Chapter 14 - Wala na

Start from the beginning
                                    

"Oh, saluhin mo nalang tong mga mangga." Sabi ni kuya logan atsaka nya hinulog ang mga manggang napitas nya mula sa puno. Agad ko naman iyon mga pinulot at sinalo.


Umupo kami sa isang bench na nandoon sa tabi ng puno.


"Pano natin mabubuksan tong mga mangga?" Tanong ni kuya logan saken.


Agad kong kinuha mula sa bulsa ko yung isang nail cutter ko na may kasamang can opener, at isang maliit na kutsilyo. Dala dala ko yun lagi, just in case.


"Eto!' Agad akong kumuha ng isang mangga at binalatan ang mga iyon gamit ang maliit na kutsilyo.


Nanng mabalatan namin ang mga manggang nakuha namin doon, kumain kami ni kuya.


"Kuya, pano ka naging co-leader ng grupo nyo?" Tanong ko kay kuya logan habang kumakain ng mangga.



"Wag mo ng alamin kung pano, Pero siana, eto ang gusto kong sabihin sayo, mahirap makaalis sa isang mafia org. Actually hindi ka na makakaalis sa grupo mo. Kundi papatayin ka nila. Gusto kong mag iingat ka sa pakikisama sakanila, baka mamaya isa sakanila ang gusto ka ng patayin. Tulad ni diana." Sabi saken ni kuya pero sa huling sinabi nya, nagtaka ako at nagitla bigla.


"D-diana? Diana clarkson? G-gusto nya kong patayin kuya? Pano mong nalaman?" Tanong ko kay kuya at halatang napaiwas sya sa tanong kong iyon sakanya.


Natahimik si kuya at hindi makasagot sa tanong ko sakanya.


"K-kuya? May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni diana?" Sa tanong kong iyon sakanya hindi padin sya sumagot.


"Kuya. Magsalita ka. H-huwag mong sabihing ikaw ang pumatay sakanya?" Napatakip pako sa bibig ko dahil di ako makapaniwala. P-paano? Baket nya nagawa kay diana yon?


"Look, gusto kang patayin ni diana dahil nawawalan na daw sya ng papel sa buhay nya simula nang dumating ka. Nung time na may nakita kang dugo sa kusina mo non sa sahig? Sakanyang dugo yon. Balak ka nyang patayin nung mga oras nayon, kung di pa kita pinuntahan don. Di ko pa ikaw maliligtas. Kaya inunahan ko na syang patayin." Paliwanag ni kuya saken. Kaya eto na naman ang mababaw kong luha, naiiyak na naman ako.


Di ako makapaniwala na Muntikan na pala akong mamatay ng di ko alam?

"Kaya nga, gusto kong umalis ka nalang sa grupo mong yan dahil once n nakasali ka na sa isang mafia org. Buhay mo na ang nakataya." Di ko alam kung anong isasagot ko sa mga sinabi ni kuya. Basta niyakap ko nalang sya at dalawang salita lang ang lumabas sa bibig ko.

"Thanks kuya."


Fast forward .  .  .

Maghahating gabi na ng makauwi kami ni kuya sa bahay nila mama at papa.


"Sabi ko sainyo wag kayong magpapagabi eh! Lika kayong dalawa dito dali! Kumain na kayo." Sabi samen ni mama at agad kaming pinapasok ni kuya logan sa loob ng bahay.

Matapos naming kumain sabay sabay, umakyat na sa kwarto si papa at si kuya logan.


Ako naman ay tinulungan si mama sa pag aayos ng mga pinagkainan namin. Habang inaayos ko ang mga plato. Agad kong tinanong si mama.


"Ma, A-anong nangyari saken? B-baket nyo ko naiwan sa tabi ng isang ospital na nasusunog?" Tanong ko dito. Dahil madami pakong gustong malaman tungkol sa pagkatao ko.


"Ahm, a-anak. K-kasi ano.. n-nung pinanganak kita. M-may katulong tayo. Nagtaksil sya at kinuha ka nya. A-akala ko nga namatay ka na sa sunog anak." Utal utal na kwento saken ni mama.

The Innocent MafiaWhere stories live. Discover now