Chapter 12 Nag-advice ang Evil?! o_o

10.5K 154 13
                                    

Kathryn's POV

Napaiyak ako.

Gosh! Hindi ko alam na may kinikimkim syang sama ng loob! Hindi ko naman ginusto e! Hindi ko alam ang nangyayari pero bakit sa'kin sya galit?

"Hush...andito pa naman kami."

Pang-aalo sa'kin ni Julia. Pinupunasan nya ang luha ko habang si Ej naman ay tinatapik tapik ako sa likod.

They are giving me moral support but i want to be alone.

"Uhm..gusto ko munang mapag-isa."

Pakiusap ko sa kanila.Humakbang na ako.

"Teka, saan ka pupunta?"

Tanong sakin ni Ej.

"Magpapahangin lang ako."

At umalis na ko.

First time ko dito sa rooftop,ang ganda pala dito.

Kitang kita ang buong campus. Bumuntong hininga ako. This is the right place to unwind. Grabe! Stressed na stressed ako.

Umupo ako at sumandal sa dingding.

Ayaw kong mawala ang bestfriend kong 'yun. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit ako ang sinasabi niyang dahilan kung bakit siya iniiwan ng mga gagong lalakeng 'yun.

"We dont deserve this."

"Yeah, you don't deserve this."

Anang baritonong tinig. Shocks! Nagulat ako. At nakita ko pa si Daniel na nakatayo sa harap ko. Nag-aabot ng panyo.

Kilala ko ang hawak nya.

"Panyo ko 'yan ah! Pa'no napunta sa'yo 'yan?"

Tanong ko na may bahid pagtataray.

Hindi siya sumagot.

Umupo rin siya sa tabi ko. Sumandal din sa dingding.

"Remember, nung tapunan mo ako ng juice sa canteen?"

Inagaw ko na lang yung hawak niya.

Ayaw kong-mag isip at mas lalong ayaw kong alalahanin ang pangyayaring 'yon.

"Bakit ka ba nandito?"

Bulyaw ko sa kanya.

"Kung may binabalak ka na naman, umalis ka na lang dahil wala ako sa mood para jan."

Patuloy ko pa.Humina na rin ang tinig ko. Nanghihina lang naman ako.

Daniel's POV

"FYI, ako ang nauna dito, ok?"

Sabi ko na lang, pero ang totoo,sinundan ko siya. Hindi rin ako umalis nung nagpaalam ako sa kanya, nagkubli ako malapit sakanila.

Gusto ko kasing pakinggan ang pag uusap nila ni pinsan.Tsismoso lang e. Hehe.

Pero hindi ko rin naman sinadya na pati yung problema nila ni Kiray ay masasaksihan ko pa. Hindi naman ako nagulat sa mga narinig ko kasi matagal ko nang alam ang mga iyon. Alam ko rin ang kasagutan sa mga tanong nila.

"Kung ano man 'yang problema mo, 'yang sama ng loob mo, kailangan mong ilabas para gumaan yang dibdib mo."

Pang-aalo ko sa kanya.

The Magic Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon