Chapter 21

340 12 3
                                    


Tao's POV

Nanlaki ang mga mata ko nang sila agad ang bumungad sa'kin nang pumasok ako mula sa back door.

"HYUNG! Ahh!",sigaw ko at agad napaatras.

Napatingin silang dalawa sa'kin at natawa na lang si Yoona.

"Tsk. Ano ba yan, Tao? Panira ka saeng! " Napakamot si Luhan hyung sa may batok nya.

"Aba, hyung! Nahiya ako ah. Uso kasi kumuha ng kwarto po di'ba? Magha-halikan na lang sa kusina pa.Tsk.Tsk. ",maktol ko kay hyung at nag-walk out.

"Guys, kumpleto na ba tayo?",sigaw ni Shane habang nakasampa pa sa sofa.

"Hoy, Sheng! Nahiya yung naglilinis sa dumi ng sapatos mo ah! ",sigaw sa kanya ni Aisha at pinalo pa ang binti nito.

Nang iikot ko ang paningin ko sa paligid ay napa-facepalm na lang ako. Maka-yapos sila sa isa't isa ah. Pfft.

"Tama na yan, guys! Magkikita pa kayooo! ",sabi ni Ezhraika na nang-aasar.

"Oo nga!" Dumako ang paningin ko sa may gilid.

"Ayan Kris hyung ah! Ayaw na humiwalay? Maghahatid lang tayo bes, pwede pa bumalik!!!",asar ko sa kanila ni Sica at nagtawanan naman ang iba. Sus, makatawa akala naman nila hindi sila ganoon.

Ngayong araw na 'to mangyayari ang pagsasanib ng tatlong mga planeta. Kapag tuluyan nang pumagitna sa mga ito ang buwan.

Habang maaga ay kailangan naming makarating agad sa Lost Galaxy dahil hindi pa rin nababawi ang Scroll of Prophecies.

Nag-form ng bilog ang mga prinsesa at napansin ko na malungkot si Tanya.

Hindi pa rin siguro sya kumportable dahil sa mga hindi nila pagkakaintindihan.

Nagsimula nang mag-chant si Irish ng ritual. Yun ang gagamitin nila dahil wala naman silang kapangyarihan.

Napaatras kami nang uminit ang paligid nila. Tila may makapal na enerhiyang pumapalibot sa kanila ngayon.

Sobrang init.

Maya maya pa ay nagkaroon ng crack ang sahig na kinatatayuan nila at naglabas ng ilaw ang mga gilid nito.

Saka sila nawala.

Whoa. Ibang-iba ang ginawa nila kumpara sa portal.

Sila Lay at Xiumin hyung ang nanguna sa paggawa ng portal saka kami isa isang nagsipasukan.

Pero bago iyon ay napa-make face na lang ako nang magb-bye pa ang mga buset sa isa't isa. Pfft.
Nang lumabas ako sa kabilang dulo ng portal ay sumalubong sa'kin ang napakalakas na hangin at sunod-sunod na kulog at kidlat.

Lumingon ako sa parte na may dagat at ang lalakas din ng paghampas ng alon sa dalampasigan.

Maaaring ito ang mga signus ng nalalapit na oras na iyon.

"Anak ng... Wait. Woo! Nahilo ako~"

Natawa ako sa naging reaksyon ni Aisha habang nakapamewang pa at nakapikit ng mariin saka pinitik sya sa noo. Kararating lang nila.

"Arte mo, boy. "

Sinamaan nya lang ako ng tingin at nabaling ang atensyon namin sa mga dumating. Ang mga guardians pati na rin sila Chaelin at Dara noona. May dala pala silang mga Pegasus na sasakyan ng mga Prinsesa.

Napansin ko ang pagtahimik ng mga prinsesa. Malamang ay kinakabahan na sila. Lalo na at kung may parusang nakaabang sa kanila.

Buong paglalakbay namin ay wala miski isa sa kanila ang nagsasalita. Napatingin ako kay Suho hyung na nakaalalay kay Ezhraika at kitang kita sa mga mata nya ang pag-aalala dahil sa ikinikilos nito.

[2] Adventures of Exo: The ProphecyWhere stories live. Discover now