Dumeretso naman akong west may isang malaking green field dito para sa sports like volley ball, soccer, basketball, track and field at kung ano ano pa nalaman ko ito kasi pinagaaralan na din namin. Saan kaya kami mag a-avalon elemental maze?

Hindi ko na masyadong ginala pa ang field dahil dumeretso na akong naglakad papuntang north puro puno lang, mga bulaklak at mga vines ang makikita dito marami ding nakakalat na twigs pati dried leaves sa paligid halatang wala ng masyadong napunta dito.

Aalis na sana ako nung may nahagip akong bubong sa mga puno puno banda doon sa malayo huh? May building pa ba dito?

Agad namang nakuha neto ang atensyon ko at walang alinlangang pinuntahan ko ito.

Kumakamot ako sa paa ko bakit naman kasi ang daming talahib tas nakakapagod kanina pa ko naglalakad hays ang layo na ata ng nalakad ko bago ko narating yung nakita kong may bubong.

WHAT!? Ano tong nakikita ko? Isa itong bahay na hanggang 2nd floor ang taas mapapansin kaagad na sobrang luma na neto dahil makalawang at wala itong kulay.

Bakit may bahay dito sa Avalon? Pinasok ko naman ito dahil bukas lang naman medyo nakakatakot kasi ako lang dito magisa sa gitna ng gubat sa north ng Avalon.

Bumungad naman sakin ang lumang sofa na may mga soft drinks at mga comics sa gilid, may TV din ditong luma sa gilid ng ding ding marami ding furnitures na nakaayos parin, madami ding mga chips na nakakalat sa sahig at wait? Raw meat ba yon?

Tumaas naman ang balahibo ko nung makita ko yung raw meat na may kagat, may tao bang nakain ng hilaw diba wala? Kinabahan naman ako bigla.

*Crack*

Agad naman akong nagpanic kaya ginamit ko ang element ng apoy para tamaan ang kung ano mang ingay yon.

*Splash*

"Fuck papatayin mo ba ko?" Zhyron habang dinidispell ang element niyang tubig at halata sa mukha niya ang pagtataka nung makita ako.

"I-Ikaw?! Sinusundan mo ba ko?!" sa inis ko yan lang ang nasabi ko pati na rin sa sobrang takot nakaramdam naman din ako ng ginhawa nung si Zhyron lang pala iyon buti nalang baka atakihin ako sa puso kung ibang tao yun e.

"W-Wag ka ngang magassume s-secret hideout ko ang lugar na ito!" Zhyron.

Huh? Siya may secret hideout? Sa ugali niyang yan? Bakit naman kaya?

"H-Hindi e! Kanina pa kita nakikita sa kung saan mang lugar ako magpunta nandoon ka din!" sigaw ko.

"Wow ang kapal ng mukha kita mo tong hawak ko?" Zhyron.

Pinakita niya naman sakin ang libro at ang mga bulaklak na kanina niya pinitas napatahimik ako bigla.

"Kinuha ko ang mga ito para ilagay dito tas madadatnan kong bukas ang pinto! Baka ikaw yung nanstastalk sakin ah?" pangaasar niya naman sakin.

Siguro sobrang pula ko ngayon sa kahihiyan at inis ikaw kasi Zandra mahilig magconclude hays!

"G-Ginagala ko lang ang buong Avalon kasi hindi ko pa alam ang mga iba't ibang lugar dito kaya wag ka ring magassume! Ew! As if namang istastalk kita e ang panget mo!" sigaw ko naman sakanya.

"Ano! Ulitin mo sinabi mo?" siya na mukhang naiinis.

"Na ano? Na panget ka?" Ako.

"Kita mo tong mukhang to?" sabay turo niya naman sa mukha niya.

"Oh ano? Panget diba?" Ako.

Gusto kong tumawa ng malakas sa tuwa kasi parang napipikon na siya sakin.

Nagulat naman ako nung may tumalon sa likod ko at kumapit ito ano to? Bakit may claws?

"WAAA!" Ako.

Nagtatalon talon ako para malaglag ito pero useless masisira lang ata ang sweaters ko at nabigat ito lalo, tinignan ko naman si Zhyron parang wala lang siyang pake na parang alam niyang kaya ko ng ihandle iyon.

Tinigil ko naman ang kakatalon at kinalma ang sarili ko kalma lang Zandra umupo naman ako atsaka nagsalita.

"K-Kung sino ka man o ano man ang nasa likod ko bumaba ka na" ako.

Hindi pa rin ito nababa. Nakakainis ang sakit na ng balikat ko!

"Bababa ka o gagamitan kita ng element ko?" sinabi ko sa inis ko ang bigat bigat na kasi talaga.

Bumaba naman ito atsaka pumunta sa harapan ko nagulat naman ako na isa pala itong malaking lobo na kulay sky blue at puti ang ibang parte ng mga balahibo at may sky blue din itong mga mata gaya ko.

"Growl" sabi nito na parang kilala ako.

Nawala naman ang inis ko napangiti naman ako agad atsaka hinawakan ko ang ulo neto inihiga niya naman ang ulo niya sa palad ko atsaka dinilaan eto. Ang cute niya!

"A-Anong pangalan mo?" bakit ganon parang ang gaan ng loob ko sa lobo na ito.

"Growl growl"

Napatawa nalang ako sa sagot niya matalino tong lobo na to "Sky, Sky ang pangalan niya" sagot naman ni Zhyron na hindi ko napansing nasa paligid pa pala namin.

"Ahh.. alaga mo?" tanong ko ng hindi nakatingin sakanya habang pinapat ang ulo ni Sky.

"O-Oo? Matagal na nung makita ko yan dito na sugatan, ginamot ko siya kaya ayan gumaling galit yan parati sakin pero... S-Sayo hindi" Zhyron.

Hinihilot ko lang ang ulo nung lobo tas binababa ko naman eto sa baba niya nagalaw galaw ang buntot neto napangiti naman ako alam ko kasing nagugustuhan niya ang mga ginagawa ko.

"Ah ano? May sinasabi ka?" sabay lingon ko sakanya.

"Tss wala, umuwi ka na gabi na maaga pa ang training eliminations bukas" Zhyron.

Ayaw kong umalis pero tama si Zhyron kailangan kasi maggagabi na at kailangan ko na ding magpahinga, malayo layo pa ang lalakarin ko tumayo naman ako atsaka nilingon si Sky.

"Sa susunod ulit Sky!" sabay gulo ko sa buhok nito.

"Growl growl" ngumiti naman ako atsaka hinarap si Zhyron.

"Alis na ko" ako.

Pero hindi man lang siya sumagot kaya tuloy tuloy lang akong lumabas pero napansin kong sinusundan ako ni Sky.

"Sky? Bumalik ka na doon" sabi ko naman pero ayaw netong sumunod sakin.

Lumuhod ako para maging kalevel niya "Babalik ako bukas pangako" ngumiti ako atsaka pinat ang ulo niya.

"Growl"

Tumakbo naman ito pabalik sa lumang bahay kaya napangiti naman ako.

Ang gaan gaan talaga ng loob ko sa lobo na yon. Bakit kaya? Napailing nalang ako at naglakad namang muli pabalik ng dorm.

Teka? Bakit parang inantok ako bigla?

"Zandra"

Ang boses na yon, ang boses na namiss ko ng sobra..

"Master?! Master?! Nasaan ka?!" sigaw ko naman.

Bago pa ko ulit makaisang hakbang bigla na lamang dumilim ang paningin ko.

**

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now