Ideal 43

3.3K 74 10
                                    

#MNSIM

Skylar's

Alam kong mahirap para kay Cass ang sitwasyon nya ngayon. Nung last time na kasama ko sya when we saw Storm with his girl, nag-usap kami ng masinsinan. Somehow inexpect ko na rin na marinig sa kanya ang sagot na yun pero di ko inakalang ganun na pala si Storm sa puso nya.

"Sky, am I worth it?" napakunot noo ko sa tanong nya.

"What do you mean?"

"For loving me. Worth it ba na sakin ka nagkagusto?"

"You're worth can never be compared to anyone else in this world, Cass. I'm even willing to give up everything for you" nakita ko ang pagbuntong hininga nya bago ako malungkot na tiningnan.

"I'm going to tell you everything tonight, Sky" nanatili lang akong tahimik habang hinihintay ang sasabihin nya. "Just promise me you won't hate me for what I'm gonna say" tumango na lang ako kay Cass kahit na ramdam ko ng unti unti na syang nawawala sakin.

"Alam mo bang I thought you're my ideal man?" nakangiti nyang sabi na kinagulat ko. "Simula nung nakita kita noon sa bookstore, I was already attracted to you. Nang tumagal at unti unti kitang nakikilala, lalo ko pang naiisip na baka ikaw na nga ang matagal ko ng hinihintay. You're sweet, caring, masayang kasama, matalino, gwapo. Kaso hindi ka marunong kumanta at sumayaw. Hindi ka rin left handed. Although captain ka ng football team, hindi ka marunong magsoccer na gustong gusto ko sa lahat. Lalong hindi ka rin marunong maggitara. But that didn't stop me from liking you. Kaya I just called you my almost ideal man"

Hindi ko nagawang kumurap sa mga sinabi ni Cass. Ang sarap pakinggan na gusto nya rin pala ko.

"But you left me hanging without a word. Yung time pa na nageexpect na ko na baka ikaw na nga ang hinihintay ko. Na baka maging tayo na. I was even willing to forget na hindi ikaw ang perfect ideal man ko but who cares kung willing sumuway ang puso ko. You showed me how special I was and I still thank you for that"

"Cass..."

"Nung gabing sinabi mo sakin sa rooftop na mahal mo na ko, masaya talaga ko. Pero kasabay ng saya na yun, hindi ko naiwasang manghinayang. Kung sana lang nagawa mong sabihin saking mahal mo ko bago ka lumayo sakin, walang pagdadalawang isip kong sasabihin sayo ang sagot na gustong gusto mong marinig. Hindi ka na sana naghihintay ng sagot mula sakin ngayon"

Ramdam ko ang sakit sa puso ko. Ayokong i-entertain ang possibility na masaktan ako but it seems inevitable this time.

"Kaso wala na yung heartbeat. Wala na yung familiar feeling na naramdaman ko tuwing kasama kita noon. Bigla na lang nawala kasi..." huminga muna sya ng malalim saka ako tiningnan sa mga mata.

"Kasi ang puso ko tumitibok na sa kanya ng di ko sinasadya. Mas malakas at mas overwhelming ang tibok ng puso ko ngayon"

Hindi man nya binanggit, alam na alam ko na kung sino ang tinutukoy nya. Walang iba kundi si Storm.

"He's the most annoying guy I hated for so long as I can remember. Lalong lalong napakalayo nya bilang ideal man ko. I tried to resist falling for him kaso puso ko na ang pumili na hindi ko na kayang tanggihan pa"

"It's my fault why I lost you, Cass. Kung sana hindi ako natakot. You can be mine now. But it’s already too late. I already lost you" hindi maiwasang makaramdam ako ng lungkot at panghihinayang. Kung alam ko lang noon na gusto na pala ko ni Cass, siguro wala ng Storm na pumalit sakin sa puso nya.

"Gustong gusto kitang mahalin, Sky. Kung alam mo lang how I fought so hard not to fall for Storm dahil pakiramdam ko ikaw ang tama para sakin. Pero eto na eh. Nasasaktan na ko for falling in love with him"

My Not So Ideal Man (FIN)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin