa kin.  "Di pa kayo nagkakausap ni Jovs??... Ginawa lang nya yon... " para itong biglang namutla at napatingin sa me labasan...

Krreeeekkkkkk......

Lahat kami nagulat sa napalakas na ingay mula sa labas.. Pero si Kim, tumakbo agad palabas...

"Me nabanga!" sigaw ng isang crew.


 

Just a dream (Book 8)Where stories live. Discover now