𝑺𝒄𝒖𝒓𝒐 𝑷𝒂𝒔𝒔𝒂𝒕𝒐

27.9K 1.2K 82
                                    

Chapter 18: Scuro Passato
10.13.16 - unedited

Scuro Passato- Dark Past
-♦-

PERSEPHONE POV

I STARED BLANKLY at this faded boring four walls, my prison room. I shouldn't be here, I shouldn't come back here after all that I'd done to them but here I am, nandito muli sa poder nila. I'm a sinner, I think I was really born to be one. How pathetic my life can be?

I close my eyes, I can hear them. Footsteps walking outside the door, people talking. I heard the news, when Quentine's family finally found their way out from Lord Zeus' grasp. I silently thanks the gods for saving them from Lord Zeus, from the demon itself.

I know because I was one of his loyal pets at dahil din doon kaya nawala sa akin ang lahat. My friends, everything including myself... yes, I lost myself. Hindi ko na kilala ang sarili ko and I don't know how to redeem it. Nobody knows who I really am, maybe, no one will bother to. I am the villain- no, I was the villain.

Unti-unti ko ng itinatama ang mali, ang mga pagkakamali ko dahil alam kong iyon ang nararapat, ang tamang gawin. I can still remember that day, the day that changed everything. like it happened yesterday. I was so young back then.

Few years ago...

I watch her laugh with Chaos. Naka akbay sa kanya ang kanyang kapatid na si Reed Alexis. Si Autumn naman ay nakangiti lang sa isang tabi, si Summer ay nakabungisngis rin. Ang magkapatid na Sanders ay nagdedebate sa kung ano at si Nick na may sariling mundo habang naglalaro ng baraha sa tabi ni Chaos. Magkakasama kami ngayon sa tinitirhan naming bahay sa loob parin ng lupain ng mga assassins.

"Kuya! Wag mong guluhin ang buhok ko! Ang hirap kaya mag ayos!" nakangusong turan ni Quentine sa kapatid ng gulugin nito ang nakapusod na buhok nya.

"What? Nandyan naman si Summer para ayusan ka" sagot ni Reed at lalo pang ginulo ang buhok ni Quentine.

"Alex! Hindi kaya madaling mag ayos ng buhok! Palibhasa kasi hindi mahaba yang buhok nyo eh! Hmp!" nakasimangot na wika ni Summer at binato ng suklay si Alexis pero nasalo lang naman nito iyon.

"Eh di magpa ikli ka din ng buhok katulad sa amin! Ang liit lang naman ng problema mo eh" tumatawang wika sa kanya ni Chaos.

Lalong sumimangot si Summer at yumapos sa braso ng kapatid na si Autumn. "Sissy! Inaaway ako ni Chaos! Palibahasa kasi lamang lupa! Panget!" at binelatan pa nito ang lalaki.

Reed, Chaos and Autumn was on the same age, seventeen. Nick and Thalia was both sixteen, Theo and Summer ay fourteen at kaming dalawa ni Quentine naman ay parehas na thirteen. We are the youngest among the group but age doesn't matter in our world. The Assassin's world.

We were trained to kill already at meron ng tawag sa grupo namin. The Lethal Gods na si Lord Zeus mismo ang nagpangalan at may kanya kaya na rin kaming code names. I was called Persephone at mas pinili ko ng gamitin ang pangalan na iyon kesa sa tunay kong pangalan.

I was like an outcast from the group, I mean mas matagal na silang magkakaibigan hindi katulad ko na ilang taon ko palang silang nakakasama. Pero kahit ganun, itinuring na rin nila akong kaibigan and I was happy for that...

"Hoy Pers! Tulala ka na naman dyan!" sita sa akin ni Chaos at binato ako ng unan at tumama sa mukha ko yun. Malakas na tumawa sya.

"Panget!" nakasimangot na singhal ko at ibinalik ang unan sa kanya. Ako na naman ang napagtripa ng loko lokong ito.

TMH II: Chaotic World (Part Two) - editingWhere stories live. Discover now