Part 17

595 15 2
                                    


 


Tama bang ikulong ako dito sa quarters? Kanina pa ko pabalik balik sa gym tapos kwarto tapos gym ulit. Eh sunday ngayon! Family day! Miss ko na dalawa kong chikiting! Haist... Lalo na... Lalo na si Chel! Kainis...... Tapos si papa... Pumayag lang din ako ikulong dito... Jusme!

"Coach kungfu!" sigaw ko ng makita ko itong papasok ng gym.

"O... Bakit hindi ka mag workout?" tingin nito sa kin.

"Coach.... Kanina pa... Makailambeses na... Coach payagan nyo na kong lumabas... Sunday ngayon... Kelangan kong ipasyal yung dalawa kong anak..."

"Hindi na... Nasa park na sila... " simpleng sagot nito.

"Ha? Si chel ba kasama?"

"Ah... Oo.... Tyaka si coach shun..."

"Ano? Kasama sya?"

"Oo nga... "

"Coach... Hindi pwede... Kinukuha nyang loob ng mga anak ko... Coach.... Tama si ate tina... Si Chel ang motibo ng me gawa nito... Isa lang ibig sabihin non!... Si coach shun... Sya ang me gawa nito dahil gusto nyang agawin sa kin si Chel!"

Napakunot ito. "Sa tingin mo ba...di ko naisip yan?... Iniisip mo palang... Naisip ko na... Matagal ko na rin syang pinasusundan.... Pero wala... Wala syang ginagawa... Kaya hindi sya ang suspect.... Ah... Me isa lang pala..."

"Ano yun coach?"

"Mukhang seryoso sya sa panliligaw ke chel... Biruin mo araw araw hinahatid... Kumuha pa talaga sya ng service para lang masundo at maihatid si Chel... Ibang klase..."

"Coach... Hahayaan nalang ba natin... Pero malakas kutob ko na sya ang suspect!"

"Anong gusto mo? Hulihin ko sya! E wala tayong hawak na makakadiin sa kanya!"

"Coach... Hindi ako papayag... Na maging made in Japan mga anak ko.. Coach...." makaawa ko at lumuhod na ko sa harapan nya.

"Aist... Tumayo ka nga dyan... Nagdagdag na ko ng tao... Para manmanan sya hangang bahay nya..."

"Eh coach... Baka mga bopol naman mga tao mo... Bakit hangang ngayon wala pa silang nakikita? Impossible coach... Yung nanghampas sa kin ng fire extinguisher sa 21st floor... Malamang sya yun... Wala nga lang sa Cctv kasi nga naedit na nya... Pero andun sya sa mga oras na yun... "

"Hindi nga natin masasabi yan kasi wala nga sa CCTV... Nung umalis sya mula sa unit ni chel hangang sa makababa sya ng lobby... Dirediretso lang... Hindi putol..."

"Pero coach... Walang ibang tao dun nung oras na yon... Kaming dalawa lang... Hindi ko nga lang sya nakita pero sigurado akong sya ang humampas sa kin!"

"Jovs... Makinig ka..." hawak nito sa magkabilang balikat ko. "Hindi tayo pwedeng magkamali sa mga kilos natin... Alalahanin mo FIVb coach sya...at taga Japan... At isang malaking mali natin... Wala... Wala na tayo! Kaya sinasabi ko sa yo... Wag kang padalos dalos... Baka hindi lang si Chel ang mawala sayo... Pati ang career mo..."

"Coach....."

-----

Hindi rin ako nakatiis at tumakas ako sa Quarters. Alam kong posibleng me mangyari na naman, pero hindi ko na kakayanin na tuluyan ng bakuran ni coach shun si Chel. Lalong lalo na malakas ang kutob kong sya me pakana nito.

"Bakit ngayon ka lang? Di ba dapat ilalabas mo mga bata? Tapos isusumbat mo pa sa kin na inilabas ko sila kasama si Coach shun...!" dakdak ni Chel ng dumating ako pasado alas otso ng gabi.

Yumuko nalang ako kesa patulan pa init ng ulo nya... Hindi ko rin kayang aminin sa kanya kung ano ba talaga ang ngyayari...

"O hindi ka man lang iimik dyan?" inis na to ng nanatili lang akong nakaupo sa gilid ng kama.

Just a dream (Book 8)Where stories live. Discover now