*END OF FLASHBACK*

Tsaka ko na isosoli sa Kanya 'to. Gagitin ko muna wala akong ballpen eh lol. 😂

Kinuha ko na sa locker ko ang mga dapat kong kunin at bumalik na sa classroom.

"Pass the paper to the back." Sabi ng prof.

"Pre pasahan mo ko ah" sabi ko kay jules.

Magkakatabi kami. Ako, si Jules, si Sean at si Maui.

"Babes alam mo na ah." Sabi ni Sean kay maui.

"May kapalit to ah" sabi ni maui

"Oo kahit ano babes basta ikaw." Sagot naman ni Sean. Sabay kindat nito kay maui.

Husay talaga ni Sean.

Natapos ang exams na walang kahirap hirap.

Sisiw lang samin to.

De joke.

Credits kay Maui. Lol.

Demi's POV

Hell week ngayern.

Syempre, Nagreview ako. Ahihi

"Demi!" Tawag saakin ni donghyuk habang naglalakad ako

"Oh donhyuk?" Sabi ko at nginitian ko siya,

"Sabay na tayo" sabi nya at sinabayan nya ko maglakad

"S-sige hehe" sabi ko dahil nagtataka ako bakit feeling close sya saakin ngayon.

Bigla naman dumating si june at sumabay samin

"Hi dems!" bati saakin ni June.

Natawa naman ako dahil ang cute nya pag ngumingiti.

Sabay sabay na kami naglakad at bigla ako inakbayan ng kaklase ko na si Kaye, inalis ko naman pagkakaakbay nya dahil hindi naman kami close.

"Bes tara na malelate na tayo" sabi ni kaye at hinila nya naman ako sa wrist ko.

Napatingin ako kila donghyuk habang papalayo kami sa kanila dahil bigla ako hinila ni kaye. Tinanguan nalang ako ni donghyuk at kumaway nalang si june.

Ang weird ni kaye.

"Ang weird mo!" sabi ko sa kanya at huminto ako sa paglalakad.

Inirapan nya lang ako at iniwan na nya ko.

Di ko nalang pinansin at naglalakad na ko mag isa papunta sa classroom ko bigla ko naisipan dumaan sa locker ni Vin, Nag iwan ako ng sticky note at agad na ko umalis.

Landi eh. Hihihi.

Bumalik na ko sa building namin at dumeretso agad sa room, Nakita ko agad si Lauren sa hulihan at may nakareserved talaga na isang upuan para sakin.

"Bes! I miss you bes hihi!" Bati ni Lauren.

Umupo na ko sa tabi nya, Nag eexam na pala sila.

"Bes si mam?" Tanong ko

"Lumabas, Kuha ka papel dun sa harap dali bes" utos ni lauren at agad naman ako pumunta sa harapan para kumuha ng test paper.

Habang naglalakad ako papabalik sa upuan ko---

Tangina.

Biglang may pumatid sakin at nadapa ako.

Nagtawanan sila dahil ang shonget ng pagkakabagsak ko.

Agad ako tumayo at inayos ang buhok ko at pinagpagan uniform ko. Pagkatayo ko bumungad ang pukunginang pagmumuka ni Kaye na nakangisi pa.

"Anong problema mo---" bago ko pa tamaan ang muka niya inunahan na ako ni Lauren.

Dear Crush (Ft. iKON)Where stories live. Discover now