𝑻𝒉𝒆 𝑴𝒂𝒔𝒌 𝒐𝒇 𝑸𝒖𝒆𝒏𝒕𝒊𝒏𝒆

28.2K 1K 110
                                    

Chapter 12: The Mask of Quentine
9/11/16 | unedited


— ✧ —

LINCOLN POV

NAPAPIKIT NALANG AKO sa nakikitang pagwawala ni Zeus sa loob ng opisina nya sa mismong Mansion nya dito sa Italy.

Alam na nya ang nangyari- ang pagkakatakas nina Georgina sa Pilipinas. Alam kong isang malaking pagta-traydor ang ginawa ko sa kanya, he's my friend pero hindi ko na maatim ang mga ginagawa nya- sa mismong pamilya nya.

Ayoko ng kunsintihin pa ang mga ginagawa nya, I had enough of his evil plans. Hindi ko na masikmura ang mga pinag gagawa nya.

I'm a traitor to him kapag nalaman nya ito pero ito lang ang tanging alam kong paraan para matigil na sya sa kahibangan nya sa kapangyarihan. His greed for power made him evil, made him the man I am facing now.

"I canʼt believe this! Kailangang mahanap nyo sila sa lalong madaling panahon! Hindi pwedeng magkita kita sila, masisira ang plano ko! Mawawalan ng saysay ang pinaghirapan ko! Papatayin ko kung sino man ang nasa likod ng bagay na ito, I will not forgive!"

Napalunok ako sa sinabi nya at kilala ko sya, gagawin at gagawin nga nya ang sinasabi nya. Papatay sya kung kinakailangan.

"Sienna, call Chaos now. Sabihin mo sa kanyang bantayan nya ng maigi si Quentine. Huwag na huwag nyang aalisan ng tingin dahil sigurado ako, ang anak nila ang pupuntahan nila and I don't want that to happen!"

Utos nya kay Sienna na agad naman na tumalima sa kanya.

I hate seeing this. Zeus' only see his people as his puppets, his robots na susunod sa bawat utos nya.

That's the reason why his family left him.

His wife committed suicide dahil hindi nito makayanan ang ugali nya. Mga bata palang noon sina Georgina, too young para maranasan ang mawalan ng isang ina.

After that, he raised his children like his army. Nakita ko kung paano nya pinalaki ang mga anak nya, his way of fatherhood wasn't every child's dream of having a father. He's cruel.

Then, the time comes that his children left him, all of them left. I thought magbabago na sya but he only got worsen, mas lalo syang naging masama. He sent men to find them, mabuti nalang at walang isa sa mga ito ang nakita nya.

Though he found Gen, sadly she's dead from labor. He claimed William as his grandson, ngunit hindi pa alam ng tatay ni William ng pagkatao ni Zeus... Nang lumaki na si William dun lang lumabas ang katotohanan. And William's father hated him for that..

Alam kong lalagpas ng langit ang galit nya sa akin kapag nalaman nyang kasabwat ako sa pagpapatakas kina Georgina... pero hindi ko na kaya ang ginagawa nya sa pamilya nya.

It's way too much..

I respect him as a friend but I don't like him being that cruel to his family. Nobody should treat his own blood that way, napaka hindi makatao iyon.

At higit sa lahat, naawa ako kay Quentine... Nakakulong sya sa isang daigdig ng hindi nya nalalaman at isa pa... dahil nakikita ko sa kanya ang anak kong nawala na. She has my daughter's face na lalo lang nagpapahirap sa akin sa sitwasyong ito.

"Lincoln! Are you even listening to me?"

Napatingin ako kay Zeus sa pagtawag nya sa akin. Hindi ko alam na kinakausap nya pala ako, was I too out of space? I hope hindi nya mapansin iyon.

TMH II: Chaotic World (Part Two) - editingWhere stories live. Discover now