Chapter 3 HULI KA!

13.6K 185 15
                                    


Kathryn's POV

Parang may pakpak ang paa ko sa bilis ng lakad ko, o takbo na ang maitatawag. Ang importante makapasok na kami sa aming classroom. Nahinto ako nang may mabangga ako.

Na naman? Kilala ko kung kaninong boses yan. Errr! malas! Dahan dahan kong itinaas ang aking paningin. Confirm! Siya nga talaga with his friends.

"Ano yang takot sa mata mo?"

Nakangiti siya.

"What are you talking about? Get out of my way!"

May klase pa ko. I tried to sound brave. Akmang lalagpasan ko na sila ng hawakan niya ang braso ko at nagsalita ulit siya.

"Sandali."

Pigil niya sa'kin.

"Ano bang kailangan mo!?"

Pagtataray ko tapos tinanggal ko yong kamay niya sa akin.

"Gusto kitang gantihan! Sa pagkaka-alala ko kasi ay may kasalanan ka sa akin."

Sabi niya ng may nakakalokong ngiti. Waaah!!! Patay! Pa'no na'ko nyan?

"Wait! Wait! Anong gagawin mo?"

Napaatras ako dahil papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hahalikan ba nya ako? Ano!!! Anong gagawin ko?

Kapag nagsisigaw ako, tiyak pagtatawanan nila ako. Pero paano na kung halikan nya 'ko? Mababaliw ako!!! Na-corner na niya ako! Ano? What will I do?!! Wala akong matatakbuhan. napapikit na lang ako nang mariin. Bahala na si BATMAN!

"Feeling mo ba, hahalikan kita? No way!"

Tumawa siya . Napamulat ako.

"Uhm! Ang feeling mo!"

Tinulak ko siya nga malakas. Bakit ko nga ba kasi naisip iyon?

"Aminin mo na! You thought, hahalikan kita!"

"Hindi aa!"

I think I'm blushing!

"Sabagay, hindi talaga kita hahalikan kasi I can't take the smell"

Tinakpan pa niya ang ilong niya.

"Bastos!"

Sinubukan kong umalis pero pinigilan niya ako.

"Hindi pa nga ako nakakaganti, aalis ka na?"

He smiled teasingly. Kailangan ko nang makawala! I don't know what will he do. And I don't deserve this- ang pagtawanan! Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob. Tinadyakan ko ang binti niya. At sinamantala ko ang nangyari, tinakbuhan ko siya pero nakabawi sya agad at hinawakan niya ang braso ko. Mahigpit na mahigpit!

"Let me go! nasasaktan ako!"

Napansin kong wala na ang mga kasama niya. Dadalawa na lang kami! OH LORD! Help me please!

"Gusto mo bang gawin ko rin sa'yo ang mga ginawa mo sa'kin? tadyakan, sipain ko rin yang binti mo, and worst, suntukin ko rin 'yang mukha mo?!

Bastos talaga ang lalaking to! Walang galang! Natabunan ng galit at inis ang takot ko. 

"Ano ba! Bitiwan mo'ko! Don't tell me, pumapatol ka sa babae!?"

"Ay! babae ka ba?!"

The Magic Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon