#1 - My Mom.

300 9 4
                                    

#1 - My Mom.

"Dad, are you sure you're not going?"

"Yes. Just bring this flowers to her.. Kagagaling ko lang kasi kahapon dun. Baka magsawa na ang siya sa pagmumukha ko. Halos ako na lang ang nakikita niya. Ikaw naman."

I chuckled..

"Ikaw talaga, Dad. Bukas pumunta ka, ha?"

"Oo naman. Panata nating dalawa yan e."

"Hahaha. I know, Dad. I'll be going. Bye!"

"Bye son. Take good care."

"I will. You too!"

My dad smiled and then lumabas na ako ng office niya.. Pagkababa ko mula sa 5th floor ay sumakay na agad ako sa kotse ko papunta sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Siya ang pinakamamahal kong babae sa buhay ko.

After 30 minutes, nakarating na rin ako sa destinasyon ko..

NORTH CEMETERY.

Kinuha ko ang bulaklak na pinadala ni Dad at ang bulaklak na ibinili ko para sa kanya..

Naglakad na ako papunta sa kanya..

Napangiti ako ng nakita ko ang mga labi niyang nakangiti sa akin..

Kinuha ko ang larawan niya at tinitigan iyon.

"Hi, Ma.."

Yes. Binisita ko ang Mama ko.. Ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko. At sa buhay ng Papa ko..

"Kamusta ka na Ma? Mukhang lalo kang gumaganda."

I chuckled and then put the flowers infront of her tomb.

I stood in front of it and then sighed.

"Ma, kamusta ka na? Look at me.. Natupad ko na ang gusto ko.. Konti na lang, malapit ko na ring matapos ang kursong parehas nating gusto.. Ilang taon na lang magiging katulad niyo ako ni Papa.. Magiging isang magaling na bussiness man din ako.."

Ngumiti ako at tinignan ang paligid ng kinalalagyan niya.

"Alam mo Ma.. Mas masaya sana kung andito ka.. Pero, kahit na wala ka dito.. Alam kong andito ka naman sa puso ko.. Diba yun ang sabi mo? Hindi mo kami iiwan dahil andito ka."

Inilapat ko ang kamay sa ko dibdib ko at pumikit.

"Miss na miss na kita, Ma. Miss na miss ka na namin ni Papa.."

Nakapikit lang ako at dinadama ang hangin na humahaplos sa balat ko.

Iminulat ko na rin ang mata ko at nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa harapan ko..

"Ako rin.. Miss na miss ko na rin ang mama ko.." - Sabi niya.

Itinaas niya ang kamay niya na may panyo at pinunasan ang luha kong hindi ko namalayan na tumulo na pala..

Nginitian niya ako at nakita kong nagbuntong-hininga siya.

"Wag ka na umiyak.. Wala man sila sa tabi natin ngayon.. Alam kong nasa puso naman natin sila."

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

Nilingon ko siya. Parehas sila ng sinabi ng Mama ko.. Kaya tinawag ko siya..

"Miss!"

Lumingon siya sa akin.. Nililipad ng hangin ang buhok niya pati ang pink na dress na suot niya..

"Bakit?" - Tanong niya.

"A-a-anong pangalan mo?"

Nginitian lang niya ako at tumalikod. Itinaas niya yung kamay niya at nag-sign siya gamit ang daliri niya ng..

"143?"

---

Chapter One is up.

Hope you like it and leave comments!

Read my other story, too entitled Deal With An Ex Gangster.

Kamsamhabnidaaaaa ~

Lovelots.

ANGELKRIMMII.

Please, Don't Die On Me.Where stories live. Discover now