Chapter 39

1.9K 64 2
                                    

    
   
   

  
  
  
The next game happen kinabukasan na. Hindi tinuloy dahil may nawalang grupo ng kalalakihan. Iyon naman pala ay sabik lamang na naligo sa lawa.

"Yesterday players, ready for game!"

"Okay, sir!"

Nag-ready ang bawat kasali sa game. Nagpalit na rin sila ng jogging pants and t-shirts.

"The game will be a Piggy back ride with a twist. So ready players. The game will start in five minutes..." anunsyo ng guro.

"Did you gain weight?" tanong agad ni Eric sa dalaga.

"Hindi bakit?"

"You sure?"

Nagsalubong ang kilay nito, "Teka bakit parang sinasabi mong ang taba ko na?"

"Hahaha! Nahihiya lang sabihin ni Eric na tumataba ka na talaga," tawa ni Lyra.

"Hindi, baka sinasabi ni Eric na bumigat ka na. Plus 5 pounds gano'n, hahaha!" dagdag pa ni Sheerah.

Sinamaan niya ng tingin ang lalaki, "So gano'n din yon!"

"Hindi a, magkaiba yon. Huwag ka ng magalit, i'll still carry you no matter what your weight is," lambing na ng lalaki.

"Sus ang korni niyo tse!"

The game started. Girls will climb on the net to get the flag on top. Then they will run to their partners as the boys carry them on their back. After that, each pair will eat the hanging apple. Lastly, boys will climb the other net and get the flag on top.

Ang 5 pairs na maglalaro sa unang round ay by volunteers. Kaya sina Eric, Genna, Lyra and Michael ang dalawang pair. Si Sheerah at Christian naman ay muling itinuro ni Lyra. Nagvolunteer din si Lizah with her partner Philip. Last pair yong nagvolunteer na babaeng mukhang pinilit lang ang partner dahil nakasimangot.

"Ready girls? The game will start in 3...2...1...go!"

Limang babae silang hirap na hirap sa pag-akyat. Si Genna at yong isang voluteer ang bigat na bigat sa sarili. Sina Sheerah, Lyra at Lizah naman ay nanginginig sa kaba dahil gumagalaw-galaw ang net. Pakiramdam nila'y anytime ay pwede silang mahulog.

"Sir mukhang mali kayo sa pagpili ng obstacle, baka next year pa sila matapos," tawa ni Michael.

"Girls, you can do it!"

"Kaya niyo yan! Mababa lang yan!"

"Next time diet-diet din para hindi nabibigatan!"

Kani-kaniyang tukso at tawanan ang mga estudyante sa mga manlalaro. Kahit sila ay naiinip na sa napapanood.

Tila nainis naman ang mga babae sa narinig. Hindi madali para sa kanila ang inaakyat. Lalo na't nabibigatan sila sa sarili at natatakot sa pag-akyat. Ngunit hindi naman sila nagpatinag at nagpatuloy sa pag-akyat.

"Yes!" hiyaw ni Lizah nang makuha ang flag at nagsimula ng bumaba.

"Yehey!" Sumunod ay si Lyra na ngiting-ngiti pa.

Three girls ang natira sa gitna ng net. Sinikap ang maakyat ang net kahit na parang nanghihina sila.

"Omg! Yehey!" nakuha rin ni Sheerah ang flag at bumaba na.

"Sa wakas nakuha rin kitang flag ka," hinihingal na sabi ni Genna at bumaba na rin.

Nakuha rin ng volunteer na babae ang flag.

Takbuhan agad sila sa mga partner. At nang makarating sa apple ay naging bridal style naman ang buhat ng mga lalaki.

Sa una ay nailang si Sheerah pero dahil sa premyo, wala na muna siyang hiya nang di sinasadyang nahalikan niya ang lalaki.

Blag! "Aray!"

Sa gulat ni Christian ay nabitawan niya ito. Sumakit tuloy ang puwetan niya.

"Bakit mo naman ako binitawan?!"

"Sorry, sorry!"

Pinatigil ang game. Agad na lumapit ang babaeng first aid.

"Ang sakit ng puwet ko..."

"Saan pa ang sumasakit?"

"Doon lang po."

"Sobrang sakit ba?"

"Hindi naman po, baka mawala rin po ito later. Okay lang po ako."

"Okay. Tawagin mo lang ako kapag sumakit ulit ha."

Inalalayan siya ni Christian hanggang sa makarating sila sa tent.

"Sheerah, ano kaya mo pa?" sulpot ni Genna.

"Ang bigat mo yata e kaya ka nabitawan," sulpot din ni Lyra.

"Woy hindi a! Grabe kayo ako na nga tong nasaktan!"

Dumating din si Eric at Michael, "Kapag nawala na daw ang pananakit, ikaw daw ang pipili ng pagkain mamaya."

"Talaga?! Yesss!"

Si Lizah at Philip naman ay nakatanaw lamang sa malayo.

"Look at that girl, napakadesperada talaga. Exaggerated magpaawa, so pathetic."

BLOOD AND TEARS (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang