Chapter 9

290 18 0
                                    


Tao's POV

Hindi umiimik kanina pa si Baekhyun hyung at Kai. Kumakain kami ngayon at sobrang awkward dahil ramdam naming lahat na hindi magsasalita si Yoona tungkol sa mga nangyari.

Kung paano sya...nabuhay.

Aish! Pakshet. Ewan talaga. Gulong-gulo na din ako sa mga pangyayari! Nakaka-bwisit lang mag-isip.

Pati ang mga prinsesa ay nagugulohan din. Hindi namin maipaliwanag sa kanila dahil wala kami sa posisyon para mag-kwento. Bukod dun, miski kami ay hindu alam ang nangyayari.

"Uhm. Yoona,right?"

Napatingin ako kay Yshii na nagsalita. Sa hitsura nya ay parang wala lang ang nangyayari.

Hindi ko nga alam kung anong magiging reaksyon nila Kris hyung,Xiumin hyungnat Sehun mamaya eh.

Huhuhu. Goodluck sakin sa pag-iisip diba? Alam nyo nang lahat ang dagilan pag nabaliw na lang ako bigla. Pfft.

"Oo.",naka-ngiting sabi ni Yoona. Feeling ko eh lahat kami ay nag-abang sa usapan nilang 'to.

"Paano kayo nagka-kilalang lahat?"

Okay. Ayan na. Hindi ata makaramdam 'tong prinsesang 'to eh. Manhid siguro? Tsk.

Pero nang mapatingin ako kay Yoona ay mas lumawak pa ang ngiti nya.

"Pamilyar siguro ako sa inyo. Isa kasi ako sa mga fairies na naging misyon nilang lahat dati. Katulad ng ginagawa nila ngayon,hinanap rin nila kami dati at pinag-sama sama."

Napahinga ako ng maluwag dahil yun lang ang sinabi nya. Sa ikinikilos ngayon ni Baekhyun hyung at Kai eh parang hindi nila palalagpasin itong pagkakataon na 'to at pipilitin nilang sabihin sa kanila ni Yoona ang totoo.

Pagtungtong pa lang dito ni Yoona sa bahay eh alam na naming lahat na nabuhay muli ang pag-asa sa kanila.

Biglang may nag-doorbell kaya naman agad na napatayo si Chen hyung.

"Hehehe. Ako na!" Pansin ko na gustong-gusto ata ni hyung na makaalis muna sandali dahil nakaka-suffocate nga naman ang tensyon ngayon dito sa dining room.

Susme.

Nang makabalik si Chen hyung ay napansin ko na may iba pang prensensya. May kasama sya?

"Guys. Si Irish.",sabi ni hyung.

Nagtaka ako sa naging reaksyon ng mga prinsesa. Naubo pa nga si Shane kaya naman binigyan ko agad ng tubig. Sino ba sya?

"So rude of me to barge in your home without permission.Well,sorry with that. I'm Princess Irish from the Southwestern Floating Island.",taas noo nyang sabi habang nakangiti at isa isa kaming tinignan.

Ahh. Okay?

---

"Anong naman ang naging dahilan at nagpakita ka na Irish?",tanong ni Ezhraika sa kanya at binigyan sya ng maiinom na juice.

"You already know what." Inirapan pa nya ito. Akala ko ba eh mas matanda si Aika dito?

Bastos na bata. Pfft. Parang si Sese maknae minsan eh.

"I mean what about Aubrey? May problema naman talaga for sure eh."

"Kailangan nya ng tulong mula sa ilan sa mga lalaki dito sa bahay na ito.",sabi nya at tinignan na naman kami isa isa. Hindi sya nagsasalita. Parang inoobserbahan kaming lahat.

Tumayo sya at nilapitan si Luhan hyung na pinagigitnaan ni Yoona at Chanyeol hyung. Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit nya ang mukha nya sa mukha nito.

Si Yoona naman eh hindi maipaliwanag ang hitsura. Parang naiinis na nagpipigil. Hahahaha. Pero ilang sandali lang ay kumalma din.

Ahh. Kaya pala. Hinawakan pala ni Luhan hyung ang kamay nya at siguradong naguusap ang dalawa sa mga isip nila.

"Pwede ka ba?" Sa wakas ay nagsalita na ulit si Irish.

"A-Ahh! Hehehe.Prinsesa Irish! Kami na lang ni Lay hyung! Hehehehe.",sabi ni Jongdae hyung at hinila pa patayo si Lay hyung na walang kamalay malay. Hahahaha! Ang epic ng hitsura talaga ni hyung kahit kelan.

Napaayos ng tayo si Irish at tumingin sa dalawang hyungnim saka ngumiti.

"Okay!",sabi nito at dire-diretsong naglakad papunta sa pinto.

"Sandali! Saan ka pupunta?"

"Malamang, edi sa tutulungan nyo. At FYI,dude, tayo at hindi lang ako. Kaya naman better get your ass off of that couch this instance."

Napangiwi si Chen hyung habang si Lay hyung naman ay nauna nang sumunod habang nagkakamot ng batok.

Hay. Kawawang mga hyung.

Wait. Speaking of kawawa...  Argh!!! Dapat eh sumama ako sa kanila! Huhuhu. Ayoko mamatay sa mansyon na 'to dahil sa mga kasama kooo~

"Baobei. Ihahatid na kita sa shop mo."

"Ahh. Sige. May mga special orders pa pala akong kailangan na asikasuhin."

Tumayo silang dalawa mula sa pagkakaupo at lumingon sa pwesto namin.

"Aalis na kami. May trabaho pa si Yoona na kailangan gawin eh.",pag-paalam ni hyung.

Sasagot na sana si Suho hyung nang maunahan syang magsalita ni Baekhyun hyung.

Ouch. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Sandali lang Yoona. Mag-usap muna tayo."

Nilingon ko ang mga prinsesa at nakitang wala na sila sa kinauupuan kanina. Siguro ay gusto nila kaming bigyan ng pagkakataon na mag-usap usap.

Hindi sumagot si Yoona kaya naman napatingin ako sa kanila. Nakatingin lang sya ng diretso kay Baekhyun hyung at si Luhan hyung naman ay nakatingin sa kanya. Naghihintay ng kanyang desisyon.

"Okay."

Seryoso na ang mukha nya ngayon hindi katulad kanina na medyo kalmado pa.

Naupo silang dalawa ni hyung sa katapat ng sofa na inuupuan ni Chanyeol hyung,Baekhyun hyung at Kai. Habang kami ni Suho hyung ay nanatili pa rin sa inuupuan naming magkatabing single sitter sofa.

Naging tahimik muna sila. Ewan. Si Luhan hyung nga eh hindi ko alam kung anong ginagawa ngayon. Hindi ko mabasa ang mga mata nya.

"Nasaan sila?"

Umiwas ako ng tingin ng tanungin yun ni Baekhyun hyung kay Yoona. Ayokong makita ang mga reaksyon nila.

"Sila ba ang dapat o sya? Lahat ng isasagot ko sa inyo ngayon ay totoo kaya naman huwag kayong magagalit sa'kin,samin. Lahat ng tanong nyo ay sasagutin ko. Pero hindi ako magsasalita kung alam kong wala na ako sa lugar na magsabi ng isang bagay na hindi naman dapat ako ang nagsasabi.",malumanay na pahayag nya.

Nakikita ko na ayaw din ni Yoona ang nangyayaring 'to. Pero wala syang choice.

"Kung si Taeyeon ang hinahanap mo. Hindi ko alam kung nasaan sya. Simula nang ibalik kami dito ay kasabay nun na ibinalik samin ang dati naming buhay. Noong bago pa kayo makilala."

"Bakit ka nandito? Dapat ay nasa Korea ka diba?",tanong ni Chanyeol hyung.

Napangiti si Yoona. "Ako ang humawak sa negosyo ng tiyahin ko. Pansamantala lang talaga yun dahil nagbakasyon lang sya ng ilang buwan. Pag nakabalik na sya ay uuwi agad ako sa Seoul."

"S-Si Yuri?" Nakayuko si Jongin. Naku. Hindi ko alam kung kanino ako mas maaawa sa mga kaibigan kong 'to eh. Tsk.

"Nasa Seoul sya ngayon. Si Jessica naman ay nasa Hong Kong at may negosyo na. S-Si Seohyun ang hindi ko alam kung nasaan. Masamang masama ang loob nya noon. Hindi namin sya nakausap."

Yun lang. Kay Sehun pala ako dapat maawa. Pfft.

[2] Adventures of Exo: The ProphecyWhere stories live. Discover now