Chapter 9 NOW!

11.7K 160 20
                                    

Kathryn's POV

Napapikit ako ng mariin nang. . . . . .

BOOOGGG!!!!

Kasabay no'n ang sigaw na . .

"DANIEL!"

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Alin 'yong masakit? Wala naman.

Minulat ko ang isa kong mata. Napangiwi ako nang makita kong marami na rin ang tao sa paligid, ang buong team na yata. 

Nakita ko si Daniel taking his way to a room. And I saw his hands. Namamaga?!

Napatingin na lang ako sa pader at nakita kong may bahid 'yon na kunting dugo .

"Are you ok?!"

Tanong ni Khalil, nakalapit na siya. 

"I'm fine."

Sagot ko na lang at tumakbo paalis sa lugar, nakasalubong ko si Kiray sa may entrance.

"Halika na!"

Yaya ko. Natakot talaga ako do'n. 

Daniel's POV

Nandito na ako sa quarters. Katok ng katok ang mga teammates ko sa labas. Halos gibain na ang pinto sa lakas. 

"Daniel! Buksan mo 'to!"

Sigaw ng isa do'n, boses 'yon ni Khalil.

Tss.Isa ka pa! Sinira mo ang diskarte ko, masyado kang pasikat na ewan! Bad trip talaga! Pareho kayo ng Kathryn na 'yon! Sarap niyong pag-untugin!

Kumirot ang kamao ko, napatingin ako do'n. Parang nakikita ko ang mukha ni Kathryn do'n. Ngayon ko lang na-realize, maganda pala siya.

"Kahit maganda pala ang mata at ilong mo, at kahit manipis ang labi mo, hindi pa rin nababawasan ang inis ko sa'yo! Siopao ka! Humanda ka! Talagang tututuhanin ko na ang pagsapak sa'yo!"

Sa gano'ng ayos ako nabungaran ng mga kasama ko. Nabuksan na nila ang pinto, nakuha siguro ang susi..

Ang mga samut saring emosyon sa mukha nila ay napalitan ng nakakabinging tawa. Nakita nila akong kausap ang kamao ko.

"Anong tinatawa nyo?"

Asik ko. Nakita ko si Khalil na masama ang tingin sa akin . Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Hindi yata ang kamao mo ang tumama sa pader kundi 'yang ulo mo. Kalog na pare!"

Tatawa-tawang sabi ni Neil

"Baliw!"

Sabi naman ni Sam.

"Anong nangyari sa'yo?"

Bulalas naman ni coach. Isa pa 'to e! Hindi kami ok ngayon kaya hindi ko siya pinansin. 

Tawa sila ng tawa. Kinuha ko na lang ang gamit ko at nag-walkout. Binangga ko ang balikat ni Khalil but he resisted me.

Buwisit ka! Bulong ko sa sarili ko.

Palabas na ako nang may humawak sa balikat ko. ..

Marahas ang ginawa kong paglingon at nakita ko ang mga barkada ko, Hindi ko napansin sinundan pala nila ako. 

"Ano!?"

Asik ko.

"May pag-uusapan tayo!"

The Magic Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now