All I Want For Christmas

242 6 6
                                    

AORI's POV (First-person POV)

Habang naglalakad ako papasok sa school,

"Ayan na pala si Aori!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko.

Nanahimik bigla ang lahat nung dumaan ako.

Tinitigan ko lamang sila at saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Ate Aori, pwede ko po ba kayong maging kaibigan?" tanong ng isa sa mga estudyante.

Tinignan ko ito.

"Hindi ako pala-kaibigan. Alam mo 'yun, hindi ba? Kaya mawalang-galang na at umalis ka," sabi ko rito.

Natakot ito bigla at umalis.

Alam kong masama ang dating ko.

And so what? Ganun talaga ako.

Lahat naman tayo may kanya-kanyang istorya sa buhay, hindi ba?

Habang naglalakad ako papasok sa classroom, agad nanahimik ang lahat.

I'm the Law, ika nga nila.

"Oh, don't stare at me, people. That's rude." Sabi ko sa kanila at umupo na.

May pilit na nagbulungan pero 'di nakaligtas sa matalas na pandinig ko.

"Makapagmaldita naman siya, kala niya ang ganda niya,"

"Oo nga naman, tsk,"

Nilingon ko naman ito at tinaasan ng kilay.

"Excuse me? Ako bang pinag-uusapan ninyo?" mataray kong sabi.

"Miss, nagpapatawa ka ba? Eh ikaw lang ata ang may ‘di kagalang-galang na ugali dito," sabi nung babae.

Napa-irap lamang ako sa kanila.

‘Di nila alam kung sino ang binabangga nila.

"No offense, Miss. Pero kase, ‘wag kang bubulag-bulag. Nakita mo naman siguro kanina nung pumasok ako dito di'ba? Nanahimik sila," sabi ko.

Biglang bumulong yung isa,

"Napaka-maldita naman nito."

Nabaling ang tingin ko sa isa pang babae.

"Maldita na kung maldita. ‘Di mo naman kasi ako kilala. Kaya ikaw, ‘wag kang manghuhusga," Diretsuhan kong sabi at tinalikuran ko sila.

Naiwan ko sila doong wala sa sarili.

Tama naman kasi ang sinabi ko, tayong mga tao, may kanya-kanyang istorya ang mga buhay natin.

Nang lumipas ang oras at break time na,

"Balita ko, may tinarayan ka nanaman kanina ah," sabi ni Liann, ang bestfriend ko.

"Eh kasalanan na nila yun," sabi ko habang kumakain.

"Kailan ka ba magbabago, Aori? I mean, hindi naman yung magbabago na as in babait ka, pero.. Kahit konti lang naman, bawasan mo yang kamalditahan mo, Aori. Come on, Grow up," sabi niya.

"Liann, you know me. May pinagdadaanan ako kahit na ganito ako," seryoso kong sabi.

Bumuntong hininga si Liann.

"Oo na, oo na. Pero ito ha, i-control mo ang kamalditahan mo Aori," sabi niya.

Ngumiti lamang ako at nagpatuloy sa pag kain.

Lumipas ang oras at umuwi na ako.

Pagkarating ko sa bahay ko, ay agad akong pinagbuksan ng mga guards.

"Good Afternoon po, Miss Aori," pambungad ng mga maids.

‘Di ko sila pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad.

Team HumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon